‘Kim Chiu’: Never kong narinig na nag-sorry si Xian Lim sa akin

Charmae-Viking Charmae-VikingISANG CHARMAE Santos Viking na sinasabing ang Kim Chiu lookalike na binastos ni Xian Lim ang nag-post sa Facebook ng kanyang sama ng loob sa ka-love team ni Kim.

“This will be the last time na magsasalita ko about dito, Just want to clear things out, yung mga fans ni Xian Lim, sinasabi nila na hindi sya perpekto kaya nagkakamali. Kung ganun katwiran ng lahat ng tao, marami na sana ang gumawa ng kasalanan sa mundo,” unang litany ng hitad.

She denied na naging gentleman si Xian matapos mabalita na inalalayan naman daw siya nito habang pababa ng stage.

“And one thing else, “Hindi po totoo na inalalayan nya ko offcam, mama ko pa mismo tumulong sakin makababa ng stage,” she said.

Aware ang dalaga na nag-issue ng public apology si Xian sa kanyang Twitter account pero hindi nito nagawang mag-sorry sa kanya.

“Nagpublic apology nga siya just to show na di nya yun sinadya, but seriously? Never kong narinig na nagsorry sya mismo sken.”

Maraming bumatikos sa dalaga dahil napasama ang imahe ni Xian matapos matunghayan ng madlang pipol ang harap-harapang pambabastos ni Xian.

Ang reaction ng dalaga sa panlalait na inabot niya ay ito, “No one has the right na ijudge ako kung nasaktan ako, yun lang po. Hindi ko to ginagawa para sumikat, i don’t need that kind of fame kung pangit naman ugali ko. Mas mabuti ng hindi sikat at least walang inaapakang tao.”

 

SUPER DISAPPOINTED si Cristina Decena sa isa niyan g female friend dahil isa diumano ito sa nagplano ng pagpatay sa kanya.

“Totoo pala ang kasabihang you’re best friend is your worst enemy,” sabi niya sa amin during an interview.

Sumuko ang hitman at isinalysay ang mga sangkot sa tangkang pagpatay sa kanya kaya “kampante na ako kasi noong lumutang itong hitman at sinabi niya ang totoo so paano ka pa matatakot?” sabi pa niya.

For Cristina, “hindi ko siguro sila patatawarin kasi  dapat nilang pagdusahan ang ginawa nila para ‘wag na nilang gawin sa iba. Baka ulitin kasi nila sa iba ‘yon. Ganoon na ba kadali magpapatay? Ako nga pinapatay na pero hindi pa ako nakakaisip na magpapatay. Gusto ko maturuan sila ng leksyon sa paraang legal.”

Anyway, magiging busy si Cristina sa bago niyang show kasama si Venus Raj.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

3 thoughts on “‘Kim Chiu’: Never kong narinig na nag-sorry si Xian Lim sa akin

Leave a Reply

Your email address will not be published.