Kim Chiu, humabol sa libing ng ina

NAILAGAK NA sa kanyang huling hantungan ang ina ni Kim Chiu na si Louella Yap Chiu sa Cebu Memorial Park (CemPark).

Ayon sa ulat ni Carine Asutilla, ABS-CBN News Central Visayas na nalathala sa abs-cbnnews.com noong June 29, sinabi nitong dinaluhan daw ang funeral ng mga malalapit na kaibigan, kapamilya at si Kim mismo na dumating galing sa biyahe nito sa Thailand para sa isang commercial shoot.

Umalis daw ang funeral convoy mula sa Cosmopolitan Funeral Homes sa Nivel Hills, sa Lahug, Cebu bandang alas-nuwebe ng umaga para sa isang misa na idinaos naman sa St. Therese Parish bago sila tumungo sa CemPark.

Lahat ng mga dumalo sa misa at libing ay nakasuot ng puti. May halos isandaang katao raw kasama na ang mga kapatid ng ama ni Kim na si William ang sumama sa paghatid ng asawa sa huling hantungan nito.

Alas-diyes ng umaga sinimulan ang misa, kung saan dumating ang aktres ilang minuto pagkatapos simulan ang naturang pagbe-bendisyon sa simbahan.

Mababanaag daw sa mga mata ni Kim na maga ang mga mata nito pero natatakpan ito ng kanyang suot na sunglasses na hinubad naman nito pagpasok sa simbahan habang inalalayan siya ng ama.

Kararating lang daw ni Kim mula sa Thailand para sa nasabing shoot ng isang commercial na kanyang napirmahan dalawang taon na ang nakalipas.

Napalilibutan daw ng mga pulis ang simbahan habang nagmimisa para raw mapangalagaan ang katahimikan ng funeral mass, dahil marami raw fans si Kim na nakiusyuso sa labas.

Malalapit lang daw na kaibigan at kamag-anak ang pinayagang makapasok sa simbahan.

Ayon naman kay Fr. Ronaldo Paulino, na siyang nangasiwa sa misa, sinabi nitong nasa ospital daw siya nang ma-confine si Gng. Luoella. Sinabi pa nitong humingi sa kanya ang pamilya ng dasal para kay Mrs. Chiu.

Sinabi pa nito sa misa na magpasalamat kay Louella at patawarin ito sa kanyang mga pagkukulang.

Matapos ang misa, ang funeral convoy raw papuntang CemPark ay dumaan sa Cebu I.T. Park na siyang inirekomenda na daan ng isang feng shui expert.

Sa libing, sinunod ng pamilya ang nakagawiang tradisyon ng mga Chinese kasama na raw ang pagsusunog ng ilang mahahalagang gamit ng namayapa at ang pagbitbit ng litrato nito ng panganay na anak.

Bandang tanghali rin, nag-post si Kim sa kanyang account sa photo-sharing website na Instagram ng isang litrato niya na parang sakay ng isang bangka habang nakatanaw sa malayo. Makikita rin dito ang magandang sinag ng araw.

Nakasulat dito, “We may not have the chance to see each other’s faces, to talk about random things, to share my secrets to you, to have a mother/daughter bonding that I’ve been longing for so long but after everything that has happened…”

“I’m still thankful to God that I saw you before you left even if you didn’t see me I know in my heart you heard me.”

“I just hold on to the thought that you are now in a better place where there is no more pain and suffering.”

“I love you mama always and forever.”

Ayan at kahit ilang araw na wala si Kim sa burol ng ina, nakahabol naman ito sa libing. May the soul of her mother rest in peace.

 

KAHAPON, JUNE 30, nanumpa na bilang bagong mayor ng Maynila ang dating presidente ng Pilipinas na si Joseph ‘Erap’ Estrada. And as we go to press, wala pa kaming masyadong alam sa detalye sa nasabing oath-taking and inaugural ceremony na ginanap sa Manila City Hall. Basta lang invited kami bilang staff ng kanyang production at masugid na taga-suporta mula pa noong college days pa lang namin. Ako na talaga, selfie much.

Well, congrats Mayor Erap! At sana nga matupad lahat ang pinangako mong magbabago ang lungsod mula sa mga dating nagpapahirap nito. Pak!!!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

17 thoughts on “Kim Chiu, humabol sa libing ng ina

  1. From now on, i will stop reading PEP and Fashion Pulis on the web. Both of them are irresponsible. Fashion pulis posted an article from an anonymous sender claiming that kim chiu was an ungrateful and an unforgiving daughter and did not provide financial support to her mother while she was sick. We all know that these were all lies. The Fashion pulis column of mike sy lim did not investigate the claims on the letter before posting its contents. This was irresponsible journalism. Since the fashion pulis would not post my critique on his column, i decided to bring this up on PEP. PEP removed my two comments within a minute which infringed on my free speech right. Both PEP and Fashion pulis are in cahoot about this issue. I do not know if they are owned by the same company or the Fashion pulis mike sy lim has a strong connection with PEP that they decided to delete my comments asking bloggers to stop reading the Fashion pulis website. Now i have to include PEP also. I hope you guys will not do what PEP did. Can you make an article about this? Both PEP anf Fashion pulis need to know that free speech is protected under the law and there was no profanity in my comments. It was just asking bloggers to boycott the Fashion Pulis because of the article that he posted without investigating it first. Thank you.

    • hoy orangecountykid how do you felt kapag maraming basher at hater si gerald galing sa syo…. diba masakit ang pakiramdam !  ngayon ayaw mo ng magbasa sa pulis or sa parazi whatever…! baka next week nandito ka naman para mang basher sa ibang artist katawa ka ….! BHAAAAABHAAAAAAAAAA

  2. SUS, ISA RIN NAMANG PLASTIKADA AT WALANG PAKIALAM ANG KIM CHUI NA YAN EH… WALANG IBANG INISIP YAN KUNDI SI BUDOY ARAW AT GABI KAYA HANGGANG NGAYON BITTER-BITTER-AN PA RIN HAHAHAHAHAHAHA! KAHIT SARILING INA PINABAYAAN, WALANG WENTANG ANAK!

    • Etong si Kim kasi fake ang humility. May star comple xito, peo pa na-i-interview, magaganda lahat ng sinasabi, pero taliwas sa ginagawa nya. Observe nyo lang sya sa ASAP mabuti.

  3. Bakit kung totoong nagluluksa sya s nanay nya… I saw her s asap yesterday and she seems like nothing happened to the mother and hindi man lng nya antayin na matapos ung 40 days or even 9 days after malibing ang nanay nya. She shouldnt be in the tv and be seen smiling in public.

    • OO NGA NAMAN. REPLAY YON. DI KO NAMAN ALAM ANG BUONG ISTORYA NG PAMILYA NITONG SI KIM. PERO KASI BAKA, MATAGAL TLG SILANG HINDI NAGKITA O NAGKIBUAN. SO, MAHIRAP MAGING EMOTIONAL NANG TODO KAPAG WALA KANG EMOTIONAL ATTACHMENT SA ISANG TAO QUESEHODANG NANAY MO PA YAN. DEVAH? GANYAN DIN NOON SI CHARICE DAHIL MALIIT PA LANG SILA EH IN-ABANDON NA NG TATAY NILA KAYA NAG-IIYAK NA LANG SYA NUNG NAMATAY NA PERO PARANG DI SINCERE ANG DATING.

    • Well…parang continuation lng ng ika yan,,,kaya iyak2 sya ng ganyan. Isipin mo umalis k s burol ng nanay mo just for a shoot? How can u justify ur endorsement o whatever commitment is that  in front of camera knowing that ung nanay mo nsa loob ng kabaong at binibisita ng ibang tao, ang taong nasa maayos ang mentality nag leleave of absence o kaya nmn umuuwi tlaga s patay o kaya nmn there is online burol just to be with their love ones in the last moment pero sya umalis at bumalik anu un? Walang sinumang boss o sino mang tao ang magpapatrabaho sau s panahon n nakaburol ang sarili mong ina? Tama b ako?

      • TAMA KA JANA   SINABI MO NG LAHAT PARA SA MGA NAGBABASA DITO SA PAPARAZI GO ! MUKHA SIYANG KWARTA HINDI MAKAPAGHINTAY HANGGANG MALIBING ANG INA ! AT ITO SI KIM PARANG SIRANG PLAKA… KUNG NANAHIMIK ANG MGA PROJECT NIYA DUN SIYA MAGIINGAY NA MAGPAAWA AFFECT SA MGA TAO NA INA-API OR BOBOWERSAHAN  NIYA SI GERALD ABOUT HER STORY LIFE OR KAPAG NA INVOLVE NAMAN SI GERALD SA IBANG LOVETEAM OR MAY LOVELIFE MAY DEATH TREAT NAMAN…! OH LET ME GUEST NEXT YEAR SA BDAY NIYA PUPUNTA ULI YAN SA THE BUZZ AT IIYAK NA INAPI NI GERALD THIS YEAR 3 YRS NA SILANG WALA OK.. SO YOU GUYS WAIT MASUSUPRESA KAYO ULI AT UULITIN NIYA YUN INTERVIEW LAST YRS.SHE SO PATETHIC PAREHO SILA NG MGA ALEPORES NIYA MAGSAMA SAMA SILA LAHAT ..! WHATEVER KIM …! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.