Kim Chiu at Xian Lim, pahinga muna ang loveteam?

Xian-Lim-Kim-Chiu Kim-Chiu-Xian-LimSA NAKARAANG Star Cinema Cares nu’ng nakaraang linggo kung saan pinalabas nang libre ang pelikulang Bride For Rent at nagbigay ng regalo para sa mga sampaguita vendors sa Kamuning Bible Christian Foundation for Kids sina Kim Chui at Xian Lim, masayang-masaya ang magkapareha dahil umabot na sa P250 million ang kinita ng pinagbidahang pelikula. Masayang-masaya sa mainit na pagtanggap ng kanilang pangalawang pelikula, labis ang pasasalamat ng dalawa na buo pa rin ang suporta at pagtanggap sa kanila ng publiko lalo na ng kanilang mga tagahanga.

Sa kabila ng tagumpay ng Bride For Rent, matunog ang bali-balita na si Coco Martin na raw ang susunod na makakapareha ni Kim sa teleseryeng gagawin sa ABS-CBN at magpapahinga muna ang tambalan nila ni Xian Lim. Umiwas sagutin ito ni Kim pero nagbigay pahayag ito na gusto niya ay magkasama pa sila sa mga proyekto ng kapareha.

Nang tanungin naman namin si Xian kung ano ba ang nilu-look forward ngayong 2014, nagbiro sa amin ang aktor na wala pa raw siyang trabaho na nakalinya para sa taong ito.

Sumusubok naman talaga ang ABS-CBN na ipareha ang isang loveteam sa iba namang artista ng ABS-CBN, ilan lamang sa mga loveteam kung saan tinambal sa iba ang mga artista sa kabila ng tagumpay na napatunayan ng kanilang loveteam ay ang Bea Alonzo-John Lloyd tandem, Judy Ann Santos-Piolo Pascual at iba pa. Dito ay mapapatunayan kung kaya na ba nilang tumayo sa sarili nilang mga paa at kung tatanggapin ba sila ng publiko. Dito rin ay mas uunlad sila bilang isang aktor at aktres dahil masusubukan nila ang makipagtrabaho sa ibang kapwa nila artista.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

4 thoughts on “Kim Chiu at Xian Lim, pahinga muna ang loveteam?

  1. too early to separate them. so disappointed sa abs-cbn–I myself will not be watching the new tele of kim n coco including the other teleseryes of abs-cbn. I will go back to American tv series.

Leave a Reply

Your email address will not be published.