Kim Chiu at Xian Lim, malaking tulong sa pelikula nina Kris Aquino at Derek Ramsay

Xian-Lim-Kim-ChiuSa tatlong loveteams ng pelikulang All You Need is Pag-ibig na entry ng Star Cinema sa darating na Metro Manila Film Festival sa Dec. 25, ang tambalang KimXi (Kim Chiu at Xian Lim) ang pinaka-establish na.

‘Yon kasing kina Kris Aquino at Derek Ramsay, first time pa lang susubukan sa film. ‘Yung kina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria naman, sa TV pa lang unti-unting nae-establish dahil sa Pangako Sa ‘Yo.

Kumbaga, marami nang na-prove ang tambalang KimXi kaya malaking tulong sila sa pelikula nina Kris at Derek. Naging hit ang Bride For Rent ng KimXi at pumatok din sa iflix (movie for cellphone), ang Must Date The Playboy, nila.

When asked kung anong feeling ni Xian now that he is reunited with Kim, masaya niyang sinabi na, “I’m always happy working with Kim Chiu.”

Halata rin namang ganu’n din ang pakiramdam ni Kim. Sinabi pa nga niya sa presscon na “all she needs is Xian Lim.”’ Yon nga lang, until now, wala pa ring pormal na pag-amin mula sa dalawa.

After All You Need is Pag-ibig, gagawin naman nina Xian at Kim ang TV series na The Story Of Us.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

3 thoughts on “Kim Chiu at Xian Lim, malaking tulong sa pelikula nina Kris Aquino at Derek Ramsay

  1. he he tingnan natin he he bakit pa kasi pinipilit ng ipis cbn na maging LT ang dalawang ito he he eh parehong lalaki naman ang gusto nilang dalawa he he

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.