Kim Chiu, ‘di pa rin kayang magpatawad!

“MADALING MAGPATAWAD, mahirap makalimot.”

‘Eto ‘yung noon pa’y gasgas nang linya o cliche na narinig uli kay Kim Chiu nang mag-guest ito sa The Buzz nu’ng Sunday kaugnay ng kanyang birthday celebration.

Totoo naman ‘yon talaga. Pero kami ay naniniwala na kung wagas ang kaligayahan ngayon ni Kim kay Xian Lim ay hindi na siya magkikimkim ng sama ng loob sa tao.

Sa puntong ito’y talong-talo si Kim. Baket? Eh, kasi, sa tuwing naaalala o ipinapaalala kay Kim sina Maja Salvador at Gerald Andreson, naiiyak siya. Masama pa rin ang loob niya.

Para sabihin ni Kim ang kanyang tunay na nararamdaman, pinupuri namin siya. Ibig sabihin, hindi siya plastik para itago ang true feelings niya.

Pero kung masaya na siya sa bago niyang “lovelife” (na hindi pa nila inaamin nang bongga ni Xian), ba’t kailangang mag-entertain pa ng “sama ng loob”?

‘Yan lang yata ‘yung tanim na hindi umaani ng maganda, bagkus umaani lang ng wrinkles, ng pag-iwas sa mga taong ayaw makasalubong o pag-usapan.

Ang alam namin, hu-mingi na ng tawad si Maja, pero ‘yun nga, hindi pa rin handa si Kim na magpatawad.

Kaya nga bilib kami dito kay Kim, eh. Kaya niyang pagsabayin ang “sama ng loob” at “saya ng puso.”

 

YOU CANNOT please every body. Totoo ‘yan. Kaya nga sa Twitter, ‘pag sinasabi naming susuportahan at iboboto namin itong si Grace Poe bilang Senador, as usual, present na naman ang bashers sa pang-ookray.

Like ano raw karapatan ni Grace maging senadora eh, anak lang daw naman ito ni FPJ?

Na kesyo ginagamit lamang daw nito ang ama para makapa-ngalap ng boto.

Kalokah nga ‘tong mga ‘to. Anong problema du’n, eh tatay niya naman niya ‘yon? Tatay n’yo ba ang binabanggit ni Grace? Kahit sabihin n’yo pang ginagamit lang ni Grace si FPJ, eh ano naman ngayon? Tatay n’ya ‘yon, hindi n’yo tatay, okay?

Hahahaha! Nagalit bigla ako, huh! Hahahah!

Hay, nako… kahit sabihin n’yo pang naging chairman lang ng MTRCB si Madam Grace eh, sa pamunuan niya galing ‘yang SPG (Striktong Patnubay At Gabay), kaya nagiging aware ang mga adults para subaybayan ang mga nanonood nilang anak sa tele-bisyon.

Doon pa lang ay mararamdaman mo nang malaki ang malasakit ni Grace sa pamilya, sa magulang, lalo na sa mga anak.

“’Wag mo ‘kong papahiyain, ha?” paniniguro nga ni Ms. Susan Roces.

“Opoe, makakaasa poe kayo!” me ganyang pangako rin si Grace Poe sa ina.

 

HINDI ANG apelyido niya ang nagpakilala sa kanya bilang Marion Aunor, kungdi ang pagkakasali at pagkakapanalo bilang second runner-up sa songwriting competition Himig Handog P-Pop Love Song para sa kanyang composition na “If You Ever Changed Your Mind”.

Nakakatuwa nga ang madir niyang si Lala Aunor na asikasong-asikaso sa birthday ng anak na nag-concert din ang dalaga sa Amber Bar and Lounge sa The Fort last week.

Maganda pala talaga ang boses ng batang ito, mana sa kanyang titang si Nora Aunor at inang si Lala. Official recording artist na rin siya ng Star Records at bago matapos ang April ay released na ang kanyang album.

Kaya naman sa kanyang birthday mini-concert ay present ang managing director ng Star Records na si Roxy Liquigan at iba pang staff ng ABS-CBN at ang fave composer niyang si Vehnee Saturno. Makakasama rin siya sa world tour ng Be Careful With My Heart, kaya haping-happy si Mommy Lala na kung matatandaan n’yo pa ay miyembro noon ng “Apat Na Sikat” na sina Dondon Nakar, Arnold Gamboa at Winnie Santos.

Kung hindi n’yo naabutan ‘yan, ibig sabihin, matanda na talaga kami. Hahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

33 thoughts on “Kim Chiu, ‘di pa rin kayang magpatawad!

  1. May xian na gusto pang agawin si Gerald kay Maja! Teh! break na kayo tatlong taon na… ikaw ang nagmumukang naghahabol sa lalaki. 

  2. kahit happy pa si kim with xian but it doesn’t mean na kinalimutan niya na ang ginawa ng walang delicadeza at traydor niyang kaibigan na ubod ng harot na si majarot salvador. buti nga napatawad na siya ni kim pero pati ba naman kalimutan yung ginawa niya gusto niyo agad-agad? ang dali talaga magsalita pag hindi ka ang nasa sitwasyon,mga plastik!

  3. Ayusin mo title mo,echoserang palaka ogie! sabi ni kim napatawad niya na pero naging honest siya na hindi madaling makalimutan ang ginawa nila.hindi mo yan mainitindihan kasi wala ka sa sitwasyon kaya ang dali niyo humusga. sana mangyari din yan sa inyo na yung pinagkatiwalaan niyong tao ay sila mismo ang sisra sa binigay mong tiwala.tingnan lang natin kung ano gagawin niyo.

  4. Kim reacted that way because of their friendship & not because she’s not over yet with her ex…she trusted maja so much & she’s even the emotional adviser of Kim during her hearthbroken sa guy na yan. though kim is totally moved on but dating a bestfriend’s ex is Definitely off limits especially if they had a bad break up.I know where she’s coming from coz she’s being betrayed not once but twice at nagsama pa sila.so I fully understand Kim it’s easy to forgive but hard to forget…it takes time to heal,in God’s time.

  5. ano pa ba maaasahan sa walang credibilidad na writer gaya ni ogie eh di syempre kampi yan sa nega couple na majarot at abnoy anderson. wala naman sila pinagkaiba na may bad reputation at walang delicadeza!

  6. pag ang ex mo napunta sa friend mo, wag ka magtaka.. san ba napupunta ang basura? sa plastic d b? kaya hayaan na kim ang basura mo mapunta sa platik mong kaibigan na majarot,she doesn’t deserves to be part of your life.

  7. Go lang ng go kim madami nag ba bash sau kc anjan ka parin sa rurok ng tagumpay isipin muna lang na lahat ng bashers ay part ng sayings m na “everything happen for a reason”bawat tao naman ay may kanya kanyang opinion!mas madami ang nagmamahal sau kaysa sa ayaw sau!kaya nga una kapang sumikat sa mga nauna sau kc sarili mong istasyon mahal na mahal ka dhil mismo cla alam nilang mabait at deserving ka..

  8. hay naku sana sumaya na silang 3…sabagay masyado nang matagal mula nung nagbreak sila kim at gerald dapat maging masaya na sila kung  sino man ang mga karelasyon nila ngayon..

  9. paki-ask nga kay Kim kung nakuha ba ni Gerald ang virginity nya kaya up to now eh di siya maka-get over sa close relationship nila. every time na lang na tatanungin siya regarding Gerald and Maja eh parang krimen ang nagawa ng 2. Ano ka ba? Dyosa? Kung ayaw mong pag-usapan pa about the 3 of you, eh di wag mo i-entertain ang questions. Pwede mo naman sabihin, next question pls. Hindi ung, paiyak-iyak ka pa, feeling mo naman super aping-api ka ng dalawa.

    • feeling ata ni kim chui Diyos sya na dapat hingan ng tawad. As I see it, wala namang masama kung in love na with each other si maja and gerald ngayon. hindi naman siya inahas. Ano ka kim legal wife? move on and be happy with your own life. If kim is also a real friend siya rin sana mismo ang hindi magtatanim ng galit kay maja.

  10. hndi cia bitter ky gerald…isipin nyo nga ha bkt nung inamin ni gerald s mdlang people n nanliligaw cia ky sarah g….ngreact b c kim?wla tyong nrinig db?kc d cla close ni sarah…kya bitter cia ky maja n bff ny,ngaun lng cia ngreact ng gnyan..mrming babae n ang nlink ky budoy remember.Jessie Mendiola.at bea alonzo..kht nga ky bea nuon n ciang tnuturong rason kung bkt cl nghwalay ni gerald ay d ngreact c kim nun ahhh..lawakan nyo mga utak nyo..mskit tlg ung gnwa ni maja blanca

    • so dapat si kim lang ang palaging intindinhin ng mga kaibigan niya? how about maja’s feeling and happiness, dapat e sacrifice for the sake of kim’s satisfaction and ego? diba selfishness na yon? why can’t she just be happy with her own life para matutunan niya ring maging masaya para sa mga kaibigan niya.

  11. Pls. tell Kim to stop acting in telling things about Maja and Gerald. In the first place, di naman siya naging honest noon sila ni Gerald, she didn’t admit na sila until they broke off. Tapos ngayon kung makapag-emote naman siya eh sobra. What they have ni Gerald is close book so sana she really close it na. So pathetic.

  12. Ang betrayal hindi sa Kim-Gerald kundi Maja as Kim’s bff, mahirap ba intindihin yun!  I don’t think na bitter sya kay Gerard. She was betrayed by a supposed to best friend na naging shoulder to cry on nya during the time na nasasaktan pa sya sa kay Gerard.  Yun ang mahirap tanggapin.  Wala na sila ni Gerard matagal na but Maja was very much her bff when she got hooked with Gerard. Kahit sino naman siguro, kadiri kaya yun!

  13. Kim should also realize na the world doesn’t revolve around her. she would rather want to see maja sacrifice her feelings and not fall in love with gerald just to make her feel better. nasan naman ang respeto doon? I think that’s selfishness on kim’s part. I don’t see any betrayal of friendship here. Pinagkalat ba ni maja ang lahat ng sekreto ni kim like what kim did to erich and angelika? wag na kasing mag malinis.

  14. Ako dko bet c kim ah pro nkakaawa tlga xa.choice nmn tlga ni maja at gerald kun sno jojowain.yung iba kasing nangbabash ke kim hndi maunawaan kun ano tlga ang issue.okay bitter p xa ke gerald given n un kht nmn sno nainlababo eh mhrp mkalimot.kya lng nmn nging national issue yan,natl issue daw oh!ayaw ng sisterakas ng gnyn.kc bff ang nging jowa ng greates love ng lola kim.cge nga mga kababaihan,ilagay ang paa s sapatos ni kim no,kasya b nmn?anyway,ung bff nya n itinuring nya n halos kptid accrdng to kim,n pngssbhn nya ng mga kun anik anik abt gerald..good or bad cgro lalo n mga bad eh kc knino kpb mgcoconfide ng mga problema s jowa db kdlasan s bff, bglang jowain ng ng ex mo.db nmn mskt,imposibleng hndi sila mgkkwnthn abt u or hndi mgssbe c bff ng mga bgay ke ex bf n snbe mo.eh d betrayal nga.un lng nmn ang punto ni kim.wag nyo nang ibash kc wla kyo s lugar nya.d ako fan ha.concern lng ako dhl s kakaganyan nyo ke kim,lalong nangangayayat.period!

  15. As if nmn naagawan c KIM CHUI NG ASAWA pra mg inarte ng XURBA! May i remind u Kim 3yrs nkau hiwalay ni Gerald bgo p nging cla ni MARGAUX at wla k K pra manduhan cla kung cno dpat o hindi dpat nila n mahalin…wala clng kasalanan  sau, walang inagaw at walang ng betrayed xau..ang problema mo kc eh umaasa k n Gerald is making move n mgbalikan sau, dhil s last n movie nyong pinagsamahan. Asa kp girl

  16. Respeto na lang kung yun ang nararamdaman nung tao. Kahit nmn cno, if u felt betrayed lalo pa ng tinuturing mong bff, sakit tlga yun. Lalo pa ikaw yung taong hindi madaling mkalimot sa mga taong nkagawa syo hindi maganda.

    • HINDI KO LIKE ANG PAGTATANONG NI ATE BOY SA THE BUZZ KAY KIM CHIU HA. ISANG MILYONG BASHERS YATA ANG UMOKRAY KAY KIM CHIU NOON NUNG UNA NYANG AMININ NA NASAKTAN SYA SA GINAWA NINA BUDOY AT THELMA. DI PA RAW NAKAKA-MOVE ON SI KIM. WELL, LET’S FACE IT. OBVIOUSLY, HINDI PA AT HANGGANG WALA SYANG BF, DI SYA MAKAKA-MOVE ON. AMININ NATIN. SO, ANG TAGAL NA NGANG NANAHIMIK SI KIM, HETO NA NAMAN ANG ATE BOY AT SINARIWA NA NAMAN ANG KANYANG HEARTBROKEN MEMORIES. JUSME, SASABIHING DI PA NAKAKA-MOVE ON TAPOS, KAYO NAMAN ANG TANONG NANG TANONG. I’M NOT REALLY FOND OF KIM, BUT THIS TIME, I THINK MALI NA YONG BUBUHAYIN MO NA NAMAN ANG ISSUE. SOMEWHERE OUT THERE, SIGURADO AKONG MASAYANG MASAYA SINA BUDOY AT THELMA AT BAKA, CHORUS PA YAN NA NAGSASABING, “WHO CARES? WE’RE IN LOVE!” KAHIT PA SABIHING WALA NA NAMANG K SI KIM NA MAG-INARTE ABOUT GERALD AND MAJA, NAAWA PA RIN AKO NA TINANONG ULI NI ATE BOY. DEVAH?

Leave a Reply

Your email address will not be published.