Kim Chiu at Gerald Anderson, balik-tambalan!

KAHAPON, APRIL 16, nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Kim Chiu para sa mga bata sa Brgy. Loyola Heights sa Katipunan. Ayon kay Kim ay ilang taon na rin niyang ginagawa ang magpa-charity work sa mga bata sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan para ibahagi naman ang mga blessings na tinatanggap niya dahil sa magandang tinatakbo ng kanyang career.

Masayang ikinuwento sa amin ni Kim na bukod sa pelikulang The Healing, kung saan makakasama niya si Gov. Vilma Santos, balik-tambalan pala sila ni Gerald Anderson sa pelikulang ginagawa ng Star Magic para sa kanilang 20th anniversary. Agad naming tinanong si Kim kundi ba siya nakaramdam ng ilang sa pagtatrabaho nila muli ng ex-boyfriend, ipinaliwanag naman ng young actress na alam niyang trabaho ang lahat at magkaibigan pa rin sila hanggang sa ngayon ni Gerald, kung saan nagpahayag nga si Kim na masaya siya kung anuman ang magaganda ring nangyayari sa career at personal na buhay ng ex.

Hiningan din namin ng reaksyon sa patuloy na lumalabas na opinyon ng ibang tao na nagamit at ang laki ng naitulong niya at ng tambalan nila sa kasikatang tinatamasa sa ngayon ng kaparehang si Xian Lim, ipinagtanggol naman ni Kim na unfair na paratangang ginamit siya ng aktor dahil wala naman silang ginawa kundi magtrabaho, may talento naman ito, may hitsura at marami ang nagkakagusto rito.

Sa isyu naman na may mga KIMERALD ngayon ang nagpapadala na rin ng hate e-mails sa mga editors at writers na bukas sa saloobin nila na ayaw nila kay Xian dahil daw ginaga-mit lang siya nito, ipinaliwanag ni Kim na hindi lahat ng tao ay magugustuhan ka, parte ito ng pagiging isang artista na kaila-ngan mong tanggapin at matutuhang i-handle. Dagdag ding pinaliwanag sa amin ng aktres na nasa kanila na ring mga artista kung gusto nilang basahin ang mga sasabihin tungkol sa kanila, nasa kanila kung didibdibin at magpapaapekto sila dahil parte ito ng pagiging artista nila.

Aminadong hanggang sa ngayon ay bukas pa rin ang komunikasyon nila ni Xian, kung saan nagkaka-text-an pa rin sila, nag-uusap at lumalabas paminsan-minsan. ‘Di naman idine-deny ni Kim na naipakilala na niya ang kapareha sa pamilya nang minsang mag-dinner sila.

Tinanong namin kung bukas na ba siya sa bagong pakikipagrelasyon, ayon kay Kim ay open naman siya basta sa tamang lalaki. Mas maingat na ngayon sa lalaking susunod na mamahalin, ‘di naniniwala sa ideal guy, ang importante kay Kim bukod sa koneksyon na mararamdaman nila ay aalagaan at mamahalin siya nito.

PAGKATAPOS MAG-GUEST sa Kapamilya Deal or No Deal ni Jennylyn Mercado para sa birthday special ni Luis Manzano, mapapanood namin ang TV host/actor sa Showbiz Central para naman sa birthday special ni Jen sa nasabing show kung saan isa siya sa host. Nakakatuwang mapanood na ngayon ay bukas na sa paghihiraman ang mga artista mula sa magkakalabang mga istasyon, sana nga sa mga susunod na araw ay mas marami pang mga artista ang mapanood natin na nagge-guest sa kalaban nilang istasyon.

Tinanong din namin kung may katotohanan ang mga lu-mabas na balita na may balak na raw silang pakasal ni Jennylyn, ‘di naman tinago ni Luis sa amin na in passing ay napag-uusapan na nila ng girlfriend ang tungkol dito lalo’t bukas naman siya na maaaring ito na ang makatulu-yan niya. Pero siniguro sa amin ni Luis na hindi pa ito mangyayari sa ngayon, dahil ine-enjoy pa nila ng aktres ang relasyon nila bilang mag-boyfriend, may kani-kaniya silang career na inaasikaso at walang rason para magmadali sila.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

15 thoughts on “Kim Chiu at Gerald Anderson, balik-tambalan!

  1. bsta kimerald ako nice loveteam tisoy at tisoy solid ashrald .d bagay parang lola n n gerald c sarah hahaha 

  2. we’re very excited to hear a reunion movie 4 Kim and Gerald.. No matter what they say, we still love their loveteam’ Tnx Mr. M for this forthcoming peoject coz we love Kimmy verrry much..

  3. ASUS ASHRALD AT KIMXI NA ANG TRUE NGAUN PANG MOVIE NA LANG YANG KIMERALD LAOS!!! CGURADO FLOP NA NMAN MOVIE NILA…SANA KC DI NA SILA IBALIK NG ABS WLA NG SUPPORTERS MGA YAN NAGPAKAMATAY NA LAHAT NAGBIGTI SA SAMA NG LOOB!!!! HAHAHAHA!!!!

  4. SHOWBIZ LANG YAN….IBA ANG SA REAL LIFE….KNOWS NAMAN ATA NINYONG LAHAT KUNG SINO ANG NASA PUSO NE GERALD SA NGAYON…

  5. sorry mga kimeralds ha!!
    dati dn akong kimerald fan,but nang magstart na ang my binondo girl at ang loveteam na kimxi,nawala na ang suporta ko sa kimerald…At masaya naman c kim kay xian eh,at c kim dn ang bahala if she’s ready nang tanggapin c xian………

  6. hindi ba si marian ang nalalaos na?  hindi pa man din nananalo ng kahit anong acting award ayan at inilipat pa ang kanyang beloved sa ibang timeslot dahil talong talo sa ratings.   tsk tsk. 

  7. @shebie – YANG PUWET MONG PURO GALIS…………BWAHAHAHAHAHAHA……………SUSME NAMAN MAY MAS LAOCEAN DEEP PA BA KAY MARIANITA???????????????……………MY GILAGID! NGA NGA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! KUNG MERON MAN NA DAPAT HWAG IBALIK AY YUN ANG TAMBALANG DING DONG AT MARIANITA. MAMATAY ANG MGA FANS NI MARIANITANG PSYCHLOGY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!MAMATAYSI MARIAN RIVERA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!MAMATAY ANG KAPUSO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  8. @KRISSY – ANG ILABAS MO YANG PUWET MONG PURO GALIS…………BWAHAHAHAHAHAHA……………SUSME NAMAN PAREHONG LAOCEAN DEEP NA TAPOS BALIKAN PA???????????????……………WAG NA NEH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! KUNG MERON MAN NA DAPAT IBALIK AY YUN ANG TAMBALANG GUY AND PIP. MABUHAY ANG MGA NORANIANS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!MABUHAY SI MARIAN RIVERA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!MABUHAY ANG KAPUSO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.