Kim Chiu at Xian Lim, huling-huli ang sweet moments sa Star Magic Sportsfest

TIYAK NA masayang-masaya ngayon ang mga avid Kim Chiu at Xian Lim fans dahil kumpirmadong tuloy na tuloy na ang muling pagtatambal ng dalawa sa isang serye na niluluto sa ngayon ng ABS-CBN. Pagkatapos ng tagumpay ng Ina, Kapatid, Anak, labis-labis ang pasasalamat ng dalawa sa kanilang mga tagahanga dahil ang mga ito ang ‘di tumigil sa katu-tweet at kame-messsage sa management ng ABS na magkaroon muli ng serye sina Kim at Xian na madalas ay nagte-trend pa sa Twitter.

Kung dati ay pinaiyak nila tayo sa mga seryeng pinagtambalan nila gaya sa Ina, Kapatid at Anak, ngayon ay iba namang tema ang gagawin ng dalawa kung saan may pagka-comedy at magaan naman ang tatakbuhin ng istorya.

Sa nakaraang Star Magic Sportsfest 2013, halos ‘di mapaghiwalay ang dalawa, nag-cheer si Kim kay Xian sa basketball game nito laban sa koponan nila Gerlad Anderson, kung saan tinalo nina Xian ang kalaban; sa badminton at volleyball games naman ng aktres ay nandu’n si Xian para magbigay-suporta para sa kapareha.

Isang reliable source ang nagsabi sa amin na pagkatapos ng badminton game ni Kim ay nag-appear ang dalawa, pagkatapos ay humilig ang aktres sa balikat ni Xian sa pag-aakalang walang nakakikita sa kanila na press. Hindi namin deretsahang masasabi kung sila na bang dalawa, pero sa nakikita namin ay nandu’n kina Kim at Xian ang mataas na respeto, tiwala at pagkakaibigan sa isa’t isa. Na tulad namin ay pinaniniwalaan ng aktor na kung mauuwi man sa mas malalim na relasyon ang samahan nila ni Kim, mas maganda na may matibay silang pundasyon na hindi agad-agad na masisira ng anumang intriga o pagsubok na darating sa kanila.

KINUMPIRMA SA amin ni Derek Ramsay na nauwi na nga sa break up ang wala pang isang buwang relasyon nila ni Cristine Reyes.

Nang tanungin namin kung bakit at ano ang nangyari, kung naging generous noong una sa amin ang aktor na aminin ang kanilang relasyon, ngayon ay nakiusap naman sa amin si Derek na ayaw niya munang magsalita tungkol dito at nirerespeto naman namin ang pakiusap sa amin ng aming kaibigan.

Siniguro lang sa amin ni Derek na maayos siya at mas pinahahalagahan niya ang pagiging magkaibigan nila ni Cristine, nangako naman sa amin na magsasalita siya ‘pag handa na siya pero sa ngayon ay pipiliin niya muna talagang manahimik na lang.

Marami ang nagsasabi na gimik lang ang lahat para mapag-usapan sila, may iba namang nagsasabi na hindi naman daw talaga naging sila Cristine at Derek at lahat ay bahagi lamang para sa promo ng kanilang pelikula, ang Trophy Wife.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

43 thoughts on “Kim Chiu at Xian Lim, huling-huli ang sweet moments sa Star Magic Sportsfest

  1. cgurrado naman ako na ang naninira kay kim at xian ay may pinaghuhugutan…na inggit nyahaaha!
    itikom mo kaya bunganga mo masyado nangangamoy na kayo eh may bashers ni kim at xian. eh ano kung di cla o sila as long as nagpapasaya sila ng mga fans at kung kayo d nila napapasaya manahimik kayo para naman kayong binayaran para manira eh wahaahha kayo nasa payroll ng mga kumag niyong amo nyahahaha

  2. Grape BOBO este grape vine sabihin mo yan kay XIANA LIM … sabihin mo na ang lalake para sa babae… kaya wag syang manlalake… hehehe…. kakatawa ka..

  3. I believe in GOD at may takot ako sa kanya kaya nga galit ako sa mga manloloko tulad ng mga baklang ito…. Ikaw grapevine wag mong pairalin ang kabobohan mo okay… binigyan tayo ng Diyos ng karunungan para magamit natin… napaka BOBO mo…

  4. Grabe ang mga comments ninyo very slanderous nmn….at puede kyong ihabla nian…Anong proweba mo na sia ay bakla tlga? Alm mo ba na ang manirang puri sa kapwa ay gawa ng diablo, isang kaslanan at hindi gawa ng tao na merong takot sa Diyos. Sino ka na manghusga sa kapwa mo ikaw ba ang lumikha sa kanya at alm na alm mo ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao his whole being…at kung skali totoo man o hindi wla bang pag-asa ang tao na magbago lalo’t pat alm ntin na nilikha ng Diyos ang lalaki pra sa babae at hindi lalaki pra sa lalaki…..ay naku grabe ang kaprushan mo kaibigan pag biglang dumating ang Panginoon ngayon nakahanda ka ba?…ako sa u magsisi ka habang may oras pa. 

  5. Napapanood ko si KIM CHIU sa Kris TV at mukhang aanga anga ang hitad meaning to say madaling maloko… naku for sure mabait ka namang bata sana wag kang magpagamit kay XIANA LIM .. maawa ka sa sarili mo wag ka ng tumulad kay KC Concepcion na ginamit lang ni BAKLANG PIOLO PASCUAL… Alam naman ni XIANA na VAKLUSH SYA .. kaya lang pera ang labanan D2.. Tignan nyo si PIOLO ayon sa BIR merong na syang perang umaabot ng 400 million ang properties at savings nya…

    • HAHAHAHA. USAP-USAPAN NGA PALAGI SA MGA BLOGS ANG PAG-I-ENGLISH NI KIM SA SOCIAL MEDIA. NAKAKALOKAH NGA ANG GRAMMAR NIYA. ANG KEY DIYAN KASI, MAGTAGALOG NA LANG KASI LALABAS AT LALABAS ANG MGA MALI MO. OK LANG SANA PERO KASI AMININ NATIN, EVEN WITH VERY BASIC GRAMMAR LIKE YUNG SUBJECT-VERB AGREEMENT EH MALI-MALI ANG LOLA. EH ALAM NYO NAMAN SA SOCIAL MEDIA, PAG BUMANAT ANG MGA NETIZENS, ANG TATARAY AS IF TAMA RIN ANG GRAMMAR NILA. HAHAHAHA

      • Jusko, what do you expect from that SKELETON??  Walang laman ang kalamnan so malamang wala ring laman ang utak! Hakhakhak!

    • nyahahahha bobitang retokadas,yan,,ang daming ganyan sa Abs cbn,,,pa english enlish kuno,,mga para masabi lang na marunong silang mag englis,,mali mali naman…nyahahahha

    • nyahahahha may katwiran si Logic,,,hahahaha ang galing ng logic mo…pera lang talaga ang  dahilan nila,,kay hindi sila maka come-out. nyahahhaha   career first…hahahha

  6. Bakla man o totots na lalake si xian,  Ang importante masaya ang prinsesa namin. At napapapsaya nila ang marami. Thats it…

    • SI Kim ba ang masaya o ang ABSCBN management? Eh nangangamoy MEMO NI CHARO ang sweet moments ek ek na yan! hakhakhak!

  7. walang kaartehan ang KimXi sadya lamang na sweet sila on and off camera…d man sila umamin basta ang importante masaya silang dalawa..

    • PLASTIKAN! hakhakhak! Alam naman nating naggagamitan lang ang dalawa. Si Kim para may kaloveteam dahil hindi niya keri ang isang teleserye o pelikula pag siya lang, at si Xian para mapagtakpan ang kabadingan niya. hakhakhak!

  8. ang arte nang dalawang ito, hindi na sila mga bata para itago kung sila na o hindi… duh…. sana pag naghiwalay sila wag na din nilang sabihin… 

    • inggit ka lang lolololo………….ko!!ke bata ke matanda ala kang pakialam sa mga nagmamahalan ng tapat at wagas..kung gusto nila ng privacy ala kang pakialam..sa iyo nga walang nakikialam ehhhhhhhh..respect mo kapwa mo para irespeto ka din..Make love not WAR!!

      • TRUE! Nagpaplastikan lang ang dalawang yan for the press! 3 years nang loveteam, waley pa ring nangyayari. Kung talagang nagjojowaan yan eh di sana matagal nang out. Kaso BADING yung isa kaya di madeve-develop. hakhakhak!

      • Try niyong panoorin sa youtube “They dont know about us Kimxi” part 1 hanggang 13 nang maliwanagan kayo.  Bago niyo sabihing pang-press lang lahat,  magisip kayo kung pinalabas ba ng press o ng abs cbn yung mga napanood niyo. Nakakahiya naman sa kanila, nagsisimba sila together with siblings ni Kim para gimik lang, nagpasurprise birthday party si kim  kasama family ni xian para kay xian para sa gimik lang,  nagSusubic sila with family ni Kim, and madalas din magdinner with xian para lang maraming manood ng teleserye nila. Lol. Oo ganyan  talaga magloveteam e, sobra mag-effort para lang may manood sa kanila. Ganyan ba JulQuen? Bea and john lloyd? Sarah john lloyd? Kathniel? Isip isip din!

      • Ateng, obviously nagbubulag-bulagan ka. Eh part din ng PRESS GIMMICK nila yung nasa YouTube, anubeh?

  9. siguro nag promise si Xian kay Kim na tatalunin niya si gerald sa basketball and he did. the sweetest boyfriend ever…

  10. So excited for their new teleserye! ibalik ang primetime queen.. queen na dahil binigay na nya ang corona niya kay kath

Leave a Reply

Your email address will not be published.