Kim Chiu, ingat na ingat na muling masaktan!

YES OR no lang for an answer, pero hindi masagot nang diretso ni Xian Lim ang tanong kung nanliligaw na nga ba siya kay Kim Chiu. Tuloy may mga nagdududa sa tunay na intensiyon nito sa young actress. Baka naman daw sinasakyan lang niya ang nabuong tandem nila sa My Binondo Girl para sa tuluy-tuloy na pag-angat ng kanyang career.

Bilang bagong ka-loveteam kasi ng kung bansagan ngayon ay Primetime Princess ng ABS-CBN, mabilis na nakilala si Xian.  At ngayon nga ay marami na ang fans ng tambalan nila.

“Ako, hindi ko naman siyempre kayang i-please ang lahat ng tao,” reaksiyon ni Xian nang makausap namin recently.  “Siyempre, normal lang po na may ibang mag-iisip ng ganyan. And, uhm… paulit-ulit po akong mag-i-explain. Kahit isang libong beses pa po. Na… wala pong gano’n. Wala po akong gano’ng pakay. Wala po akong gano’ng intention. Basta po… nandito lang ako para kay Kim. Ipinapakita ko na special siya sa akin. Gusto kong iparamdam sa kanya that I care for her. She’s really special for me. I’d like to take things step by step,” na-ngiting sabi pa ng binata. “Mangyayari naman ‘yon if it’s really meant to be. Ako… I just wanna make her feel special. Everytime I’m there with her, I just want her to feel special all the time. ‘Yon nga po… everytime na lalabas kami, everytime na magkasama kami by chance… taping man ‘yan o hindi trabaho, I just want her to be special. In every single way. Basta gusto ko lang munang iparamdam kay Kim na special siya. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon kung hindi ko maipaparamdam sa kanya iyon. And everytime nga na I’m with her, she’s always special para sa akin.”

At sa mga nagdududa sa sinseridad niya kay Kim, ang tanging masasabi lang daw ni Xian…“Basta paulit-ulit ko lang sasabihin na ipaparamdam ko sa kanya na special siya. Iyon na ‘yun.”

May kokontra pa ba?

 

IPINAHARANA SA isang choir sa set mismo ng My Binondo Girl nitong December bago ibinigay ang Christmas gift sa kanya na sa isang lap pillow. Palagi siyang sinu-sorpresang bigyan ng bouquet of flowers. ‘Yong mga ganitong romantic gestures sa kanya ni Xian Lim ay labis naman daw ikinatutuwa ni Kim Chiu. ‘Yon nga lang, hindi niya masabi kung talaga bang ‘yong magandang samahang nabubuo ngayon sa pagitan nila ay matutuloy nga sa totohanan na.

“Siyempre, nag-iingat din ako sa nararamdaman ko and sa… kung kanino ko ibibigay ang puso ko. ‘Yon!”

Magtatapos na ang My Binondo Girl. Paano kung magpatuloy pa rin ang panunuyo sa kanya ni Xian?

“’Yon… do’n talaga mapu-prove na totoo ‘yong ginagawa niya for me. Na talagang after ng show eh, nandiyan pa rin siya.”

Matatagalan pa ba bago siya makumbinsi na wala nang dapat pang i-prove si Xian sa intensiyon nito sa kanya?

“Ah… depende. Siyempre I want to take things slow. And… dahan-dahan lang para sigurado ka talaga sa nararamdaman mo.”

Alam ng lahat kung paano nga nasaktan nang husto si Kim sa naging pagtatapos ng relasyon nila noon ni Gerald Anderson. Na pati fans nila, naapektuhan din talaga.

Matatagalan pa nga ba bago niya muling buksan ang kanyang puso para sa isang panibagong pag-ibig? Malabo siyang magka-boyfriend ulit ngayong 2012?

“Uhm… ako, dahan-dahan muna. Kasi… hindi naman ako nagmamadali, eh. And… kilig-kilig lang muna. Hanggang do’n lang muna.”

Pumapasok ba rin sa isip niya ‘yong thought na… baka kaya siya espesyal at sinusuyo ni Xian ay dahil sa tambalan nila?

“Minsan. Minsan. There are times. Pero nakikita ko naman ‘yong sincerity niya, eh.”

Ano ba ‘yong mga nakita niya sa binata na patunay na genuine naman ang sincerity nito sa kanya?

“Uhm… nandiyan lang siya lagi. And hindi naman… Basta! Mararamdaman mo naman iyon, eh.”

Nasaktan siya nang husto sa break-up nila ni Gerald Anderson. Malaking bagay ba ‘yong pagdating ni Xian sa buhay niya para mas ma-lighten up pa siya from what she has been through?

“Uhm… siyempre. In a way… in a way rin. And part of growth din naman ‘yon, eh.”

Matagal na panahon din bago muling naging kapansin-pansin na nakakangiti na naman siya at nakakatawa nang husto ulit. Na kinikilig-kilig na naman at may kakaibang glow again in her face.

“Ano… masaya lang. And nakakatuwa kasi siyempre time na rin para… hindi naman forever malungkot sa buhay. Dapat naman maging masaya.

“Pero mag-ingat-ingat lang tayo nang konti. Para hindi na ulit masaktan.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

23 thoughts on “Kim Chiu, ingat na ingat na muling masaktan!

  1. Pingback: Kim Chiu, ingat na ingat na muling masaktan! | Celebrity Philippines

  2. @SILI – THAT MAKES A CERTIFIED “KIMPON NG KADILIMAN”…..ANYWAY, IM SURE CHAKA KA AT PASADO KA NA SA STANDARDS NG ISANG ZOMBIE AT CANNIBAL…….UNA MO KAININ YUN SILI NG TATAY MO……….BWAHAHAHAHAHAHAHA

  3. inggit lang kayo sa kanya. I’m not a fan of kim but in fairness to her, she has the svelt figure that any woman desires kaya kahit anong isuot nya ay bagay sa kanya. Kaya si shebie sobrang inggit sa kanya papano wala siyang pwedeng ipagmalaki kundi ung kabastusan at kasamaan ng ugali niya. @shebie, ikaw ba ay meron bahay na o nangungupahan ka lang? Walang kapupuntahan ang tulad mo na mapanlait sa kapwa at pulos kabiteran ang laman ng dibdib. Napanood ko ang bahay ni kim sa Kris tv at masasabi kong isa sya sa maswerteng bata na ginagamit ang utak di tuladl mo…. hehehe!. Go and make yourself useful!!!!

  4. BINASTED TALAGA NI ERICH BEAUTY AND SEXY SI PAMINTANG DUROG…….IKAW NA MAKIPAG-AGAWAN SA MAKE-UP………HAHAHAHAHAHAHAHA

  5. @clarisse sayang lang ang declamation at emote emote mo dyan hahahhaha! walang pakialam ang mga tao sa pinag emote mo dyan. si kim ang pinag uusapan dito. naligaw ka yata. ipadala mo sa Philippine Inquirer yang declamation at yang pledge of alligiance to the filipino flag na yan.

  6. Excuse me to those nag comment na binasted ni erich c xian, Cguro kaka umpasa pa lng ni xian sa industriya at hindi pa cya kilala kaya yun “BINASTED NA DAW!” at bakit e consider ni kim na frend cla ni erich? cguro noon kaibigan cla e ngayon hindi na no? bastos cya no! 

  7. haha! ano ba yan, out of topic ung naisingit nung isa sa itaas. Basahin mabuti ang topic o issue para hindi maging katawa-tawa sa mga nagbabasa.

  8. oo nga naman bakit may ibang topic si kim pinag uusapan,, oo nga pala dapat mag learn na si kim sa nangyari noon drama na naman niyan ng network pabayaan niyo na si kim sa buhay niya mas gusto ko nga hindi showbiz ang makatuluyan niya pero may pinag aralan..

  9. ano ba pinagsasabi ng isang nag comment sa taas?? si kim ang pinag uusapan kung anik anik sinasabi tungkol sa mga aquino, kaloka naman!

  10. MAY ALAGAD NI MIDAS AT CORONA DITO………..HAHAHAHAHAHA…………DOON KA SA MALACANANG MAGREKLAMO, MAG MARTSA KA NG NAKHUBO FOR SURE PAPANSININ KA DUN TAPOS DERECHO KA NA SA MENTAL FOR ASSESSMENT……….BWAHAHAHAHAHAHA

  11. A BUNCH OF HYPOCRITES:
    Hypocrisy and arrogance are nothing new for Noynoy Aquino. During Marcos’ time, Noynoy’s mother, the late Cory Aquino, in rallies, denounced Marcos for being a human rights violator, for being anti-poor and for amassing wealth for him, his family and his cronies.
    But after assuming the presidency in 1986, with less than a year in office, 13 farmers were shot and killed right at the very gates of Malacañang in the infamous Mendiola massacre. A month after 17 more farmers were killed in the Lupao massacre.
    Under her term, Cory also enforced a total war policy against supposed rebels, employing more than 100 vigilante groups which resulted in 816 involuntary disappearances, 1,064 victims of summary executions, 20,523 victims of illegal arrests and detention, and more than 1,200,000 civilians dislocated.
    And to think that was Cory, the alleged human rights advocate.
    And under her term, Cory tolerated the abuses of her relatives and friends and never laid a finger against her Kamag-Anak Inc. and that was of course Cory, the staunch anti-graft and corruption president.
    This Aquino-Cojuangco clan family members are just a bunch of hypocrites who have arrogated upon themselves powers so immense that would put to shame even the powers of God.
    They have empowered themselves to be above all laws, deciding what is right or wrong for everybody.
    But just wait till Judgment Day comes. We will have to see where their hypocrisy and arrogance lead them. 
    The Daily Tribune

  12. SERYOSO PAREHO SILA – MUKHANG SERYOSONG MAY SAKIT NA TUBERCULOSIS PAREHO AT MUKHANG NAG COLLAPSE NA ANG BAGA……….HAHAHAHAHAHAHA……….KADIRI NAMAN ITONG PAIRING NA ITO NG SARANGGOLANG PATPAT AT BUTO NG SANTOL………HAHAHAHAHAHAHA…………….

  13. KUNG NAPANOOD NIO PO UNG VIDEO MALA2MAN NIO NA SERYOSO C XIAN KAY KIM KASI ND TLAGA NIA LAM NA KINUKUNAN CLA NI DIREK FRANCIS…KEA AKO MY TIWALA KAY XIAN…SERYOSO XIA PERIOD…LOVE U KIMXI…

  14. I LOVE YOU KIM CHIU-XIAN LIM…WAG PAAPEKTO SA MGA INGGIT DIAN…KIMXI IS IN…LOVE YOU KIMXI SO MUCH…SUPER DUPER BAGAY…

  15. It is unhealthy for the parties concerned and for the fans to cultivate such expectations. ABS CBn should not manipulate their stars and the public just to CASH in on such lies and deceit!

  16. ABS CBN should NOT fuel this kind of speculation, as Kim Chiu should be on suicide watch list. Kim is just recovering from a very traumatic relationship, and Kapamilya network, Dos, ABS-CBN should make sure that they need cause any further damages or mental anguish and psychological problems to Kim.

  17. YUCK! MATAPOS MA-BASTED NI ERICH GONZALES SI XIAN, DON’T TELL ME KIM ICO-CONSIDER MONG MAGING BF MO SYA? CONSIDERATION NAMAN, NAGING KAIBIGAN MO DIN SI ERICH WAG MAGING INSENSITIVE. AND IF I KNOW, MAY PAGNANASA PA RIN YAN KAY ERICH, PAG NAGING KAYO, AY NAKU EXPECT ANOTHER GERALD ANDERSON SA BUHAY MO! PERO IT’S YOUR CALL! KUGN GUSTO NYO ANG ISA’T ISA, WHY NOT?

Leave a Reply

Your email address will not be published.