Kim Chiu, mas type ni Kris Aquino kaysa kay Anne Curtis- Morly Alinio

SA BONGGANG HACIENDA pala ni Kuh Ledesma ginanap ang reception matapos ang civil wedding ng anak nina Janice de Belen at Aga Muhlach na si Igi Boy at si Patty Petil na ginanap sa Munisipyo ng Mendez.
“Wala sina Aga at Janice nang ikasal ko sina Igi Boy at Patty, pero may mga kasamang mga kamag-anak ang dalawa. Sa pagkakaalam ko kasi, ang mga magulang ni Patty ay nasa Amerika kaya ang kasama lang niya nu’ng araw na iyon ay ‘yung kapatid ng kanyang ina at ilan pa nilang kamag-anak.” Pahayag ni Mendez Mayor Manuel L. Romera ang Municipal, na siyang nagkasal kina Igi Boy at Patty.
“Sa pagkakaalam ko, hindi secret marriage ang nangyari, matagal nang nakapaskil diyan sa ibaba ang kanilang marriage application. Galing sa mabuting pamilya si Patty dahil kilala ko ang batang iyan at ang kanyang mga magulang. Pare-pareho kaming tubo dito sa Mendez,” sundot pa ni Mayor Romera.

[ad#post-ad-box]

Sa kabilang banda, nakausap naman namin ang asawa ni Aling Nene, guardian ni Patty. “Aba, ang ganda ng kasal. Tuwang-tuwa nga ako dahil nakita ko nang personal ang mga balae ko na sina Janice at Aga. Dumating din si Charlene (Gonzales-Muhlach), ang ganda pala niya at ang puti. Pero alam ba ninyo masaya kami dahil two months buntis si Patty at malapit na akong maging lolo,” tuwang-tuwa pang sabi ng aming kausap.
Sa kabuuan, masaya kahit inilihim sa showbiz ang kasalang Igi Boy at Patty. “Alam ko, mahal nina Patty at Igi boy ang isa’t isa dahil napakasaya nila nu’ng ikasal sila plus mabait na bata talaga si Patty. Tahimik na bata ito at napakagalang kaya sa pagkakaalam ko bagay na bagay talaga sila ni Igi Boy,” pagwawakas ng aming kausap.
Ayaw namang pag-usapan ng dating mag-asawang Janice at Aga ang nasabing kasalan sa kung anumang dahilan.

SI KIM CHUI ang personal choice ni Kris Aquino para gumanap na Kris sa bio-film na gagawin para sa buhay ni dating pangulong Cory Aquino. Base sa sinabi ni Kris, si Kim umano ay nagtataglay ng maraming katangian kung kayat ito ang kanyang napipisil kung sakali na gumanap sa kanyang buhay bilang batang Kris.
Very proud at flattered naman si Kim sa naging pahayag ni Kris, at hindi raw siya magdadalawang-isip para sa nasabing role.
Samantala, marami ang nagsabi na hindi si Kim ang bagay na gumanap na young Kris Aquino kundi si Anne Curtis na almost the same sa mga katangian ni Kris. Madaldal, very vocal at higit sa lahat, kiriray. “My God masaya ako for Kim at least gagampanan niya ang role ni Ate Kris.”
Ayon pa kay Anne hindi naman daw siya nakikipag-agawan ng role kay Kim lalo pa at hindi naman siya ang personal choice ni Kris. “Basta masaya po ako ngayon sa takbo ng career ko lalo na at ang dami-daming support from friends na nagsasabing lalong gumaganda ang show namin ni Vhong Navarro.”
Sa pagwawakas ni Anne, mariin niyang sinabing hindi totoong nagkabalikan na sila ni Sam Milby. Wala raw balikang
nangyayari dahil pareho silang busy sa kani-kaniyang work.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

2 thoughts on “Kim Chiu, mas type ni Kris Aquino kaysa kay Anne Curtis- Morly Alinio

Leave a Reply

Your email address will not be published.