Kim Chiu, ayaw pa ring makipagbati kay Maja Salvador

Kim-ChiuSA NAGING pahayag ni Maja Salvador sa nakaraang album launching niya, nagpahayag ang aktres na baka isang araw ay gulatin na lang tayo na bati na pala sila ni Kim Chiu.

Tumakbo na rin nang matagal-tagal na panahon ang tampuhan ng dating matalik na magkaibigan mula nang maging boyfriend ni Maja si Gerlad Salvador na dati ay kasintahan naman ni Kim. Naging bukas naman ang huli na sobra siyang nasaktan sa nagawa sa kanya ni Maja lalo’t ito pala ang sinasabihan niya ng mga problema at hinaing niya noon kay Gerald.

Sa mga naging sagot ni Maja, positibo ito na isa sa mga araw na ito ay maaaring magkasalubong ang landas nila ni Kim, magkaayos, lalo’t matagal na panahon na rin nang mangyari ito at ‘di na sila mga bata.

Marami naman ang nagulat sa tweet ni Kim nu’ng Marso 25 sa @prinsesachinita, “Cge lang, “promo,” “promo” din pag may time.”

Sa espekulasyon ng marami, mukhang ito ang naging dating kay Kim ng mga naging pahayag ni Maja lalo’t na-interview ang aktres sa album launching niya kung saan dati kasi ay iwas na iwas magsalita si Maja ‘pag tinatanong dito ang tungkol sa pagbabati nila ni Kim.

Kung tama ang sapantaha ng marami, para kay Maja nga ang patama ng tweet ng aktres, patunay lamang ito na hindi pa handa si Kim para maayos at matuldukan ang nangyari sa kanila ni Maja. Lalo’t sa mga nakaraang interviews namin sa aktres, consistent ito sa mga sagot niya sa amin na malaking aral ang naituro sa kanya ng nangyari sa kanila at tanging ang kaparehang si Xian Lim nga lang ang tinuturing niyang kaibigan lang talaga niya sa industriya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

4 thoughts on “Kim Chiu, ayaw pa ring makipagbati kay Maja Salvador

  1. sus naman leave kim alone—she’s so busy with her tele, endorsements, tours, etc.
    if you want to promote use another tactics—using kim to promote is so cheap—that’s how you are maja n Gerald. waley class—sooooo low/cheap ang mga strategies ninyo—you might need a good pr person.

  2. Nag move on na nga si Kim. Ayaw na nyang madamay sa kanila ni Maja at Gerald. Pero bakit ang mga tao ayaw parin syang tantanan? Kailangan ba makipag plastikan para lang masabing totally na naka move on?

    • nag move on na ang kim, may Xian na siya noh!!!! kaso si majarot n budoy keep using her name to promote their tele, album, etc. sore loosers kasi—desperado masyado how to promote—ayan tuloy biktima na naman ang kim sa kanilang dalawa. na karma na nga silang dalawa—sige pa rin ang gamitan. maybe Gerald’s mom has a reason not to like majarot for her son…. tsk tsk tsk….

Leave a Reply

Your email address will not be published.