Kim Bum ng Boys Over Flowers, kinilig kay Maja Salvador – Chit Ramos

INSTANT ELECTRICITY RAW ang nangyari kina Maja Salvador at Kim Bum (gumanap bilang Yi Jeong sa Boys Over Flowers) nang mag-shoot ng RC Commercial dito sa ating bansa pagkatapos tayong bagyuhin ni Ondoy kailan lang.

Kilig-kiligan nga ang interpreter ni Kim, hindi tuloy nito naita-translate nang maayos ang mga sagot ng Korean actor sa tanong ng movie press na inimbita para sa special event na iyon noong Sabado.

Manghang-mangha rin sila sa kasikatan ni Maja at sa taglay niyang ganda siyempre. Nagtatanong tuloy kami kung kayang kabugin ni Kim sina Coco Martin at Jason Abalos (leading men ni Maja sa nalalapit ng ipalabas na teleseryeng Nagsimula sa Puso), Sam Milby at Enchong Dee na nali-link din sa dalaga lately.

Young Catherine Zeta Jones daw ang tingin ni Kim kay Maja o higit pa. Paano na lamang kung makita pa niyang sumayaw ang “Dance Princess” at matikman ang lambing nito kapag nagkaeksena sila sa shoot ng commercial?

Aba’y may edge si Kim ngayon sa mga binanggit nating mga guwapong Pinoy actor. Lagi silang magkasama ng Koreano mula nang dumating ito noong Miyerkules. Mula alas singko ng medaling-araw ‘til early morning of each day. Maging noong Sabado, ligo at konting pahinga lang ang pagitan ng kanilang pagsasama. No wonder, natuto agad sa kanya ng ilang Korean words ang ating munting alaga.

[ad#post-ad-box]

Si Coco ay kailangan pang bumuwelo para madama ni Maja ang itinatago niyang damdamin. Una namang nakilala ni Jason si Maja sa mga nakaraang nilang projects sa TV at pelikula.

Na-malikmata naman si Enchong nang magkasama sila ni Mja sa ilang shows nila sa U.S tours. Lagi raw kasing nakadikit ang binatilyo sa dalaga.

Kahit si Sam, kailangan ding makisingit sa sked ng “crush niya” para maimbita uli ito, kasama ang ilang close relatives bilang chaperons.

ILANG BESES NA ring napatunayan ang lakas ng sex appeal ni Maja sa mga “singkit (tulad ni Kim)”. Yung  mga anak-anak ng may-ari ng kumpanyang ini-endorse niya, hindi malaman ang gagawin para maging “manugang” si Maja. Mind you, ang guguwapo ng mga herederong nag-aaral pa sa ibang bansa. Iyon na nga lang, hanggang cellphone lang ang nararating nila dahil sa kabisihan ni Maja.

Totoo namang ang haba-haba ng buhok ni Maja noon at lalo na ngayon. Yang si Kim, marami pang kakaining bigas para maabot ang kinalalagyan ni Maja ngayon. When I read Kim’s resume, it definitely pales  in comparison to Maja’s major endorsements, teleseryes, movies, even her song and dance concerts sa mall shows.

Pero, masuwerte si Kim, malas naman si Jun Pyo. Akalain mo, siya sana ang nasa lugar ni Kim ngayon. Siya ang first choice para maging kapareha ni Maja sa RC commercial. Kaya lang, may iba pala siyang ini-endorse na softdrink. People behind RC had to choose the second most popular actor ng Boys Over Flowers at dito pumasok ang suwerte ni Kim.

Talks are loud that Jan Di (Jun Pyo’s leading lady in BOF) is Kim’s real life GF. We expect Kim’s interpreter to deny this. They see a lovely pair in Maja and Kim. They might as well benefit from it.

Meanwhile, let’s also give Kim the benefit of a doubt. Tingnan natin kung kakagatin nang husto ang kanilang pagsasama. Magmula kasi sa airport, tinitilian na ang bagong pareha. Ganu’n din daw ang lakas ng electricity nang i-shoot nila ang commercial na ipinalabas na sa ASAP kahapon.

Babalik nga daw ng bansa si Kim dahil hindi nito puputulin ang communication with Maja. At interesado din siyang gumawa ng project, siyempre, kasama pa rin si Maja.

SAMANTALA, GINAMIT NA ni Karylle ang family name niyang Tatlonghari sa guesting niya sa Sharon kahapon kasama sina Yeng Constantino, Anton Diva, Manilyn Reynes at Gwadings. May ibig ba itong  sabihin? May nagbiro tuloy na bakit ‘di na lang daw ginawang Karylle 3kings para bumagay sa sosi image niya like her mom, Zsa Zsa Padilla.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

14 thoughts on “Kim Bum ng Boys Over Flowers, kinilig kay Maja Salvador – Chit Ramos

  1. Sinu kaya ang nagsulat nito! si KIM SANG BUM pa daw ang sinabihan na marami pa siyang kakainin na bigas! baka siya kasama pa nya si maja!!!!!!!!!!!

  2. Sinu kaya ang nagsulat nito! si KIM SANG BUM pa daw ang sinabihan na marami pa siyang kakaini na bigas! baka siya kasama pa nya si maja!!!!!!!!!!!

  3. In other Asian countries, like Korea people call each other by their full name. So he should be called Kim Bum. If you’re super close you can call him by his first name which is Bum but they usually add something to it. The Chinese use pet names like “Xiao” for little or “A.” So if your name is Mei – you can be called Xiao Mei…

    Just don’t know how the Koreans do it.

  4. mas bagay siya kay KIM SO EUN!!
    and i agree with Cris!
    HINDI KIM ANG FIRST NAME NIYA!!
    BUM KASI! AND, ITS ACTUALLY BEOM.
    WRONG KOREAN ROMANIZATION.

  5. correction lang po!!! Hindo po KIM ang first niya. Kundi Bum. Sa Korea po, last name comes first before given/first name. Sa totoong buhay po ay “KIM SANG BUM”

  6. ang tanga ng gumawa nito!! bobo mas madaming kakainin na bigas si maja dahil si maja hanggang pilipinas lng sikat noh at wala png napapatunayan. si kim bum ASIA yan sikat super daming commercial at bida sa teleserye na running pa din hanggang ngayun sa korea. tse alamin mo muna bago mo isulat sinasabi mo

    • bilog ang mundo…baka sa 1
      kisap mata mo lng hndi mo nma2lyan
      mas sikat pa c maja sa mga sikat ngayon sa asia
      kya wag agad manghusga….give her a chance

  7. Maja has one of the beautiful faces in showbusiness. Maganda siya at fresh na fresh. Magaling pang umarte. Haba nang buhok. Go Maja.

Leave a Reply

Your email address will not be published.