Kim Chiu, binabagyo ng suwerte!

Kim Chiu recently celebrated her 20th birthday. Parang kailan lang when she joined Pinoy Big Brother 1st Teen Edition where she emerged as the big winner. Apat na taon na rin pala ang nakararaan magmula noon.

Malayo na ang narating ni Kim kaya naman naging emosyonal siya when she was interviewed by KC Concepcion on The Buzz. “Hindi ko in-expect na hanggang ngayon na 20 na ako, nandito pa rin ako sa showbiz and binibigyan pa rin ako ng maraming opportunities.”

Kim never thought na maaabot niya ang kanyang kasikatan ngayon and she became teary-eyed when she started to talk about her journey. Pero masaya siya dahil nakatutulong na siya ngayon sa kanyang family. “Isa lang sa mga pangarap ko ang sumikat. Hindi naman kami ganoon kayaman dati. Gusto kong tumulong sa pamilya ko pero wala, hindi ko alam kung paano. Pero ngayon sa pag-aartista, sobrang madali ang buhay so dapat mahalin ang trabaho.”

Tama si Kim in saying that we have to love our jobs. In this business, we have no right to get tired or to complain as we do our jobs knowing that we are so fleeting – both our jobs and us. Maaaring sikat ka ngayon, pinapalakpakan at tinitilian ng mga fans pero bukas wala nang nakaaalam sa pangalan mo. You fade into oblivion. Kaya dapat maging puhunan sa showbiz ang lakas ng loob, walang patid na dasal sa Diyos at sipag na para bang ang bawat araw ay huling araw na ng mundo.

Patuloy ang pagbagyo ng suwerte kay Kim pero ito ang klase ng bagyo na masayang sinasalubong ni Kim. Aside from her blockbuster films Paano Na Kaya, I Love You Goodbye, Shake Rattle & Roll X, I’ve Fallen for You and First Day High, Kim also appeared in ABS-CBN top-rating teleseryes Kung Tayo’y Magkakalayo, Tayong Dalawa, My Girl and Sana Maulit Muli. Kim is a product endorser and a recording artist with her first album Gwa Ai Di under Star Records.

Her tandem with Gerald Anderson is one of the hottest pairs in the land today. Hindi matatawaran ang katapatan ng kanilang mga fans who are called Kimeralds. Ipaglalaban talaga nila ang kanilang mga idolo mawalan man sila ng mga boses sa kasisigaw, maubusan man ng mga cellphone loads just to vote in any poll questions, mainitan man ng araw at pumila nang matagal masilayan lang sina Kimerald.

Mabait si Kim sa kanyang pamilya kaya naman patuloy ang pagdating ng mga blessings sa kanya. Kim looks forward to her dream house which is a doll-house inspired two-storey house. Ito siguro ang maituturing na reward ni Kim para sa kanyang sarili for all the blood, sweat and tears she has invested in showbiz. It was also reported that Kim has bought an Hermes bag for herself for her 20th birthday.

Happy Birthday, Kim!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleParazzi Chikka: Krista Ranillo, magku-quit na sa showbiz?!
Next articleParazzi Chikka: ‘Wag n’yo nang hintaying bumirit ng galit si Sarah!

No posts to display