Kim Chiu at Xian Lim, bakit ayaw pang umamin?

SA TOTOO lang hindi ko na alam kung anong “eklat” meron ang mga artista natin na kapag lovelife na ang tinatanong sa kanila. Most of the time, denial ang nakukuha mo na sagot.

Ang baliw na si Angeline Quinto, umamin recently na nagkaroon daw sila ng relasyon ni Coco na hindi naman nagtagal. (May nagka-interest ba?)

Bakit, umamin ba sila ni Coco? Never naman, ‘di ba? Sa katunayan, nang uriratin si “Juan”, say lang niya, nirerespeto niya ang statement ni Angeline. (Saklap!)

Same thing sa pase’ na pag-amin ni Jessy Mendiola na naging sila ni JM de Guzman na during her recent presscon, lumuha ng sangrekwa si Jessy habang ikinukuwento ang pag-ibig niya sa binata na hindi na nagkaroon ng interest ang karamihan sa press na kinuwentuhan niya.

Nagtataka lang ako kung bakit may mga artistang sinungaling. O baka naman strategy ito ng mga tao behind their careers, hindi kaya?

Kaya nga ang mga artista na nag-e-emote ay naka-karma nga lang siguro at umiyak sila kasama ang sanglaksang dugo na kapag nag-break sila o inagaw o ‘di kaya’t nangaliwa ang ka-partner nila ay dahil sa kasinungalingan nila.

Kaya aprub sa akin ang mga pag-amin ng mga showbiz personalities ng relasyon nila tulad nina John Llyod Cruz-Angelica Panganiban; Luis Manzano-Jennylyn Mercado at ‘yong mga relasyon na hindi maramot sa publiko at media.

Sa kaso ni Kim Chui at Xian Lim, napapailing na nga kami kapag tinatanong sila tungkol sa relasyon nila.

Very 80’s (Sharon Cuneta-Gabby Concepcion days) pa ‘yun na ayaw nilang i-verbalize o mag-declare ng kanilang commitment para saksi ang media at publiko ng kanilang pagmamahalan.

In fairness, isa sa interesting na relasyon sa showbiz ay ang kina Kim at Xian. Mula nang humiwalay si Kim sa imahe ni Gerald Anderson at na-link siya kay Xian, naging maganda ang pagtangap ng fans sa dalawa. Kaya nga for the first time, masusubukan kung gaano kabisa ang tambalan nila sa unang pelikula nila (tried and tested na sila sa telebisyon) via a movie na halaw sa libro ni Ramon Bautista na “Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo?” sa direksyon naman ni Bb. Joyce Bernal.

Will they click kaya sa pelikula at ganu’n din kaya karami ang mahahakot nilang fans tulad sa huling shows nila sa Kapamilya Network?

Basta Xian admits that he will always be a helping hand sa lahat ng pagkakataon para kay Kim. “I will always be her defender at all times and that’s a promise,” sabi ng binata.

Ewan ko ba kung bakit sa itinagal-tagal nila as “friends” ay kung bakit ayaw pa nilang umamin?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

16 thoughts on “Kim Chiu at Xian Lim, bakit ayaw pang umamin?

  1. Ganyan talaga ang attitude ni KIM. Hindi aamin na may boyfriend siya. Pero kung break na sila di kaya nagkaroon ng bagong girl and BF niya ay saka pa siya aamin. TO KIM: Be true to yourself. Stood up for your love. Alam mo kasi ikaw rin ang nasasaktan. Look what happened to Maja and Gerald. You never admitted before that Gerald was your bf and now that he is with Maja ay bitter ka? that is your karma.

  2. Gawa gawa lang ng paid basher ang pinagbintang na salita ni Kim kay Xian!
    Bakit hindi tanungin si Kim ng harapan ?
    Tandaan , may mga naungusan na si Xian at Kim sa industriya.
    Totoo ba na may mga rich ! ? na gustong siraan ang KIMXI!?
    Iyon ba ang tinawag na MONEY TALKS?

  3. mga bakla..hayaan na natin cla..buhay nila yan..atupagin na lng natin mga sarili natin para umasenso..hindi bitter sa mga sikat….ok lng sana if milyonis makukuha natin kakabash natin sa kanila…..magsumikap mga BAKLA…para may panggastos sa mga papa para hindi iiwang luhaan…

  4. in your dreams nman angeline na naging kau ni coco? e tiboli ka ayaw mo pang umamin, si charice nga umamin na sunod kna.  Chararat nga yong isa sa naging gf mo.

  5. e bakit ba marunong pa kayo sa kanila..ha!!! kayo ba ang artista??? itong mga baklang ito sobrang maka-comment!!

  6. YAHAHAHAHAH ANO BA KAYO, ANONG AAMININ,,,OMAYGAY,,,,,,UMAYOS AYOS KAYO MGA FANS DIYAN NINA KIM AT XIAN,,,,MAG SALAMIN KAYO…..BAKIT AAMIN!,,,EH MISMONG SI KIM ANG TUMAWAG DIYAN NG………TARA NA BAKLA….TAPOS NA ANG INTERVIEW……HA HAHAHA…..BAKIT HA,,,NANGANGARAP KAYO NA ….HUNKS NGA YANG SI XIAN……PAMINTA YAN,,,,,TULAD DIN YAN NI ENCHONG….WAHAHAHHA

  7. Dahil sa mga kontratang pinirmahan ng mga artista kaya hindi sila puedeng umamin na may jowa sila. Kung hindi nila sinunod ang nakasaad sa kontrata, madedemanda sila. Yan lang yun.

  8. Hahaha at least denial pa on pa, pag break saka lumalabas ang totoo. Eh nuong mga naunang generation (circa ’60 ’70 ’80, talagang tago ng tago, lalabas lang ang katotohanan pag laki ng bata at papasok na artista, hahaha. Husay magtago Pag di nag-artista ang bata, secret pa rin. Daming ganun.

  9. Meron pa kasing movie; baka masabi na promo lang.  In time siguro aamin din yan when the situation favors it!  

    • .Ganyan naman talaga ang style ni Kim.. Style niya bulok. Di aamin tapos pag may ibang girl na ang guy ay saka siya iiyak ay mag bitter bitteran. KARMA Mo yan kim si maja and gerald.

Leave a Reply

Your email address will not be published.