Kim Chiu at Xian Lim, pahulaan ang tunay na relasyon

1-Xian-Lim-Kim-ChiuWALANG PAG-AMIN mula kina Kim Chiu at Xian Lim tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Bahala ka nang humula kung sila na ba or whatever. Ayaw mag-commit ni Kim. Sa presscon ng kanilang pelikulang Bride for Rent ng Star Cinema na ipapalabas na next week, naging isyu pa sa press ang maanghang niyang statement.

Pero kung ang tambalan nila ay may kilig factor (sa edad namin na 52, kilig kami sa dalawa); mapapangiti ka sa sa sweetness nila.

Sabi nga ni Xian, “Kim is a bride material!” Na nang sambitin ng binata ito openly, napangiti at may glow sa mga mata ng dalaga. Loveable naman kasi ang dalaga. Kahit sinong binata, mabibighani sa kanya.

Ayaw man bumitaw ng kanyang “tunay” na nararamdaman, aminado si Kim na si Xian lang ang lalaki sa showbiz na close siya personally. Maging sa pamilya niya, may effort ang binata para mapalapit siya sa mga kapatid ng dalaga. Reason why, malapit ang puso ni Kim kay Xian kahit at age 23 ni Kim, ewan ko kung bakit ibinibitin pa niya kung ano man ang nararamdaman niya sa kapareha.

We just hope na hindi muli maulit ang nangyari sa kanila ni Gerald Anderson na dahil sa bagal ng pag-amin ni Kim na merong something between her and Gerald, tuloy nasingitan ang suppose to be “love” made in heaven nila.

Kung sa bagay, dapat kung love mo, aminin mo na. Kung kayo man, dapat tatakan na niya ng “Love of Kim” or “Property of Kim” (or Xian) para wala nang makikialam. Wala nang sisingit. Wala nang biglang papasok sa eksena, o gawing dahilan na may third party kaya nag-break ang isang pagsasama at pagmamahalan.

B y the way, si Direk Mae Cruz (of She’s The One) ang director ng Bride for Rent who will be getting married very soon for real.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.