Parazzi Chikka: Kim Chiu at Gerald Anderson, inisnab ang award ni Kuya Germs?

HINDI PALA UMAKYAT sa stage sina Kim Chiu at Gerald Anderson para tanggapin ang The German Moreno Youth Achievement Awards sa ginanap na 57th FAMAS Awards Night noong Linggo ng gabi (Oct. 18) sa Pagcor Bldg., sa Parañaque City.

Sampung minuto nga raw naghintay si Kuya Germs sa stage matapos niyang tawagin ang pangalan nina Kim at Gerald bilang recipient ng naturang award. Gusto rin naman kasi niyang mabigyan ng chance ang dalawa para personal na tumanggap ng awards, na inakala lang ni Kuya Germs na nag-CR. Kasi nga naman, dumating naman talaga sina Kim at Gerald sa nasabing awards night.

Ang chika ng ating kaparazzi, pinull-out na raw sina Kim at Gerald ng kanilang road manager bago pa ibinigay ang award sa kanila. May shooting or taping pa raw dalawa. Mga 5 to 10 minutes matapos ng kanilang pull-out, tsaka naman in-announce ang pagbibigay ng award.

Wala namang nagawa si Kuya Germs kundi tumawag na lang ng representative  mula sa mga kabataang taga-ABS-CBN para tanggapin ang awards nina Kim at Gerald.

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “Parazzi Chikka: Kim Chiu at Gerald Anderson, inisnab ang award ni Kuya Germs?

Leave a Reply

Your email address will not be published.