Kim Chiu, nasasaktan para kay Gerald Anderson

HINDI PA RIN NATUTULDUKAN ang isyu tungkol sa napapabalitang paghihiwalay raw nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Idagdag pa rito ang pagkakamabutihan na raw nina Gerald at Bea Alonzo.

There was a rumor that Kim alleged­ly hurt herself after their supposed separation. Nauna nang nagsalita tungkol dito si Gerald when I interviewed him on The Buzz. Hindi raw magagawa ito ni Kim sa kanyang sarili ayon kay Gerald.

Mariin ding itinang-gi ni Kim na nagtangka siyang magpakamatay nang interbyuhin siya kamakailan ng The Buzz. Sabi niya, “Alam mo, kalokohan and katangahan para sa akin kung gawin ko iyon. Papatayin ko’ng sarili ko, bakit? Parang sino’ng mag-aalaga sa mga kapatid ko? Sinong bubuhay sa kanila? And may pinagagawa akong bahay, dream [house] ko, sino’ng magtatapos noon?”

“Ito’ng sasabihin ko, lahat ng tao, dumadaan sa proseso ng buhay. Nasa taas, nasa ibabaw, malungkot, masaya pero dahan-dahan nagiging okay naman ang lahat. Katulad ko masaya naman ako ngayon.”

Pero sa kabila ng mga intrigang patuloy na ipinupukol sa kanilang dalawa ng aktor ay nananatili pa ring pawang mga mabubuting salita lang ang binibitiwan ni Kim tungkol kay Gerald. “Iyong tungkol kay Ge, ayokong isipin na masama siyang tao kasi hindi talaga. Lahat ng mga haters niya parang ako ang nasasaktan para sa kanya.”

Hindi siyempre palalagpasin ng The Buzz na tanungin si Kim about her comment on Gerald’s alleged blossoming romance with Bea. “Magandang lalaki si Gerald, aminin natin iyon. Mabait pa, gentleman. Lahat naman, magkakagusto sa kanya kaya hindi na imposibleng may ma-link pa sa kanya.”

Parang fate has been playing a tricky game on Kim, Gerald and Bea who work together on ASAP XV. Paano ba sila ni Bea sa set ng variety show? “Hi, hello batian portion. Parang iba’ng circle of friends nila sa ASAP. Nagbabatian kami, okay naman po kami,” she said.

Sa kabila ng lahat ay may aabangan pa rin tayo sa tambalang Kim-Gerald dahil may bago silang movie titled ‘Till My Heartaches End under Star Cinema.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleSinger-Actor, wala nang ganang magtrabaho?!
Next articleKC Concepcion, ginagamit lang ni Rico Blanco?!

No posts to display