Kim Chiu at Maja Salvador, sino nga ba ang nagsasabi ng totoo?

NAKA-USAP NAMIN si Kris Aquino sa nakaraang premiere screening at grand presscon ng kanyang teleserye, kung saan masayang-masaya at ‘di pa rin makapaniwala ang TV host/actress sa laki ng kinita ng pelikulang Sisterakas. Hanggang sa ngayon ay pinapanood pa rin ng tao kung saan nakaabot na ito ng P280 million at napalitan na ang Praybeyt Benjamin as highest grossing film of all time.

Consistent pa rin si Kris na hindi niya gagawin ang sequel ng Sisterakas gaya ng sinasabi ng iba o may kaba siya sa susunod na pelikulang gagawin. Aminado si Kris na kakabahan siya na baka kahit kalahati man lang ay ‘di maabot ng susunod na gagawin niyang pelikula. Malaki ang posisblidad na kung may gagawin siyang pelikula, ito ay ang pagsasamahan nila ni Eugene Domingo, kung saan magko-co produce siya kasama ang Star Cinema, Spring Films at ang film outfit ni Atty. Joji Alonzo.

Bukas na aklat na malapit na kaibigan si Kim Chiu, agad naming tinanong si Kris kung ano ang suporta na binibigay niya ngayon sa young actress ngayong may pinagdaraanan ito dahil sa panliligaw ng ex nitong si Gerald Anderson sa bestfriend na si Maja Salvador.

Ayaw pumili sa dalawa dahil malapit din ang loob kay Maja, aminadong nakapag-usap na sila ni Kim at pinayuhan niya ito na nasa maganda nang katayuan ang buhay nito at mas maganda na magpokus na lang ito doon at ‘wag nang lumingon pa sa nakaraan.

Ayon kay Kris mas maiintindihan ng tao si Kim kung alam malalaman ng mga ito ang buong nangyari, ang tinakbo ng mga bagay-bagay. Nagbiro pa nga ang TV host na parang tema ng kanyang serye ang mga pangyayari. Siniguro lang na maayos na maayos si Kim, ang ayaw niya ay magmukhang bitter pa ang young actress sa nangyari kung saan naging bukas naman ang aktres na matagal na siyang naka-move on kay Gerald, at ang pinanghihinayangan lang niya ay ang pagkakaibigan nila ni Maja.

Box-office hit ang Sisterakas, mataas ang ratings ng Kris TV at hinuhulaan na mainit ding tatanggapin ng publiko ang serye, binibigyan ni Kris ang sarili ng 3-5 taon para magtrabaho at manatili sa showbizness dahil paglipas nito ay gusto naman niyang pansin ang personal niyang buhay at kaligayahan.

 

IBA’T IBANG kuwento ang nakakarating sa amin tungkol sa tampuhan sa pagitan ng magkaibi-gang Kim Chiu at Maja Salvador na ang pinag-ugatan ay ang panliligaw ni Gerald Anderson kay Maja.

Ayon kay Maja, alam ni Kim ang lahat nang nangyayari sa simula pa lang ng pagpaparamdam sa kanya ng aktor. Pero ayon sa source na nakausap namin, nagsabi na lang daw si Maja kay Kim nu’ng lumabas na ang mga picture at pumutok na ang mga balita tungkol sa kanila ni Gerald.

Kung matatandaan, may grupo noon sina Kim, Erich Gonzales, Kitkat, Empress kung saan sumama ang loob ng mga ito kay Kim dahil nga naging kaibigan ng mga ito si Maja at mas pinili nito ang aktres kaysa sa kanila.

Ayaw naming manghusga sa nangyari dahil wala tayo sa sitwasyon ng bawat isa sa kanila. Pero naiintindihan namin ang pinanggagalingan ng aktres.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

61 thoughts on “Kim Chiu at Maja Salvador, sino nga ba ang nagsasabi ng totoo?

  1.  pasintabi po.. isa lng po ako sa kumakampi kay KIM !!! sobrang idol ko kc yan.. since nung PBB pa.. kahit pa svhin nyo na BITTER c KIM kay GERALD still hndi nyo pa rin xa pwede husgahan.. nagmahal kc yan mdling svhin move-on pero wag madaliin, uo nga d natin alm y gerald break her..pero kung kau nsa kalagayan nya.. kaya mo pa ba harapin c MAJA ng may respeto.. lalo na kung sobranng sama pa ng loob mo ? kapag nkkta ko c MAJA..kht kailan wala xa dating skin sa TV, madami n kc yan nakarelasyon I think everytime na may ngpapakita ng interes s kanya e.. gusto nya na rin. yun lang nmn ang nppncin ko.. hindi pa cute c KIM naturaln un sa knya since nung PBB pa.. kung nasubaybayan nyo c kim since nung nagsisimula pa lng sya hahanga din kayo sa knya.. sabagay di ko rin kau masisisi iba2 kc yan ng pananaw at ng gusto.. kaya respetuhan n lng kung sino ang gusto ntin huwag na natin pa pkialman kung gustomo c MAJA go.. but Don’t judge KIM para di rin mapancin IDOL mo..

    :D peace

  2. kung nangyari dn kya sayo yun.. magagalit tlga aq…! imagine bff mu bf na ang ex muh! nong tym na umiiyak ka dahil x ex mu ang bff mu ang nag aadvice x iyo .. x case nina maja at kim alangan nmang hnd pinayuhan ne maja c kim.. taz ngaun kinain na nya lahat ng cnabi nya ky kim ….wala na nga cla .. oo ..pero masakit parin un.. sana na isip un ne maja.. andun cya ng nasaktan c kim witness na lahat.. taz papatulan nya lng pala ang nanakit.. tingnan lng natin kong tatagal ang relasyon nila.. parang kailan lng cla ne sarah ngaun c maja nman.. haha..

  3. ang nagsasabi lang namang mali ang Maja-Gerald afair is mga fans ni Gerald/Kim, kim/xian at kIM… Patunay na ang pagsubabay sa buhay ng iyong idolo nakakabobo.

    • Buti sana kung hindi nagpasintabi si Maja kay Kim. pero hindi eh. si kim pa nga angsabi na wala na siyang pake. Eh ano ung bitterness na pinakita niya?? hindi nagtutugma ang mga nararamdaman niya sa sinasabi niya kaya halatang Amalayerr!

  4. Kim hasn’t move on yet. Tinulingan na nga siya ni Maja by making herself na maging shoulder to cry on.. tas eto na nakikipagdate na nga oh Kimmy sa ex mo DI KA PARIN NAKAKAMOVE ON? Wag kang sakim! Hindi lang ikaw ang may karapatang maging masaya. kahit yung mga taong nanakit sayo deserves happiness. Dont be bitter! Wag kang ng makisawsaw sa lovelife ng bff mo. Tama na ang pacute. May xian ka na! and please stop doing stuffs like iyak sa tv or what para magpaawa. Halatang imaature ka

  5. ako naman ang ayaw ko kay kim masyado siyang selffish dahil hanggang ngayon hinahabol pa rin  niya si gerald  … kim move on ka na ! ayaw na ni gerald sa’yo get mo ! gusto niya yun hindi retoke yun mata, lip, breast, nose, pati na rin yun teeth mo ! ang akala ng tao hindi kilala ang dating kim nun araw bago palang lumabas ng pbb ang pangit mo kaya!  para malaman mo na hindi ka ginamit ni gerald para sumigat siya … dahil si gerald ay 3 placer lang ‘ ang pilit na gusto ng abs ipaired ka ay si mike 

  6. Dapat kasi lawakan ni Kim chiu at ng mga fans nya ang mga isip nila, kasi sa Pinas konti lang ang open minded eh! :(((

    • Agree! Moderno na tayo… Hindi sa sinasabi kong kalimutan ang ang maria clara thingy pero yang Kim-Gerlad-Maja nangyayari yan sa realidad. may mga tao lang talagang pinapalaki pa para pagusapan, diba Kim chiu? >:(

    • Hindi naman atah retoke si Kim :) Chubby lang siguro siya tas pumayat na ng over kaya lumabas na ang tangos ng ilong. Anyway,I think maja is very witty and  fun to be with. kaya siguro nainlove si Ge. well let them enjoy life may xian narin naman si Kim.

      • amg mukha ni Maja noon ay mukha parin niya ngayon…. retoke ung kay Kim. ahaha haters gonna hate!!!

      • where have u been? si kim hindi retokada? jusko day naiwan ka na yata sa pancitan. lahat na yata alam na retokada sya. ikaw lang ang hindi.

        si Maja ay all natural. before and after ganun pa rin ang itsura nya. magaling din umarte. hindi ko masisisi si Gerald kung ma inlove kay Maja dahil si Maja sa totoo lang may substance kung kausap. si kim? para kang eng eng. pareh sila nI Sarah G. na bumungis ngis lang ang alam. ayan naghanap si Gerald ng matinong kausap at hindi pacute palagi. ang mga lalaki ngayon hindi lang beauty ang hinahanap, pati na rin may laman ang utak at hindi na lang bungisngis ng bingisngis. na tu turn off ang mga yan.

      • — well, look on the other side, isn’t it that kim and sarah are the ones who are on top? they are the ones who have millions of fans. they gain love , support and respect from their co-artist. know why? because they are responsible, descent and respectful enough to raise theirselves.. lagi bungisngis and pacute lng cla? well, it’s always be better to do that instead of pagiging malandi and pagpapakita ng motibo para landiin din.haha

      • bwahaha ang malandi c kim,may kalandian na ngangxian ngawa pa rin ng ngawa dahil gusto pang makipaglandian ky ge eh di na xa type,bakit di xa crush ng crush nya…nyahaha

  7. Mali si kim, matagal na silang wala ni gerald , kung sino ,an ligawan ni gerald kahit kaibigan pa walamg masama duon at sa part ni maja wala din masama mag entertain ng mangliligaw kung ex ito ng bff niya. Ang masama may relasyon pa tapos magpapaligaw ka sa bf ng bff mo. Mga fans be realistic naman.

  8.  sa lahat ng nagco-comment tungkol kay ”KIM” kaibigan nyo ba cya?  kung magsalita kayo parang ang lilinis nyo, kaunting hinto naman. bago kayo humusga ng kapwa nyo tignan nyo muna ang mga mukha nyo kung walang kapintasan kung tutuosin mas maganda pa siya sa inyo. at kung sa inyo mangyari ang nangyari sa kanya ano naman ang gagawin nyo at kung may sinabi sa iyong ex. na kapintasan tapos ngaun tatanggapin mo ang panliligaw nya. di kinain mo lang ang sinabi mo sa taong iyon. kung sa akin ayw ko ng ganun kc nagsalita na me ng di maganda tungkol a kanya at alam ko na ang nangyari sa kaibigan ko. kahit magparamdam siya di ko papansinin. at isa pa ayaw kung masira ang friendship namin, maraming boys pero ang tunay na friend kakaunti lang yan. ang wish ko sa dalawang ito hindi pa huli ang lahat para magkabalikan ang friendship nyo lalot di pa naman sinasagot ni MAJA. paano kung sinagot na ni MAJA di magkahiwalay din sila kc di naman sasama si KIM kay MAJA kung magkasama sila ng ex nito, anong masasabi mo sa kaibigan mo, di ka rin magiging happy. sana may taong magmagandang loob na kausapin silang dalawa para  makabati sila. Pls. sa lahat ng magco-comment isipin nyo muna ang sasabihin nyo,kc tao din naman ang mga iyan tulad natin iba lang ang kanilang kinalalagyan, tayo ay hindi artista kaya di napaguusapan, sila artista kaya napaguusapan. THANK PO SA NAKAKAINTINDI NG COMMENT KO,

    • sus. kung makapagsalita rin naman kayo against maja Wagas. im not a fan in fact wala akong pake kung ano gusto nilang gawin sa buhay nila. ang akin lang ang mga fans wag masyadong padalos dalos. inaatake niyo mga nakakalaban ng idol niyo pero naisip niyo ba kung tama pinaglalabaan nyo? May mali si Maja at may mali din naman si Kim pero wag kayong sumawsaw! hindi naman kayo nakakatulong…….. 

      • Walang breeding ang kim kaya ang result pati mga fans waley breeding. Hindi ko linalahat pero ung iba talaga sobra!

      • Gravehh kung tirahin si Gerald lalo na si Maja. Akalain mo un? yung taong dahilan kung baket nakasurvive si Kim na faney na faney nila eh sinasabihan ng kung ano ano? Walang galang at bastos. 

      • YAHAHAH MAGSITIGIL KAYO,,,HAHAHA MGA BUANG, PROMOTIONAL GIMIK LANG YAN NG ABS CBN, HAHAHA, PARA PAG USAPAN SILA,,,,

    • Ikaw nitz ah,kamag anak,kaibigan or baka naman ikaw na si Kim…kasi ramdam na ramdam mo yong mga ng yari kuno kay Kim..kahit sinong nag CoCoMMENT’s dito hndi alam kung bakit inayawan ni Gerald si Kil sooooo dapat wala ng EPAL PA!!!!!!!

    • KUNG TALAGANG NAKAMOVE ON NA YANG IDOL MO SISIW NA LANG PARA SAKNYA NA MAKITANG MAGKASAMA ANG EX AT BFF NIYA. FRIENDSHIP? KUNG MAHALAGA ANG FRIENDSHIP BAKIT NIYA LINAGLAG SI MAJA? SABIHING DATING EH HINDI PA NAMAN PALA.

  9. PLASTIK SILA BOTH PERO MAS PLASTIK SI KIM.Linaglag si Maja tas siya pa tung malakas ang loob sabihing “sayang yung friendshio”  Pareho sila ni Sarah ang imaature. 

  10. hay nku kita na nga ung mga pangya2ri d nio pa lam..kung mahalaga ang fren moh sau sna inisip nia muna kung ano kahi2natnan..pareho fren nia d nia pnahalagahan..boys nlang ba importante sa knya..saka kung pinagpaalam nga nia dun sa fren nia d sna d ngalit ung fren nia sa knya..

      • obviosly, Kim retokada is seeking for sympathy. Alam nama niya kasi kung ano kayang gawin ng mga alipores niya (ex. death threat kay Bea), so gusto niya si Maja ang magmukang masama. Kung mahalaga ang friendshil why she unfollowed Maja sa instagram? bakit sa presscon dinaan? pwedeng magusap muna diba?

      • I agree kaya over confident si kim and sarah to say anything they want against others cause they know handang makipag away ang mga die hard fans nila, sunod sunoran lang.

      • I dont know why kung bakt maraming humahangga kay Kim? she’s snob! ayaw ko ung ginawa niya sa pamangkin ko.

  11. bkit alam nyo ba istorya? sa nakita kong interview, from the very start alam ni maja ayaw ni kim ksama si gerald, tapos aayain nya si kim nong kasma na si gerald. mag isip isip nga kayo. kung kung kaibigan si maja, alam nyang ayaw ng Bff nya ksama yong x nya pero sinama pa din. pra san?

    • alam mo mas tmang kausapin mo ang sarili mo tutal sarili mo lng nmn makakaintindi ng mga kinocomment mo d2 hahahahhah ang bobo….

  12. All the best Kim,you cannot please everyone anyway,bagay na bagay kay Maja yun role nya s IKA as if yun talaga ugali nya?Kim let go Gerald out of your system,he is a player,americanong hilaw!Bagay sila ni Maja same feathers flock together.

  13. si sarah g na lang and kim ang mag bff, parehong bitter, prehong nakaka turn off ang ugali, akala mo sinong mga mababait may tinatago rin palang kulo

  14. i love kim masasabi mong matino talaga, kailangan ngang pagsamahin si maja n geranld …isang babaero at isang lalakero. imagine noon meron ng matteo tinutuhog pa si coco

  15. Hindi daw sumama si Kim sa Misibis dahil daw sinabi ni Maja saknaya na kasama si Gerald, so meaning alam ni kim lahat ng nangyayari from the very beginning. 

    • kadramahan ni kim. di pa rin talaga siya nakakamove on. yung Maja-gerald normal un e. i mean nangyayari talaga yun. ginagawang big deal lang

      • No! As far as i know, Nagalit si Erich kay Kim kasi Kim spiels kay Angelica na dating si Derek at Erich pero hindi naman totoo. Kaya etong Angelika inaway si Erich. kaya si Erich nagalit kay Kim. 

      • alam ko dyan inagaw ni erich yong PA ni kim, inoperah nya ng maalking sweldo pra lumipat sa kanya, yon dhilan bkit nagkaaway sila, ska hindi lng si kim ang ginanon ni erich, iba pa nilang kailbgan. tingnan nyo nga last sun sa ASAP nong production sil empress, kim, erich at jessy, si empress at kim lang nagtwanan after at si erich tumakbo na sa back stage

Leave a Reply

Your email address will not be published.