Kim Chiu: ‘Di raw dapat pagtapatin ang Kimerald at Alkris!

GAYA NG INAASAHAN, pumatok sa takilya ang Paano Na Kaya? na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.  Naka-12 million ito on its first day, nag-40 million sa ikaapat na araw, at patuloy pang pinipilahan ng moviegoers habang palabas pa sa mga sinehan nationwide.

Siyempre pa, masaya at very thankful ang hottest at most bankable loveteam ng bansa sa kasalukuyan. Si Kim nga, natutuwa sa tagumpay ng ikaapat nilang pagtatambal na iyon ni Gerald sa pelikula dahil sa lahat umano ng efforts na ginagawa nila ay nabigyan ito ng gano’n kagandang sukli.

Ang Kung Tayo’y Magkakalayo, bagong serye naman nila sa ABS-CBN, ay mataas din ang rating.  ‘Ika nga, back to back ang tandem nila both sa TV at sa pelikula.

“Wow… oo nga. Kaya nga linggo-linggo nagsisimba na talaga kami,” ani Kim last time na nakakuwentuhan namin siya sa ASAP. “Kailangan talaga nating magsimba dahil kung hindi, baka maputol ‘yong gano’ng blessings, ‘di ba?”

Sa pamamayagpag ng team-up nila ni Gerald na pambato ng ABS-CBN, sinasabing ang GMA-7 naman, sinisikap i-push nang husto ang loveteam naman nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na ipangtapat sa kanila. Any comment on this lalo’t marami ang nagsasabi na parang no match naman daw?

“Naku… kami, nagpapasalamat lang kami dahil ang dami naming supporters. ‘Yong mga Kimerald, dumarami sila. Meron na naman ngang bagong group ngayon, eh, ang Solid Kimerald.

“Dumarami sila, dumarami rin ang inspirasyon namin. Hindi namin iniisip na may kakumpitensiya o may kalaban kami na magka-loveteam din, ganyan.

“Siyempre, ibang network ang GMA. Kailangan din nila ng loveteam na ganyan-ganyan. Pero hindi naman dapat itapat dahil iba naman ‘yong sila at kami.”

Kung sabagay, mukhang ang layo naman nga ng agwat nila ng tandem nina Kris at Aljur. Hindi magka-level, gano’n?

“Hindi naman malayo. Nauna lang kami sa kanila. Pero mararating din nila iyon. At saka marami rin namang followers sina Aljur at Kris. Nu’ng Bench fashion show, sinisigawan naman sila ng mga tao. May fans din sila.

“Kinu-compare kami? Hindi naman talaga mawawala ‘yang ganyan sa showbiz. Basta gawin mo lang ‘yong best mo. At suportahan ka lang ng mga tao, masaya ka na ro’n.”

[ad#ad-text-links-1]

Sa naririnig naming comparison, kahit sikat na, pareho lang daw sila ni Gerald na humble pa rin at hindi nagbabago.  Samantalang ito umanong sina Kris at Aljur, nagsilakihan na raw agad ang ang ulo?

“Hindi ko alam!” Napabungisngis na reaksiyon ni Kim. “Hindi ko pa nga sila nami-meet, eh. Ah… si Aljur, na-meet ko na pala.”

Napagkukumpara rin ang drama nila off-camera. Sila kasi ni Gerald, on and off cam, talagang sweet sa isa’t isa.  Samantalang sina Aljur at Kris, may mga nakapupunang kapag wala na sa harap ng camera ay parang very cold at tila may lihim na alitan or something daw?

Napabungisngis ulit si Kim. Lalo na sa sinabi naming it can’t be doubted na genuine talaga ang sweetness nila ni Gerald sa isa’t isa.

“Oo naman. Kasi sa PBB Teen pa lang, ‘di ba? Ang tagal na naming nagkasama.”

Kutob nga ng iba, mag-on na nga sila dangan at ayaw lang daw nila sigurong umamin sa takot na mawala ang excitement ng fans sa loveteam nila.

“Hindi naman namin iniisip iyon. Kahit naman anong gawin namin, kapag kami, aaminin talaga namin. Pero masaya na kami sa ganito. Lahat naman ng kuwento buhay namin, ikinukuwento na namin. ‘Eto, sinasabi na rin namin na mag-MU kami.”

May kinakikiligan pa ba siyang ibang guy bukod kay Gerald?

“Si Jericho (Rosales). At saka si Robin Padilla pala.”

Okey raw kay Kim if ever na magkaroon ng offer to do a movie with Echo or Binoe.

Kaya lang, si Robin, ‘di ba may image na kilabot ng kanyang mga nakakapareha. Lahat ng nagiging leading lady nito, pinupormahan daw ng action star?

“Ang bata-bata ko naman. Siyempre hindi na niya ako papatulan. Ha-ha-ha!”

Malapit na nga pala ang Valentine’s day. May date sila ni Gerald for sure.

“Wala. Kasi may show ako, eh. At meron din siyang mall show.”

So, post Valentine na ang date nila?

“Puwede namang araw-arawin ang Valentine’s day, eh.”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

27 thoughts on “Kim Chiu: ‘Di raw dapat pagtapatin ang Kimerald at Alkris!

  1. bakit ganito ang mga kimerald ang sasama ng mga comments nyo,!?!..dba nga dapat na22wa kyo dahil maraming mga blessings ang dumadating sa idols nyo..pero bkit kayo gnyan nilalait nyo ang ALKRIS!..at wla nmn clng ginagwa sa inyo ha!!?!

    and ma22wa rn ba kyo pag may nang lait sa KIMERALD nyo ha!!

    pa kayong wlang breeding!and pinag-aralan kung gnyan ang mga coments nyo!

    [think about what i said!] =]

  2. i like gerald kesa kay kim..i can see he has a long way to go..lalo na kung maipepare xa sa dirrent actresses..para na din ma test un credibility nya as an actor..at hindi ung 4ever nlng xang ERALD sa kimerald..

    • mismo! korek ka jan mssgrin, duda ko nga binabayaran ng abs tong tao na ito e para gumawa ng mga paninira sa mga kapuso at i-build up naman ang mga kapamilya

  3. Anong ipinagyayabang ng KIMERALD na movie nila double padding ang inilabas.. based sa Theatre owners.. hindi 12 million ang movies kungdi 7 million lang..mahiya naman kayo sa sarili ninyo.. alam ko ang padding na ginagawa ng ABS_CBN.. dahil kahit insider ng ABS-CBN nagsasabi niya..at kilala ko yung insider source ng higit sa dapat ninyo mlaman,,

    Mga writer naman dito ay bayaran naman talaga ng ABS-CBN..hindi bah… do bale KARMA na lang maningil sa inyong lahat dito..tandaan ninyo kailan man hindi natutulog ang naasa itaas.. ang inaapakan ninyo.. balang araw hindi ninyo alam ay nasa itaas na pal..

  4. Ang galing…galing naman ng mga writers dito.. never na naghyabang lalo na si Kris Bernal ng ikumpara sa Kimeralda.. inamin ni Kris na malayo pa ang kanilang lalakbayain..

    Mga writers dito…balkang araw ang KARMA ay darating sa inyo.. Hanggan kailan Kris Bernal was so humble enough to admit that she has to learn a lot of things.. Personal kong na meet si Kris.. She is an acteess do down to earth na lagi bukas palad sa pag papasalamat sa mga taong tunay na sumuporta sa kanaya at patuloy na nagmamahal.. Kahit gaano kaliit ang nagawa mo para sa kanya.. handa siya magbigaypuwang ng pasasalamat..

    Huwag ninyung matahin ang Rating na tinatamasa ng The Last Prince na katungali ng KTm ng KIMERALD.. last week 3 beses na tinalo ng The LAst Prince and Kung Tayo magkakalayo.. Ang The LAst Prince ay dalawang beses na nag No 1 sa TV Ratings na hindi pa na attained ng KTM ..

    Balang araw lilikha ng pinakamalaks ng inga ang isang Kris Bernal..

    Itaga ninyo iyan .,.at darating ang panahong iyan.. tandaan ninyo bilog ang mundo.. hindi lahat nasa itaas ang KIMERALD ..

    Handa kong ipaglaban si Kris sa lahat ng Oras..

    • HI ATE NYMPHA:) HNDI PO tyo close but nababasa ko po yung mga comments nyo sa mga theads and forums kay ate kris..!!..npaka buti nyo po tlga!!..your the best po,,at yung mga taong gnyan ay may araw din po iyan sa mga paninira,,!!..and u are certified krispers po tlga!! ur the best!

  5. Dahil hindi ka-level ng Alkris Kaliskis ang KIMERALD!
    Ayaw ng Kimerald i-compare sa mga kangkungan na artista

    hahhahahahha

    Kulangot lang ni Kim ang ALkris kaliskis hahhaa

  6. bow ako kay kim at ge…

    and take note: ang goal daw nya ngayong taon…. mag-gain ng 10lbs para daw mas maganda tignan pagpinayagan na sila ni Mr. M namnagsexy scene ni Ge.

    • 0h wag msyd0ng ampalaya,,bitter bitteran,,hahaha3

      Saan ang id0l ni0?hahaha3 hayun pinata0b ng kimerald…bwahaha3

      Kimerald the unbeatable l0veteam
      The b0x 0ffice l0veteam…n0.1

      • libre naman mangarap at mag-wishful thinking. O sige, pagbibigyan ko na ang ilusyon mo!!!!!!!!!!!

  7. nakakabilib na bata itong si kim, kahit malayo na ang narating sobrang bait pa rin same with gerald kaya maraming blessings ang 2 at saka pansin mo talaga na even off cam genuine ang sweetness kasi hindi sila tatagal ng ganito kung hindi maganda ang samahan nila..dumarami pa ang fans nila dahil very good role model na mga bata..keep it up guys..CONGRATULATIONS s success ng PNK ika nga sa movie dialogue ni kim..

  8. Congratulations to Kim and Gerald. Paano Na Kaya is
    a certified blockbuster hit. I was right in assuming that
    Kim Chiu is the new superstar, Gerald Anderson is the
    new action king and the Kimerald tandem is the number
    1. But watch out for Erich Gonzales, I believe she will
    be Kim’s rival and the enchong-erich loveteam or the
    Enrich will also be a big box-office attraction. I like
    both Kim and Erich and their rivalry which I could see
    is happening reminds me of the Nora Aunor and Vilma
    Santos fierce rivalry in the 70’s.

  9. kaya love ko si Kim, magalang sumagot, walang ere sa ulo.

    btw congratualtions to Kim and Gerald on the success of their PNK movie and of course to Ruel Bayani for making the love team even more lovable together. pinakilig mo ang buong bayan! galing ng mga lines ni Kim, galing ng script writer.

    Kimerald forever!!!

  10. Ang bait ni Kim…parang negative ang title ng article pero hindi pala yon ang response ni Kim…very humble nga…kun sabagay correct din si Kim …there’s plenty of room at the top…kita mo ang sincerity niya sa mga answers niya. It is so heartening to know na kahit na kabisehan nilang dalawa ni Gerald nagsisimba pa rin sila regularly at inaattribute ni Kim sa Diyos ang mga blessings nila…sa kanila ang gawa, sa Diyos ang awa! Go Kim, Gerald! Pagpalain kayo ng Diyos always! Love, love, love!!!!! More, more projects and shows to come!

  11. Dahil hindi ka-level ng Alkris Kaliskis ang KIMERALD!
    Ayaw ng Kimerald i-compare sa mga kangkungan na artista

    hahhahahahha

    Kulangot lang ni Kim ang ALkris kaliskis hahhaa

  12. Grbeh npka humble tlga ni kimmy,kht sikat na sikat hnding hnd ngb2g0,,mrun0ng mksma,mrun0ng sumag0t at higit sa lht hnd mdam0t mgshare na tgmpy,,snb nia pang drtng dn ung tym na mr2tng din nla aljur at kris kung an0 man nrtng nla,,kakapr0ud tlga cla ni ge,,kya di na k0 mgt2ka kung bkt super bless cla ni br0. Dhl npkabait,npka madasalin,mrun0ng mgpaslmt,mrun0ng mgbgy sa kpwa 0 sa pmlya,at hnding hndi nk2lm0t mgpaslmt ky br0 sa lht ng blessings na tntnggp nla,,gnyan tlga pag mbuti ang pus0…

    C0ngratz sa pnk,b0x 0ffice hit na tlga at p2l0y pa ring pnplahan sa mga cnehan…!? C0ngratz din sa ktm winner na sa akting at st0ry,winner na winner pa sa ratings…c0ngratz ulit…g0dbless and gudlck pa sa mga drtng na pr0jcts….ü

    • pero pkisabi sa knya ..pataba onti…shes beautiful kapag ndagdagan ang timbang nya lalo syang ga2nda…maraming pata2ubing artistang ba2e

Leave a Reply

Your email address will not be published.