Kim Chiu at La Salle Green Archer Simon Atkins, maghaharap sa ASAP Rocks!
- Wednesday, July 20, 2011, 1:58
- Sports Bizz
- 6,741 views
- 45 comments

ISA AKO SA excited sa pag-guest ng Ateneo at La Salle sa ASAP this coming Sunday. Bakit ‘ka n’yo? Aba’y first time nga bang magkikita sina Kim Chiu at ang player ng La Salle na si Simon Atkins? Kasi nu’ng minsang nakausap ko ang basketbolista, sa Twitter lang daw sila nakakapag-usap ng host/actress at hindi pa sila nagkikita nang personal. Ganun?
Sige na nga, naniniwala na ang Sports Bizz kay Atkins. Ano nga ba ang gagawin nina Atkins at Joshua Webb, at ng dalawang player ng Blue Eagles sa ASAP. Well, puwedeng kumanta sila, o sumayaw. Let’s wait and see kung anong ipagagawa sa kanila ng producer.
Laking pasasalamat ng ASAP sa pagpapapayag sa mga players ng dalawang sikat na team sa UAAP bagama’t on going ang tournament. Actually mahigpit ang kinauukulan ng Ateneo at La Salle, salamat kina Mr. Edwin Reyes, athletic sports director ng La Salle, gayundin kay Coach Dindo Pumaren, asst. coach Jack Santiado at sa mga players. Thanks din kay Mr. Ricky Paolo na siyang athletics director ng Ateneo, team manager Paolo Trillo, at coach Norman Black sa players ng team. Maraming salamat talaga sa inyo.
Speaking of Simon Atkins, medyo na-rattle yata si Atkins sa laro nila against Ateneo. Medyo hindi maganda ang ipinakita ng mama sa game, kaya ang resulta luz valdez ang Green Archers. Pero sabi nila, babawi sila kahit anong mangyari sa muling paghaharap nila ng Blue Eagles.
WELCOME NAMAN KAY KG Canaleta na maglalaro na sa kampo ng Barangay Ginebra. Matagal nang pangarap ni Canaleta na makapaglaro sa kanyang favorite team. Posibleng sa game ng Gin Kings ngayon ay nakasuot na ng uniporme ng Ginebra si KG. “Ang sarap ng feeling, kasi matagal ko nang gustong makapaglaro sa Ginebra at sa pagkakataong ito, God answers,” ani niya.
Pero pang ilang team na ba ito ni Canaleta? Nagsimula siya sa Air21 Express, then nalipat siya sa Purefoods, then balik siya sa Air21, at ito na ang pinakahihintay niya, ang Barangay Ginebra. Good luck!
MARAMI NAMAN ANG naghihintay kay Alvin Patrimonio kung kailan siya magko-coach ng isang team. Actually, matagal nang ini-offer ng Mapua Cardinals kay Pa-trimonio na pangunahan nito ang kanyang alma mater, ang Mapua. Subalit parang dedma lamang kay Alvin ang offer ng Mapua management.
Ayon kay Alvin, parang hindi pa time para maging head coach siya ng school, mukhang mas enjoy si Alvin as team manager ng team ng B-Meg at nag-aayos ng kontrata ng mga players nila. Pero sayang kasi, nandiyan na si Jerry Codiñera na kasabayan na head coach ng UE Warriors, Dindo Pumaren sa La Salle Green Archers, Vergel Meneses para naman sa Jose Rizal University, at Eric Altamirano sa National University. Kailan kaya si Alvin Patrimonio magiging head coach?
PANAWAGAN NAMAN SA lahat ng mga players na nais makapaglaro sa PBA D-League, ito na ang pagkakataon n’yo. Magkakaroon ng try-outs ang koponan ng PC Gilmore sa pangunguna ni coach Richard del Rosario this coming Friday sa ganap na alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Sana malalaki ang dumating at mahuhusay. Good luck sa PC Gilmore.
Any comment and suggestion, e-mail: sportsbiz16@yahoo.com
Malou Aquino
Pinoy Parazzi
mas bagay kayo ni gerald.
guys, don’t be too pathetic..we admire them but we don’t have the ryt to degrade anyone of them be it wud be kim or erich.. both are wonderful persons..
di ko nalang papatulan ang mga kim fans kasi wala rin akong mapapala sa inyo kasi hindi naman ako palaaway,yan lang po!mababait kami! !basta ang importante maraming blessing Idol namin at palagi kaming sumusoporta sa lahat , telesrye,movie,endorsment etc.magaan sa pakiramdam na maraming nagmamahal sa Idol namin at marami pang blessing dumarating,look isa si Erich na pinili na maging lading lady ni Mario Maure’rs sa Movie niya dito sa pilipinas…….Wow na kaka proud naman,yan na kasi napaka humble at magaling umarti talaga ni Erich …….
Ang daming artistang nagpapapayat ngayon…sino kaya susunod na tawaging bangkay sa kanila…sabi nga ng marami…kumiKimChiu sila…oops trendsetter pala si Kim…
basta ako I am for Kim Chiu– #7 in the The Top Twenty Endorsers of the Land at isang Class A Endorser…
sabi ni Lulu Romero of Star Magic…may “Distinct Identity” si Kim; “Unique” at ”Nag-iisa” in short walang kaparis kaya very much in demand as an Endorser…
sabi nga ng Yes Magazine…meron ng bagong barometer to measure ang shine ng isang artista: ang value at number ng kanyang ENDORSEMENTS! Keep on shining Kim! Nandito lang kaming fans mo for you!
sa mga nanglalait kay Kim…may kasabihan na the taste of the pudding is in the eating…so magkaalaman kung sino ang may hatak sa tao pag showing na rin ang My Binondo Girl…Peace.
di ko na papatulan ang mga haters ni Erich dito.
FACT: MAJORITY OF HATERS NI ERICH, FANS NI KIM!
Pangpa Good-Vibes lang…
#ErichGonzales&MarioMaurer MOVIE!