KIm Chiu at Xian Lim, sobrang sweet sa global trip ng “The Story of Us” sa Saipan

Kim Chiu & Xian Lim - TSOUristas Global Trip in Saipan (photo courtesy Star Creatives: The Story of Us Facebook page)

Kim Chiu & Xian Lim – TSOUristas Global Trip in Saipan (photo courtesy Star Creatives: The Story of Us Facebook page)

Last two weeks na lang mapanonood ang teleserye nina Kim Chiu at Xian Lim na “The Story of Us”. Nakikiusap ang fans ng magka-loveteam sa management ng ABS-CBN, pero malabong pagbigyan ang hiling nilang na ma-extend ang teleserye, dahil hanggang 16 weeks lang talaga ito nakaplanong ipalabas.

Sa few days na natitira, ipinasok ang character ni Shaina Magdayao na kung hindi kami nagkakamali ay posibleng maging love interest ni Xian Lim. Kikay ang character ni Shaina na bagay sa role niya.

Kagagaling lang nina Kim Chiu at Xian sa Saipan para sa global trip ng “The Story of Us”. Base sa nakita naming post sa Facebook, sweet na sweet ang dalawa habang nagpe-perform in front of the Pinoy audience na nanood sa kanila.

“Nakakawala ng pagod at nakakatuwa ang mainit na pagtanggap nila sa amin sa Saipan,” sabi pa ni Kim.

“I can’t thank them enough dahil walang katumbas ang aura ng mga kababayan natin doon, dahil happy lang at napakabait nila,” dagdag pa ni Xian.

Nakatakda muling umalis ang KimXi this week para sa 2nd TSOUristas Global Trip sa Chicago sa June 11.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.