Kim Chiu, afraid of Jolo Revilla’s big crush on her!

DATI, SUMOBRA SA kapayatan si Kim Chiu. Pero ngayon, marami ang nakapapansin na nagkakalaman na siya. Aminado naman ang dalaga na talagang sinisikap niyang mag-gain ng wait.

Kailangan daw kasi para sa role niya sa bagong proyektong kanyang pagbibidahan na Binondo Girl. Tungkol ito sa isang pamilyang Chinese na mahirap lang. Meron daw gagawin dito si Kim na hindi pa niya nagawa sa mga naunang teleseryeng tinampukan niya. Hindi lang daw niya puwedeng sabihin kung ano, para naman ma-curious daw ang lahat na abangan ito.

From 96 lbs., 108 lbs. na raw siya ngayon. Ang ini-aim niyang timbang ay 115 to 120 lbs. na kailangan nga para sa kanyang role sa Binondo Girl. At positibo naman siyang maa-achieve niya ito.

Mukhang exciting nga na abangan ang bagong pagbibidahang ito ni Kim kung saan tatlong naguguwapuhang young actors ang magiging leading man niya. Sina Jolo Revilla, Xian Lim, at Matteo Guidecelli.

According to Kim, mukhang magiging okey naman daw ang magiging working relationship nila ng tatlong young actors.  Si Xian daw, nakasama na niya sa My Only Hope. Friends na raw sila nito. Minsan daw ay lumalabas sila para mag-bowling kasama si Maja Salvador.

Sabi pa nga ni Kim — “Okey siyang kasama. Nakakatawa. Hindi halata sa hitsura niya na kengkoy siya.”

Si Matteo naman daw, okey rin. Kapag nagkakausap daw sila, they speak in Bisaya. Pareho kasi silang taga-Cebu. Kaya madali silang nagkapalagayang-loob.

Si Jolo ang medyo nagkakaroon na ng intriga sa ngayon kay Kim. Balita kasing crush siya nito. At may plano pa raw diumanong manligaw sa kanya ang anak nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado.

Tinatawanan lang naman ni Kim ang usap-usapang big crush nga umano siya ni Jolo. At tila hindi niya ma-imagine na popormahan siya nito.

Nasabi pa nga ng young actress — “May big crush siya sa akin? Parang nakakatakot!”

Gano’n pa man, she finds Jolo a nice guy naman daw. Forever gentleman, paglalarawan pa nga ni Kim sa young actor.

Pero sa tanong kung okey lang ba sa kanya na ligawan ng isang binatang ama (na gaya nga ni Jolo), mabilis ang kanyang naging sagot na — “Siyempre hindi.”

‘Yon na!

Ibig sabihin, malabong magustuhan niya si Jolo kung liligawan siya nito. Dahil hindi pala nga type ni Kim ang mga binatang ama.

Kung sa bagay, parang hindi nga bagay kay Kim na maging isang madrasta. Ang daming guys na may crush at gustong manligaw sa kanya kaya marami siyang mapagpipilian kung magiging boyfriend din lang naman ang pag-uusapan.

Ganyan?

MUKHANG NA-INLOVE NA nga nang husto si Heart Evangelista kay Daniel Matsunaga. Kung sa bagay, in love na in love din naman sa kanya ang Brazilian-Japanese model-turned-actor. At dahil lalong lumalalim pa ang pagmamahalan nila, marami tuloy ang humuhulang sila na nga ang magkakatuluyan.

Deadma lang nga raw itong si Heart kung medyo nag-aalala ang parents niya lalo na ang kanyang ama tungkol sa magiging situwasyon saka-ling sooner ay maisipan na ng aktres na pakasal na sila ni Daniel. Kung ang Daddy kasi niya ang tatanungin, gusto nito na masigurong ayos ang financial status at may negosyong matatag muna ang anak para may siguradong pagkukunan ng panustos sa nakasanayang komportable at maluhong pamumuhay.

Pero para kay Heart, wala raw kaso kung hindi man niya ma-maintain ang kanyang mga kapritso sakaling naging mag-asawa na sila ni Daniel. Kuwento nga ng isang close sa kanilang dalawa, sinasabi raw ng aktres na okey lang kung isang simple at ordinaryong buhay lang ang naghihintay sa kanya sa piling ng lalaking mahal niya.

Kahit sand pa raw ang kainin nila, magiging happy pa rin umano ito sa pi-ling ni Daniel.

Pero hindi naman literal na ibig sabihin ni Heart — willing siyang kumain maski buhangin basta magkasama lang sila ni Daniel. Kumbaga, basta para sa taong mahal niya, handa siya sa anumang hardships na posibleng pagdaa-nan nila.

Sure na sure na siyang kaya niya, huh!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

16 thoughts on “Kim Chiu, afraid of Jolo Revilla’s big crush on her!

  1. I really like Kim ,I’m a showbiz personality currently in USA,i would like to know if she has a real fb.I wonna communicate with her but how, matagal ko na syang crush and when Gerald and her parted ways,ang saya saya ko.I’m a lot hotter than Gerald.

  2. @olats, tama ka nga kay Kitkat, yong dibdib nya super fake talaga tingnan, sana hindi na lang ganuun ka laki ang ipinalagay nya, sana maybe one or two sizes smaller para normal tingnan. Or baka the way it shows depends on how and who the Doctor is who did them kasi I work in a clinic here sa US, we do breast exams all the time and I’ve seen lots of boob jobs sa mga pasyente namin and some of them you cannot even tell they have implants until they told the Doctor. Nakakagulat kasi very normal tingnan yong iba, baka depende lang iyon sa Doctor din at sa size din.

  3. @suekins bangag ka ba? hindi retoke si kim? nagpapatawa ka ba? kayong mga fans lang naman nya ang ayaw tanggapin na retoke sya. yung barkada nyang si kitkat kita mo yung dibdib nya? parang watermelon sa laki. buti na lang hindi ganun kalaki ang pinalagay nu kim sa dibdib nya. at isa pa hindi sya maputi dati no? morena sya, ngayon dinaig pa niya ang puti ng mga tunay na mga mestisa like Andi, Jessy at Kristine Hermosa. nagpatusok kaya yan ng gluta. wala namang masama kong aminin nya dahil part ng trabaho nya yan ang magpaganda, pero yung mag deny sya? naging LIAR ang labas nya. at dyan na tu turn off ang mg atao sa kanya. at mukha pa syang anorexic!

  4. xempre mahilig c kim sa tisoy ganda kc nia eh inside & out.mula ng mag ka hiwalay cla n gerald ang daming gus2ng manliligaw kay kim most of them basketball player, wow ang haba ng hair n kimmy talbpg idol nio paanu katawang dabiana parang aparador…

  5. @leeyana yang idol mo ang lahat retoke,kahit ilang beses nag explain c kim sa mga issue na ibinato sa kanya wlang maniwala paanu puro na lng pintas sa kanya, puro paninira.d mo ba alam ung ilong nia matalos na yan nuon pa. may pix yan c kim 15 yrs. lng xa ang ganda nia starstruck pa nga c simon atkins ng makita xa sa abs. at excuse me nde xa TH mag paka tisay.bkit naman xa TH mag paka tisay mas maganda pa xa sa mga tisay, she looks like a barbie doll n person.dnt u knw,i saw her at sm mall pati mga lalaki naka kita nia sa sm nakapag sabi na wow kim chiu s very hot beautiful & sexy see.ikaw laki kc nang iggit mo kay kim aminin mo dahl idol mo pangit at aparador ang katawan nde ba aku.so shut up ka jan…..

  6. mukang tambay at kargador si jolo…in short, mayabang na PANGET! di cya bagay sa beauty ni kim…yuck talaga pag naging cla! ewwwww to the maxxxx…

  7. @bad romance

    BOBO pa la si Ruben Marasigan eh bakit ka nagbabasa ng article nya hahaha

    You are talking rubbish. Pathetic. Kim Chiu will continue to soar high!!!

  8. hindi mahilig sa moreno yang si kim, mahilig yan sa tisoy kaya trying hard magpaka-tisay! lahat na lang retoke! pwe!

  9. indeed nag gain na talga ng “weight” si kim kita ko last sunday sa ASAP.. ang sexy nya sa kanyang day prod.. at please d bagay c jolo…simon atkins pwede:)

  10. bakit ba guwapong-guwapo sa sarili itong si jolo revilla sa sarili niya. kung hindi pa sa connections nila sa showbiz e di magiging artista yan,. kung sino sino magaganda ang pinopormahan, si kris bernal, ngayon si kim chui. siguro kung kay patani o kay pokwang puwede siguro, babaan naman sana niya ang standard niya, dahil pera lang naman ang meroon siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.