Kim Chiu at Xian Lim, hanggang friendship lang talaga

Xian-Lim-Kim-ChiuXian-Lim-Kim-ChiuKAHIT WALANG relasyong namamagitan kina Kim Chiu at Xian Lim, smash hit ang first film nilang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? Kaya’t binigyan agad sila ng follow-up movie ng Star Cinema, a romantic-comedy Bride For Rent under the direction of Mae Czarina Cruz, whose most notable recent work is She’s The One.

Kuwento nga ni Direk Mae, maraming nakakikilig na eksena sina Kim at Xian dahil naging mag-asawa sila sa pelikula. Naitanong tuloy sa dalaga kung ano ang ayaw niya sa isang lalaki? “Ang pagiging babaero,” matipid nitong sabi.

Nang tanungin namin si Xian kung ano ang hindi niya gusto sa isang babae? “Ang pagiging liberated,” say ng binata.

Alluring ang ganda ni Kim nang gabing ‘yun. Marami ang nakapansin sa kanyang sexy na kasuotan na bumagay naman sa personality ng actress. “I’m 24 years old na naman, kailangan sigurong mag-adjust na rin ako sa damit na isusuot na babagay sa edad ko,” aniya.

Infairness to her, magandang manamit itong si Kim kaya’t paborito siyang bihisan ng mga designer.

Nang mapanood namin ang trailer ng BFR, kapansin-pansin ang pagiging kikay ni Kim sa pelikula. Para itong babaeng bakla sa mga nakatutuwang eksena nila ni Xian. Baka beki ang naging peg nito sa character niya as Rocky Espiritu.

“Ang mga bakla, funny, lahat halos ng nasa set ay bakla. Masaya silang kasama, feeling ko nga pumapasok sa akin ang pagiging bakla,” natatawang sabi ni Kim na sobrang na-challenge sa role na kanyang pino-portray.

Inamin ni Kim na mas relax siyang gumawa ng romantic comedy film kaysa drama. It’s something different daw sa mga pelikulang nagawa na niya in the past. They want to offer something new for 2014. Sobra raw siyang komportable sa ginagawa nito kaya maganda ang kinalabasan ng tandem nila ni Xian. Siniguro ng dalawa na mag-i-enjoy ang manonood sa kanilang bagong pelikula.

Kung tatanungin ang status ng relationship nina Kim at Xian? Best of friends pa rin sila hanggang ngayon. Comfortable sila sa isa’t isa. They enjoy every moment together. Walang matinong sagot kung saan papunta ang kanilang relasyon. Ang tanging binitawang salita ng dalaga, “Thankful ako kay Xian dahil nag-effort talaga siya na maging magkaibigan kami. Alam naman ninyo medyo takot na akong makipagkaibigan. Si Xian ngayon ang malapit na kaibigan ko sa showbiz.”

Ikinuwento ni Kim na pumapasyal si Xian sa bahay nila para magdala ng pagkain. Kasundo nito ang mga kapatid niya pati ang tatay ng dalaga. Nagte-text pa nga raw sa mga ito, palitan ng jokes na ikinatutuwa naman ni Kim. Pero hanggang kaibigan lang ang turing nang dalaga.

Maging si Xian, walang diretsong kasagutan kung nanliligaw o nagpaparamdam siya ng saloobin kay Kim. Wala rin itong masabi kung hindi, mas lalo silang naging close ni Kim nang muli silang magkasama sa pelikula. Kasi sa totoo lang, hindi nanliligaw si Xian kay Kim, pure friendship lang ang maganda nilang pagtitinginan, walang halong malisya.

Sa Q & A portion,may nagtanong kay Kim kung kung saan level na ang relationship nila ni Xian? “We don’t owe you any of our personal lives,” nagtataray na sagot ng actress.

Sa binitawang salita ni Kim, lumabas ang pagkamaldita nito na ikinagulat ng press people. Kasi naman, pinipilit na maging magdyowa sina Kim at Xian na alam niya (lady reporter) malabong mangyaring maging sila.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Kim Chiu at Xian Lim, hanggang friendship lang talaga

  1. nyahahahahah kailangang imemorize pa ba yan,,,hahahah naku naman,,,isang Super fantard lang ang hindi makakahalata niyan,,,bwahahahha,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.