Kim Chiu, nagpadagdag ng boobs?!

BLIND ITEM: KINUNSULTA kami ng isang aktres. Na-shock daw siya sa mga tweets na nare-receive niya na nagtatanong kung totoong nakipag-sex siya sa isang papansing boldstar.

“Huh? Juice ko, ano ‘yon? Saan galing ‘yon?”

At oo nga, me mga tweets na nagsusumbong sa kanya na sa interbyu ng nasabing papansing boldstar ay nasabi nito sa isa ring papansing TV-radio host na nag-sex na si Boldstar at ang aktres.

Sabi namin kay Aktres, “Hayaan mo na. Nagpapakontrobersiyal lang ang dalawang ‘yon, dahil gustung-gusto nilang nagre-reak ang mga tao sa kanilang pasabog.

“Deadma ka na lang,” sabi namin, “Pero ‘pag me nagtanong sa ‘yo, sabihin mo, ‘Hindi ko alam ‘yon. Sila ang nakaimbento no’n, sila ang magpaliwanag!’”

“Correct! Sige nga, ‘yan ang isasagot ko ‘pag me nagtanong. Ano kaya ang tinira ng mga ‘yon?”

Hahahaha!

‘Yun na!

 

NAKAKATUWA ANG ANAK nina Tito Dolphy at Ms. ZsaZsa Padilla na si Zia Quizon. Singer na singer na. May pinagmanahan naman kasi. ‘Pag nagsalita, si ZsaZsa, ‘pag umawit na, me sarili nang timbre ang boses.

Ang gandang bata, lalo na kung magpapapayat pa siya. Buti nga kamo’t natakpan ng gitara ang kanyang kalusugan. Pero madaling maremedyuhan ‘yan.

Pero ‘yung tatak-Dolphy at

tatak-ZsaZsa, nandu’n talaga. Feeling namin, gagawa ng sariling marka at identity si Zia sa showbiz industry, tulad nina KC Concepcion at Luis Manzano.

Hahaha! Kitang-kita, habang umaawit sa kanyang birthday celebration si Zia sa ASAP Rocks, once in a while ay ipinapakita ang inang si ZsaZsa na proud na proud sa anak nila ni Tito Dolphy.

Wish namin, maa-butan pa ni Tito Dolphy ang kasikatan ng kanyang anak hanggang sa magkaapo pa siya rito. Sa tuhod, ha?

 

ISA SA MGA hinahangaan namin at kinaiinggitan namin (in a positive way) si Kuya Boy Abunda bilang TV host, bilang talent manager, bilang tao at bilang kaibigan.

Kahit hindi kami nagkikitang madalas niyan, nandu’n ‘yung respeto namin sa isa’t isa. Yakapan lang namin nang mahigpit, alam na namin ang ibig sabihin.

Saka gusto namin ang kanyang attitude na igi-give up niya ang ibang trabaho niya para mapagtuunan niya ng atensiyon at panahon ang kanyang mahal na ina hanggang sa huling sandali ng buhay nito.

Dahil katwiran ni Kuya Boy, wala siya kung wala ang kanyang ina.

Imadyinin n’yo, malaki rin naman ang kinikita niya bilang manager at may-ari pa ng Backroom, Inc., pero sa kanya, importante ang pera, pero mas importanteng mabigyan niya ng maraming oras ang kanyang ina ngayon.

Kaya naniniwala kami na kung ano ka ngayon, malaki ang kontribusyon ng kung ano ang relasyon n’yong mag-ina nu’ng bata ka pa.

Ang daming attitude sa buhay ni Kuya Boy ang aming ginagaya, in fairness. So ang tawag namin kay Kuya Boy… idol!

 

ILAN NA ANG nagtatanong sa amin kung nagpadagdag daw ba ng boobs si Kim Chiu?

Wala kaming konkretong maisagot, sa totoo lang.

Pero kung totoo man, ano naman ang masama? Eh, kung ‘yun ang makapagpapaangat ng kanyang imahe, ‘di ba?

“Wala namang masama. Ang masama eh, kumba’t kasi ayaw pang aminin?” sabi naman ng aming kaibigan.

Hay, nako… hayaan n’yo’t ‘pag nakita ko si Kim Chiu, itatanong ko ‘yan nang bonggang-bongga.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

25 thoughts on “Kim Chiu, nagpadagdag ng boobs?!

  1. hoy! hindi sya nag pa-retoke . MABAIT NA TAO SI KIM AT TOTOO SYA. She’s not like the other Filipino artists puro plastikan ang ginagawa para sumikat lamang.

  2. im sure,deny to death naman ‘tong biyak na kawayan na’to…….aminin mo na kasi kim na wala ka talagang talent kaya idadaan mo na lang sa mga retoke yang katawan mo….nakakahiya ka….

  3. Inggit si Shebie dahil hindi siya puwedeng magpalagay ng boobs. Saan ilalagay, SA LIKOD ? NAKAKATAWA NAMAN NA ANG BOOBS AY KARAY KARAY NIYA AT NASA IBABAW NG SHELL. Kaya Shebie, magtago ka na lang sa sulok, hane. Don’t come out until we say so.

  4. Ganda ng bahay ni Kim na ipinakita sa Kris TV, I have respect for artists who work so hard and put their hard earned money to good investments plus si Kim tumutulong din yan sa pamilya nya sa Cebu. Sana magselbeng inspirasyon itong mga artistang hard worker at umasenso ang buhay para lahat ay may positive na outlook sa buhay at hindi maging loser at hindi maging palamunin ng goberno natin.

  5. Si aling SHEBIE binabayaran yan para magcomment dto sa pinoy parazzi, kaya ganyan yan mgcomment para mpansin ng iba at magcomment din sa iba!

  6. Ang haba ng article…then merong little paragraph about Kim’s boobs…tapos ginawang header…sure enough ang comments are–about Kim’s boobs.

    Catchy title…bow ako kay Ogie D.  Pinitik lang naman niya ang pinakapopular na artista of her generation…alam ko ang answer ni Kim kung tanungin mo Ogie…HINDI!  It comes with the genes…kahit tingnan mo pa ang mga sisters nya!

  7. Alam nyo ba na nakakahiya ang mga level ng pag-iisip ng ibang kababayan. Buti na lang hindi nila ini-Ingles ( o hindo marunong kasi nga walang tamang edukasyon ) ng sa gano’n di maintindihan ng ibang lahi. Teka , bakit ba ako pumapatol sa ganitong usapan? Simple lang, baguhin nyo na ang ganyang pag-iisip. Maikli ang buhay, gumawana lang kaya  ng makapagpasaya at tama sa kapwa. Pleaaaaaaaaaaaaaaaaaase! 

  8. eh ano naman ang masama kung enhance ni kim ang boobs niya, halos lahatg sa showbiz ganon look at zha zha padilla obvious ba malaki sobra ang boobs, look at ruffa gutierez panay ang pa belo, inggit lang ang hindi magpa dagdag kasi wa sila pera para magpa ganon.

  9. SAAN KAYA NAGPARETOKE ITONG SI KIM VANG CAY……….PALAGAY KO SA RAPIDE……….HAHAHAHA…………MUKHA KASING BUMPER……..HAHAHAHA

  10. SINAKSAKAN LANG SIGURO YAN NG TABA NG TALANGKA……….HAHAHA….YUNG MGA “PANGKAT KAWAYAN” AT “KIMPON NG KADILIMAN” MGA MYEMBRO DIN YAN NG FLAT-CHESTED COMMUNITY……HAHAHAHA

  11. ang lalandi ng avatar dito! back to topic: ok nga yun magpadagdag ng boobs si kim atlis hindi nya sya mukhang pusporo,, joke!

  12. DI YAN NAGPA RETOKE KUMUHA YAN NG SPONSOR, NELTEX AS IN FOAM…….HAHAHAHA……………MINSAN MGA LUMANG DYARYO NA CRUMPLED AT NILAGAY SA LOOB NG BRA……..PUEDE RIN NA MAY PIGSA LANG YAN SA MAGKABILANG MALA-NUNAL NA DIBDIB NIYA KAYA MUKHANG LUMAKI……HAHAHAHA

  13. parang sinama na ni karylle si zia quizon ng maging hurado siya sa showtime,,,nagduet kasi sila sa talent portion..blah..blah..blah!

  14. okay lang yun kung totoo man, uso naman yan sa mga celebrities. Bagay naman sa kanya at in fairness ha, magandang magdala ng damit si kim chiu. Kahit anong isuot nya, bumabagay sa kanya.

  15. Hindi naman nawala si Kim sa public eye. Kung nagpa opera, sana, nawala to recuperate. Hindi eh. Para kasing nag gain rin si Kim ng weight. Bagay sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.