Kim Chiu at Maja Salvador fans, ayaw patalo sa isa’t isa!

NAGMISTULANG MAY pa-contest na palakasan ng sigawan at tili ang mga fans nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ginanap na celebrity premiere ng kanilang serye sa Trinoma Cinema 7, sa tuwing ipinakikita sa widescreen ang kani-kanilang iniidolo. Halos wala ka nang marinig sa lakas ng mga sigawan at tilian.

Dumagsa ang fans nina Kim at Maja na sa tingin ng mga reporter na naimbitahan ay puwedeng magbanggaan sa hinaharap dahil ayaw patalbog sa isa’t isa ang fans ng dalawa.

Kaya lang sa premiere, medyo nabitin ang mga fans nina Kim at Maja dahil ang first 5 episodes ng teleserye lang ang ipinalabas sa Trinoma. Sabi ay sa second week pa ng episode ipalalabas ang eksena nina Kim at Maja na malalaki na sila.

Ang bagong teleserye ay ididirek nina Don Cuaresma at Jojo Saguin na nagtataglay na malalim na kuwento ng pakikipaglaban sa pag-ibig at karapatan na pinagbibidahan nina Kim, Maja, Enchong Dee, Xian Lim, Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Ronaldo Valdez, Eddie Gutierrez at Ms. Pilar Pilapil.

Sa unang episode, masasaksihan ang labanan sa pagalingan ng acting sina Cherry Pie et Janice. Grabe ang patutsadahan at kumprontasyon ng dalawa.

Kaya dapat lang kapag lumabas na sina Kim at Maja ay magpakitang-gilas din sila para hindi mapag-iwanan ng husay at galing nina Janice at Cherry Pie.

 

DINEDMA NA lang ni Marian Rivera ang tsismis na kumakalat sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes at kay Isabelle Daza.

Ayon sa manager ni Marian na si Popoy, may nakuha na raw itong impormasyon kung sino ang nagpapakulo sa naturang tsismis. Kaya nagtataka lang daw siya kung bakit may ganoong tsismis at nasasangkot pa ang alaga niya.

Although itinanggi na ng kampo ni Isabelle at maging ni Dingdong ang isyu, kaya ang reaksyon na lang ni Marian ang hinihintay ng press.

Tiyak sa presscon ng bagong shows ni Marian sa GMA-7, uuriatin ng press ang actress sa nasabing isyu.

Samantalang sa isang taon ay dalawang malaking pelikula ang naka-takdang gagawin ni Marian, ‘yung Valentine movie nila ni Richard Gutierrez at ang nabinbin na pelilkulang pagsasamahan nila ni Coco Martin.

BLIND ITEM: Sino itong mother ng child star na madalas magreklamo at laging umaangal sa talent fee NA natatanggap ng  anak dahil medyo maliit.

Dahil na rin daw sa madalas magreklamo ng mother ng child star, balak ng manager ng bata na siyang nagpasikat kaya nakilala ito at kumikita na ay bitawan na lang ito pagkatapos ng kanilang kontrata.

Hindi na raw masikmura ng manager ang pakikialam at pagrereklamo ng mother ng child star samantalang hindi naman nawawalan ng project ang child star.

Umaasa lang daw kasi ang magulang ng bata sa kinikita nito kaya madalas magreklamo na gawing mataas ang talent fee ng bata?

Kawawang child star daw dahil kayod marino na nga raw ito ay ‘di pa rin kuntento ang magulang sa kinikita nito.

Hindi kaya nasusulsulan lang ang magulang ng child star ng iba kaya siguro raw ay nagrereklamo ito sa tinatanggap na talent fee daw diumano ng bata?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

14 thoughts on “Kim Chiu at Maja Salvador fans, ayaw patalo sa isa’t isa!

  1. buti magpatayan na kayo,,,hahahaha,,mga wala namang kwenta yang mga Idols ninyo, ang papanget,,,lalo na pag walang make-up,,,hahahahah lalo na si Kim,,,eh papanong naging Artista yun, parang pangkaraniwang mukha lang diyan sa Binondo,,hahahah

  2. Maja Salvador is better than Kim Chiu. Charming lang si Kim. Pero acting wise, walang wala si Kim kay Maja noh. Masyado lang ‘overrated’ si Kim. I like Maja and Kim, pero sa #InaKapatidAnak, hindi pa ako nacoconvinced sa acting niya. Eh si Maja, tum-rending nga yan sa twitter dahil sa superb acting niya. OO MAS SIKAT SI KIM. Pero ito sinasabi ko, WALANG WALA SIYA KAY MAJA sa actingan. ‘Gawad Urian’ and ‘FAP Luna’  Best Actress. ehem….

  3.  ang mga fans ni kim palagi nalang ipagmalaki fans base?ang tanong sa aktingan  may ibubuga ba? diba wala pa rin pagbabago Bano pa rin?mas magaling pa mga teens umakting kay kim chui. itong si maja no doubt magaling umarte pero walang karisma parang wala lang?ni hindi sumikat ng husto kasi naman malande at user.kim fans ingat lang kayo kay maja magaling yan mag papaikot.

  4. kung sa padamihan ng Fantard si Kim panalo pero kung pagalingan sa actingan pakakainin ng alikabok ni Maja si Kim. dalawa na kaya ang best actress ni Maja. si Kim e walang bago sa actingan nya. iisa lang ang emosyon sa mukha nya. nasira na sa kakaretoke.
    si Maja ang galing! dun lang sa One More Chance na movie, ang galing galing nya dun. kaya nyang makipagsabayan kay John LLoyd. pero si Kim hanggang mga baguhan lang sya. si Xian na jusme ang daming mukha nya sa kanto namin sa totoo lang.

  5. Super bait kasi ni Kim. Walang duda na mas marami siya fans at saka super galing din umarte. Mostly Kim is being selected to be partnered with big names. Pero I like Maja rin.

    • super galing? hahahhaha! patawa ka? nagkaroon na ba siya ng best actress award? si maja dalawa na. kung big names ang pag uusapan hello! si Maja nakipagsabayan na yan kay John Lloyd sa One More Chance at ang galing nya dun. wag na kasing lokohin ang mga sarili no? when it comes to acting hindi sya kalevel ni maja. when it comes to beauty naman, Maja is all NATURAL si Kim naman IS all RETOKE! sugod fantards!!!!

  6. pati ba fan base kailangan gawan ng issue?  isang tele serye lang naman ang ginagawa nila kaya imbes na pagbanggain ang mga fans, magtulungan nalang para sa ikaaangat ng teleserye.

    • Tama ka dyan! Si Kim di na kailangang ipagtanong dahil uper dami ng fans talaga! But Maja ? I doubt! and besides, She’s so lucky dahil sa kadididkit nya kay Kim,Napapansin sya! Nice strategy Maja! She maybe acts better than Kim,But kung charisma sa fans ang usapan,Kim wins! Ang Laki ng fan base ni kim. kaya please lang ha kung paramihan ng Fans di na kailangang itanong yan! KIM CHIU Winner!

      • korek ka jan, hindi na kailangan ipagtanong yan. si Kim ang panalo when it comes to napakaraming FANTARDS! winnur!!! hindi lang Fantards kriminalds pa! diba sasa?

    • HIndi naman din kagalingan umarte si Maja.. pare pareho lang ang arte nya sa lahat ng serye.. iisa lang din and expression ng mukha nya.. pareho sila ni Kim.. di marunong umarte.. pero sa karisma talong talo si Maja. Walang karisma si Maja dahil obvious sa mukha nya ang pagiging plastic, user at pagiging manipulative.. wala talagang magkakagusto na fans sa kanya.. except of course yong mga dating bulag na nyang fans…At hindi lalayo ang career nya.. hanggang dyan lang sya.. Yung acting awards nya.. tsamba lang yon..Hindi sya makakalevel kina Bea at Angel Locsin. .. Si kim maraming fans kasi makarisma at mabait.

Leave a Reply

Your email address will not be published.