Kim Chiu at Xian Lim, hanggang loveteam lang?!

KAHIT HINDI mag-dyowa sina Kim Chiu at Xian Lim, kumita sa takilya ang pelikula nilang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? ng Star Cinema. Ito ang first team-up ng dalawa ng tumabo ng 100 million sa halos tatlong linggong showing sa mga sinehan nationwide. Masasabing certified blockbuster ang comedy film na ito nina Kim at Xian and first film adaptation ng best selling self-help book ni Ramon Bautista na kasama rin sa cast.

Sabi nga ni Direk Joyce Bernal, kakaiba raw ang kuwentong ito, ang pag-move-on ng isang heart-broken na ginagampanan ni Kim. Sa tulong ng mayaman ay guwapo niyang boss na si Xian, malalaman sa pelikula ang kasagutan ng isang pusong wasak at nasugatan.

Pakiwari namin hanggang ngayon, hindi pa rin nakaka-move-on si Kim sa naudlot nilang relasyon ni Gerald Anderson kahit okay na sila. Hindi ganu’n kadali para sa actress na kalimutan ang kanyang first love, kahit ilang taon na silang hiwalay ng binata. Nakailang relationship na nga ba ang actor bago naging sila ni Maja Salvador?

Samantalang si Kim, zero pa rin ang lovelife magpahanggang ngayon. Hindi pa raw nakikita ng actress ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso. Still searching for Mr. Right. Hindi raw niya ito hinahanap. Kusang darating kung itinakda si Mr. Right para sa kanya.

Hindi man diretsong sinabi ni Kim, tipong malabong maging sila ni Xian. ‘Yung pagiging sweet, loving at maalalahanin  ng binata, ‘yun ay bahagi lang ng pagiging magka-loveteam nila para sa ikaliligaya ng mga fans. Kaibigan lang ang turing niya sa actor.

Maging si Xian, hindi nito masabi nang diretsuhan kung nangliligaw nga siya kay Kim. Hindi mo maramdaman sa kanya ‘yung sincerity na type niyang ligawan ito. Puro pang-showbiz  ang palaging nagiging sagot ng dalawa tuwing iniinterbyu sila ng press. Hanggang ngayon yata, hindi pa kilala ni Xian Lim ang kanyang sarili. Nandu’n kasi ang takot na baka hindi siya maunawaan ng media at ng kapwa niya artista kung sino nga ba talaga siya?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

19 thoughts on “Kim Chiu at Xian Lim, hanggang loveteam lang?!

  1. Na intrigra c xian na paminta kc may bading roles kc cya before with aaron…hahhahahha…kaluka ang writer baka hindi to nanato ng usb or phone sa presscom ng bhkcnkm

    • HAHAHAHA. AYAN NA NAMAN YANG MGA HINAHANAP NA YAN. AFTER KC CONCEPCION, NGAYON EH SI KIM CHIU NAMAN? SABAGAY, TAMA KA. MGA XIANATICS NA LANG TLG ANG NANINIWALANG MAY SOMETHING-SOMETHING KINA KIM AT XIAN.

      • Lol ignorant people. In case hindi niyo alam, may kimxi, tropang kim uy, kimxiaroundtheglobe,  etc. etc!

  2. hirap bang tanggapin EDDIE LITTLEFIELD
    na ang taong nagpatigil ke jolo revilla sa
    pag aartista eh syang kinakikiligan ng mga 
    manunuod sa pelikula? haha tandang tanda
    ko pa ang sabi mo na mas bagay sayo ang jolo kim
    tandem at kung ano ano pa ang sinabi mo 
    against xi.  imagine that?? un pala eh bayaran ka
    ng pamilya revilla lol..ni aso hindi makkpayag na 
    mas bagay ang janix HAHAHAHA
    o ngayon kumain k na lang ng ampalaya LOL

  3. bakit kasi may question mark na naman sa dulo ng article mo. period ang ilagay mo jan, PERIOD. hindi nga pwedeng maging sila kasi BAKLA si xian lim.  BAKLA as in juding,bading,paminta,shokla.. ang hirap mo namang makaintindi. 

    • eh bakit naman nya ipe period eh nanghuhula lang sya..
      haha kita naman na wala syang alam sa nangyayari sa dalawa
      o di ba eddie littlefield?? bistado ka na lol mbg days 
      pa lang…eh sori naman kumita ang pelikula :p

    • nyahahahah korek, iba ang hanap ni Kim, si Gerald ay ang kanyang sandata,,si xian,,iba rin,basta ..lalaki ang hanap niya….period..mga xianatic diyan,,,,huwag na kayong aangal,,,,Paminta po ang Idol ninyo….nyayayyaa

  4. huli na naman tong pulpol na writer na to..kakasundo lang po ni kim ke xian kanina sa airport from san francisco..hahahha

  5. Lol pang loveteam lang?! Nagpasurprise birthday party kasama ang families nila, loveteam lang? Nagpupunta ng Subic, Bohol, etc. at kung saan saan para maghorseback riding kasama ang mga kapatid ni kim kasi loveteam lang sila. Nagpunta ng paris kasama mommy nd lola ni Xian, Binigyan ng promise ring kasi loveteam lang sila? Sinundo ni kim si xian sa airport kanina at nagdate sila sa binondo kasi Chines Valentine’s day kasi loveteam lang sila? Lol. Oo nga naman oh! Loveteam lang talaga yan! Lol porket hindi niyo nakikita hindi ibig sabihin wala. Talagang mapanghusga kayo kahit di niyo man lang alam ano nangyayaro. Finoffollow niyo ba sila sa instagram? Or twitter? Try niyo kaya maghanap ng mga “kimxi spotted” na posts. Lol.

    • @Lerler tana ka dyan sa comment mo. Kung pang loveteam lang di sila magkikita ng offcam. Sa dami ng spotted nila together. Kaya ayaw umamin ng mga artista dahil kayo mismong mga writer ang sumisira. Tigian na ang mga issue na di naka move one. D ba halata? I try nyo na mag follow sa twitter, instagram at facebook fanpage ng KimXi ha para malaman mo ang katotohanan.

      • aguy aguy,,,BAKEEET?,,,,,pang LOVE TEAM lang yun teh,,,nyahahahha,, at naniniwala ka naman agad, sige umamin na ba sila na mag siyota,sila,nyahahahha….

      • Ay oo kasi si sarah g at john lloyd ginagawa rin yan! Pati julelmo, julquen, enrich, majong, etc! Oo ginagawa ‘yan ng normal na magloveteam! Lol Syempre hindi sila aamin, ngayon pa nga lang na hindi pa sila umaamin pinaghihiwalay niyo na, pano pa kaya kung umamin na! Kaloka kayo!

    • Tama ka! Agree ako sa lahat ng sinabi mo!  Bakit ba magaksaya si Kim na magpabday ng bonggang bongga kay Xian; sama pa sa Paris…kita mo ang pose nila doon na nasa IG ni Xian at may sunduan pa sa airport with a Chinese Valentine Day dinner pa sa Binondo!  Masyadong so unlike Kim!  What Chiu Xi is what Chu get! :) Actually, saludo ako sa writer…sa kanya kasi ang burden of proof tapos tayo ang nagpalabas!  Galing nya ha! Am sure alam din nya!  Nangiintriga lang!  Kilalang kilala na man nya si Kim!  

Leave a Reply

Your email address will not be published.