Kim Chiu at Coco Martin, naglabasan ng sama ng loob

Coco-Martin-Kim-ChiuNAGKAIYAKAN PALA sina Coco Martin at Kim Chiu bago natuloy ang Ikaw Lamang, ‘no? Ayon sa aming source, ayaw na raw talaga ni Kim na makasama si Coco (na hindi namin alam kung ano’ng dahilan), pero ‘yun nga raw, nu’ng magkahingahan ng sama ng loob ang dalawa’y iyakan sila pareho.

Tapos nga, nu’ng finally ay hindi na raw tinanggap ni Kim ang Ikaw Lamang ay bale si Julia Montes na sana ang papapel sa role ni Kim at si Jane Oineza ang sa papel naman ni Julia, pero last minute ay na-convince daw itong si Kim to finally accept the role, kaya ayun na, nag-usap at okay na ang dalawa.

At mukhang mas close ngayon ang dalawa, huh! Kaya all’s well that ends well na ang drama.

Gano’n lang naman. Ang importante talaga ay ang communications sa magkabilang panig para naiiwasan ang iwasan, samaan ng loob at tampuhan. Kung kilala rin namin si Coco, ayaw niyang hindi kasundo ang katrabaho, kaya siya mismo ang nag-e-effort para ma-patch up kung anuman ang tampuhan.

 

EXCITING ANG pilot telecast ng Dyesebel. In fairness, mabilis ang andar at hindi bagot, kaya congrats sa mga unsung heroes (‘yung mga taong gumagalaw sa likod ng kamera), saka ang husay ng CGI (computer graphics), nakaaaliw.

Hindi pa lumalabas si Anne Curtis, dahil meron pang 7 year old Dyesebel na makikipagkuwentuhan pa sa sirenong si younger Sam Milby (sa katauhan naman ng aming alagang si Miguel Vergara), kaya for sure, tulad ng sa Ikaw Lamang na kinaaliwan ang mga bata, dito rin sa Dyesebel, maaaliw rin sila sa mga batang Anne, Gerald Anderson at Sam.

Congrats again, Dyesebel!

 

Sikat na young actor, nagpasilip ng kadakilaan sa production staff?

 

BLIND ITEM: Pinagpapawisan sa sobrang excitement ang isang production staff na bading sa isang recording studio kung saan nagkaroon ng ilang minutong break. Nag-CR siya, pero na-shock siya, dahil nakatabi niya sa urinal ang nagre-recording na isang guwapo at sikat na young actor sa pag-ihi. Malayo sa urinal daw kung umihi ang bagets, kaya sight na sight niya ang “real property” nito.

“Nako, Mama, nu’ng una talaga, kinabahan ako, kasi baka mabukelya akong bading. Eh, I am Pogay nga ang drama ko, ‘di ba? Kaya habang nakatingala siyang dyumi-jingle bells, ako naman ay nakayuko, pero nakatingin sa ano niya!”

Napa-juice ko ang bading, dahil “Mama, alam mo ‘yung bangkay, pero buhay? Hahaha! Gano’n ang description ko sa ano niya, kaya feeling ko, dakilang-dakilang mangingibig ang batang ‘yan.”

Actually, noon ko pa nababalitaan na ‘pag umiihi ito sa urinal ay hindi talaga nagko-cover, dahil feeling nito ay mga kapwa-barako naman niya ang kanyang kasama, pero siyempre, andami na ngang Pogay, ‘di ba?

Saka kung may kadakilaan nga ang bagets na ito, aba eh, nasa kanya na nga ang lahat.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “Kim Chiu at Coco Martin, naglabasan ng sama ng loob

  1. Past is past…maganda they patched things up na….a clear misunderstanding. I like Coco and Kim, and when I heard they will work together in a teleserye, got too excited, and finally saw the trailer of Ikaw Lamang YES! since it started airing,, I’m one of those who can’t wait for the next episode, xempre their moments :-) .Bagay sila, like na like….and in fairness may chemistry sila….They both have tantalising eyes, without saying a thing, says everything!!! Kaya CocoKim fan na din ako haha….Watching Filipino shows I love, Kasi being away from home, by watching shows like this, makes me feel closer to home….Ikaw Lamang, a hit, galing… Iba ang Pinoy!

  2. haynaku ang arte arte naman ni payatot, ayaw na niyan, mahahasa ang acting skills niya kay coco para maturing naman siyang isang tunay (as in tunay) na artista hahahaha

  3. Di na nga sana nya tinanggap pa kai ayan inilalampaso sya sa aktingan walang alam na akting si kim kundi ikunot ang noo nya waley buhay dyan pa si julia lalamunin din sya sa aktingan nun

Leave a Reply

Your email address will not be published.