Kim Chiu, mahihirapan kay Coco Martin

Kim-ChiuKim-ChiuMULA NANG malaman ng mga KimXi (Kim Chiu-Xian Lim) fans na ise-set-aside muna ang tambalan ng dalawa para bigyan ng pagkakataon na magtambal sina Kim at Coco Martin, marami ang nagreact.

Kung anu-ano ang mga sinasabi nila. Kesyo hindi bagay ang teamup nina Coco at ng idol nilang si Kim. May mga violent reaction na kung anu-ano ang mga pinu-post sa Twitter at Facebook at ayaw nila.

Pero kung titingnan mo, challenge ito para kay Kim. Positibo na career move ito para sa dalaga na maihiwalay sa ka-loveteam na nakasanayan ng publiko.

Sabi nga via the new teleseryeng Ikaw Lamang na magsisimula na sa March 10, masusubukan si Kim bilang isang totoong artista dahil makikipagtagisan siya ng talino hindi lang kay Coco Martin na isa sa mga magagaling nating dramatic actor kundi sasabak din siya sa mga magagaling na artista ng industriya tulad nina Daria Ramirez, Cherie Pie Picache, Ronnie Lazarro, Spanky Manikan, Tirso Cruz III, John Estrada at Cherie Gil.

Kung dati-rati’y nagda-drama man si Kim sa mga pelikula at teleserye niya, with Ikaw Lamang, ibang Kim ang mapapanood ng publiko.

Isang Kim na mas seryoso. Maging siya kabado noong una. Aminado siya na hindi basta-basta ang mga artista na makakasama niya, lalo na ang mga senior star.

“Very challenging. Kabado ako. Sa totoo lang, nahihiya nga po ako dahil baka magkamali ako. Nakakahiya sa kanila. Alam mo na very professional sila na pagdating sa set at kapag magte-take na, in character na sila,” kuwento niya sa media during the press launch.

With Coco, inaalalayan siya ng aktor na alam naman niya na helpful sa mga artista na tulad niya. Puring-puri nga ni Kim ang co-star niya sa dami ng awards at experience niya sa pag-arte which in return ay thankful naman ang dalaga.

Sa Ikaw Lamang, Kim plays daughter of an haciendera ng tubuhan sa Negros while si Coco who plays the role of Samuel na anak ng isang “sakada” (sugarcane field worker), kung saan sa simula ng kuwento ng teleserye ay si Coco ang nagligtas sa kanya sa sunog sa tubuhan na maaari niyang ikamatay.

Bukod kay Coco, makakasama ni Kim sina Jake Cuenca at Julia Montes.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Kim Chiu, mahihirapan kay Coco Martin

  1. Lalamunin si kim sa aktingan ng mga kasama nya dyan kay julia montes lang baka taob na sya kaya galingan nya

Leave a Reply

Your email address will not be published.