Kim Chiu at Xian Lim, nagde-date na!

DENY NANG deny itong si Elmo Magalona na hindi niya dyowa si Lauren Young, pero tila patuloy ang sighting sa kanilang dalawa.

Just recently, nakunan ng litrato ang dalawa habang naglalakad. Katatapos lang ni-lang kumain sa isang kilalang coffee shop sa bandang Vito Cruz sa Maynila.

Nakatalikod na nakunan ng litrato ang dalawa habang naglalakad pero sure na sure ang kumuha na silang dalawa iyon.

Ang alam namin ay sa isang private school sa bandang Taft nag-aaral si Elmo kaya puwede ngang silang dalawa ang naispatan.

Anyway, tapos na ang promo ng Just One Summer kaya siguro wala nang pakialam si Elmo kung makita man siyang kasama si Lauren.

 

NAKITA RING magka-date sina Kim Chiu and Xian Lim recently.

The two were captured in a photo which came out in a popular website bagama’t hindi sila pinangalanan.

Actually, hindi naman napakalapit ng kuha sa kanila. Si Kim ang medyo makikilala kaagad dahil siya ang kitang-kita.

Hindi naman silang dalawa lang ang magkasama. Actually, isang alalay ang ka-join nila sa dinner nilang iyon sa isang steak house sa bandang Tomas Morato.

Nagwaging Couple of the Night sina Kim and Xian, so ang ibig bang sabihin nito ay magdyowa na sila?

Ang ibig rin bang sabihin ng dinner ng dalawa ay sila na talaga?

Well, ang alam namin ay palaging invited si Xian kapag may special occasion sa bahay ni Kim. ‘Yun lang!

Baka naman na-develop na ang dalawa? Or baka rin naman pinalalakas lang ang love team nila kaya parati silang pinagsasama.

KRIS AQUINO found herself explaining about her pakikipag-date.

Marami kasi ang nagka-interest when she admitted that she’s into dating again. And it was quite a surprise for her followers to learn na si Makati Mayor Junjun Binay ang kanyang dine-date.

But Kris is quick to claim on Twitter that she was misinterpreted, na hindi si Mayor Binay ang kanyang idine-date.

“I got to talk to Mayor Jun Binay & we laughed about how what I said this morning was misinterpreted. Kwentuhan ko naman daw sya who the person I referred to really is… I told him, Jun at least I’m not as madaldal as every1 assumes. May capability ako to keep things quiet & private,” tweet ni Kris.

Kung hindi si Mayor Junjun ang dine-date ni Kris ay sino ang lucky guy?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

10 thoughts on “Kim Chiu at Xian Lim, nagde-date na!

  1. They both have in common in their lives kaya naman nagkaintindihan silang dalawa not to mention
    I’m pretty sure they are going to admit it sooner or later sabi nga ni Xian time will tell.

  2. the fact that you writers dont know anything about the their previous dates only mean they want to keep everything private therefore not a promo haha…

  3. haha..writers are always the last to know..sandamukal na po ang sightings ng kimxi mula pa january..salamat sa mga nagtu tweet at kadalasan eh me pictures pa :)..i think sila na, dahil kung wala sa labas, panay ang bisita ni xian sa bahay ni kim…

  4. MATAGAL NA PO SILANG NAGDE DATE.. ILANG BESES NA SILANG NAKIKITANG LUMALABAS.. PERO DI NIYO LANG ALAM KASI DI KAYO MARUNONG MAG RESEARCH..

  5. naggagamitan lang naman sina elmo at julie anne kasi yun ang advice sa kanila ng siyete, ang resulta, semplang naman sa takilya yung movie nila haha!

  6. OI ALEX BROSAS PINUPULOT MO LANG NAMAN YANG MGA PINAGSUSUSLAT MO DITO SA FASHIONPULIS.COM KAPAL NAMAN NG PAGMUMUKHA MONG BAKLA KANG MATAWAG NA WRITER!!! PURO NAKAW LANG NAMAN YANG MGA PINAGSUSUSLAT MO SA MGA BLOGS!!!! AT ANG BOBO NAMN NG MAY ARI NG TABLOID NA PINAGSUSULATAN MO PURO COPY PASTE LANG GINAGAWA MO PERA NA KAPAL NG APOG MO

  7. San sila nag de deyt sa Scarborugh Shoal,,, Ha ha ha ha ha. Mga hinayupak na Tsekwa bumalik na kau ng China, Dito pa kayo sa Pinas gumagawa ng pagpeperahan.

    • Masyado ka namang mapanlait sa mga intsik, samantalang sila ang very successful dito sa Pinas because of hard work and marunong humawak ng pera. Baka ni hindi mo mapantayan ang mga success nila sa buhay. What goes around comes around, baka bumalik sa iyo ang mga sinabi mong masama.

Leave a Reply

Your email address will not be published.