Kim Chiu, bigay-todo sa love scenes nila ni JC de Vera sa ‘One Great Love’

Kim Chiu and JC de Vera

IN FAIRNESS, mas naging open si Kim Chiu sa kanyang pagtingin sa kanyang showbiz career.

Sa ilang pagkakataon na naisulat na namin about her MMFF 2018 entry na One Great Love na kakaiba ang role niya sa pelikula (yes, ibang-iba sa mga dating roles na ginagampanan niya sa mga pelikula or telebisyon); ipinakita ng dalaga na pwede din pala siya sa mga out of the box characters.

In the film of Direk Enrico Quizon na mas kilala natin sa pangalan na Eric Quizon na sina JC de Vera and Dennis Trillo ang mga leading men, Kim plays the role of Zyra na torn between the love of Dennis and JC.

She proves na hindi lang siya the typical Kim na napapanood natin sa mga pelikula at teleserye niya. In fairnessm magaling si Kim sa movie lalo na sa isang love scene niya na very passionate na maging siya ay hindi niya alam kung anong lakas ng loob ang meron siya para maisagawa niya ang eksenang yun.

Sa special private screening ng movie before the start of the festival, napanood namin ang pelikula.

Nakaupo kami sa harapan ng aktres na habang pinapanood namin ang eksenang yun ay may giggle sound kami na naririnig sa kinauupuan niya na parang kinikilig na hindi marahil matanggap ng dalaga kung anong lakas ng loob meron siya para maisagawa ang naturang eksena.

Kim Chiu

In fairness kay Kim, nag-level up na siya sa pelikula.

Sa One Great Love malamang, sa lahat na nakaranas na ma-in love ay makikita nila ang kanilang mga sarili sa movie.

Congrats Kim and to Team One Great Love.

In  support of One Great Love, kahit araw ng Pasko (December 25, yesterday); nagikot si Kim sa mga sinehan to thank the public na mga nanood, pumila sa takilya at sa magagandang reactions ng mga nagkagusto sa pelikula niya na produced ng Regal Entertainment.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.