KIM CHIU, BALAK LIGAWAN NI ENCHONG DEE!

SILA BA O hindi sila? Ito ang mainit na katanungan ngayon sa apat na sulok ng showbiz tungkol kina Kim Chiu at Enchong Dee. Ito ay matapos ibuking ni Erich Gonzales si Enchong when she was interviewed by SNN. Ayon kay Erich, “Meron siyang ina-eye daw sa showbiz, ‘di ba? Pero siya na lang tanungin ninyo.”

Dahil sa eksplosibong pahayag na ito ni Erich kaya umugong ang nakabibinging intriga na nakiki-pagmabutihan si Enchong kay Kim. Lalo pang lumakas ang mga haka-haka about the two young stars when they were reportedly spotted dating at binigyan pa raw ng regalo ni Enchong si Kim.

Siyempre ay may paliwanang tungkol dito si Enchong. “Ang intindi ko kasi ng date, ‘yung kayong dalawa lang. Sweet kayo. E, salungat naman ‘yon sa nakakita. May binigay lang ako sa kanya.”

At ano naman ang kanyang i-binigay kay Kim?

“May pinabili kasi siya sa akin. Ibinigay ko lang sa kanya,” saad ni Enchong.

Nagkaroon daw kasi siya ng pagkakataon na makapunta sa Hong Kong nang mag-reformat ang Shoutout. Pero nang tanungin ng The Buzz si Enchong kung gift niya ito kay Kim, sinabi niyang pasalubong daw niya ito.

May mga tanong lang ako: Bakit bibigyan ni Enchong ng pasalubong si Kim kung hindi espesyal ang dalaga sa kanya? At bakit niya sinabing pinabili iyon ni Kim, ‘yon pala ay pasalubong niya ito?

At pati si Kim ay todo tanggi rin sa napabalitang pagde-date daw nila and she even sent a text message from Thailand to clarify the issue. Kung tutuusin ay wala namang masama kung mag-date sila dahil pareho naman silang single.

Sinabi ni Kim na hindi raw sila nag-date. Dinner lang daw ito para maibigay ni Enchong ang pasalubong nito sa kanya. Kasama pa raw nila ang kanyang personal assistant at make-up artist.

Tinanong ng The Buzz si Enchong kung saan patu-ngo ang kanilang pagkakaibigan ni Kim. At ito ang kanyang makahulugang pahayag: “Siguro, bigyan ninyo po ako ng panahon talaga.”

Mukhang may balak nga yatang ligawan ni Enchong si Kim with these words.

May tampo ba siya kay Erich dahil ibinuko siya nito? Siyempre, like the athlete that he is na ayaw matalo ay hindi padadaig si Enchong kay Erich. Maging siya man ay may pasabog ding balita tungkol sa aktres.

“Tutal binuko rin naman ako ni Erich, masasabi ko naman na masaya rin si Erich. Inspired din siya kaya masayang-masaya ang relationship namin. Pareho kaming masaya,” ani Enchong.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “KIM CHIU, BALAK LIGAWAN NI ENCHONG DEE!

  1. Come on Boy Abunda! ayan kana naman! gumagawa gawa ka na naman ng issue para pag usapan na naman ang princessa nyo! Mga tao ngayun hindi bobo! alam namin kong sino talaga ang dinidate ngayun ni Enchong, si bananaQ! Bianca Manalo, cya ang gustong ligawan ni Enchong!….Nakakasawa na din si Enchong! he is not very consistent sa mga sagot nya, sabi nya dati MU sila ni Erich, tapos friends lang, tapos iba naman isasagot nakakahilo na! hindi naman grade1 itong mga fans nya kaya binabawi ko na suporta ko kay Enchong but I still support his team up with Erich! kaya pwede ba boy Abunda, tigilan mo na ang fabricated news nyo! Ang baba pa ng ratings ng your song ni Kim with enchong kaya wag nyo ng ipilit!

  2. wahahhaha,,funny na po ang pagka oa sa over na ,,sino sino nalang nililink kay kim,,para lang pag usapan at kagatin ng tao,,,wahahahah,,obvious na,,at make them cheapest,.,,star,,wag na,,po,,hayaan lang po nyong mag work,,at mag ipon,muna,,bata pa sila,,baka ikasira lang nila,,,wahahahahah,,,,kakatawa naman,,,,sino sino nalang,,,,parang ginawa naman nyong tanga ang mga tao nito,,,e,..ang tao alam naman kung ano ang pashowbiz sa totoo,,,wahahahahha

Leave a Reply

Your email address will not be published.