Kim Chiu at Gerald Anderson, sobra-sobra ang halikan! – Chit Ramos

HINDI LAMANG BODY language ang nagre-reveal sa real score ng relasyon nina Kim Chui at Gerald Anderson, kundi ang direktang pag-amin ng binata na tapos na ang friendship stage nila ng dalaga.

“Oh, sige. Mag-M.U. na kami. Super duper duper M.U.!” Aniya. Ibig sabihin, may mutual understanding na sila. Hindi na talaga nila kailangan pang paaminin kung ano talaga ang totoo. Apat na taon na nating pinipilit ang couple tungkol sa pinupuntahan ng kanilang pag-iibigan. Talaga naman kasing may relasyon. Ang pinupunto lang naman ng mga nagtatanong ay kung gaano na kaseryoso ito. Dumating na ba sa puntong nagbabalak na silang magpakasal?

Siyempre naman hindi. HINDI PA! Unang-una, batang-bata pa nga naman sila. Pangalawa, ‘pagka’t galing sa hirap ang pamilya ni Kim, natural lamang na gusto pa niyang magtuluy-tuloy ang kanyang tagumpay. Nakaaapekto nga naman sa popularidad ng isang artista ang status ng pakikipagrelasyon. Ano na nga naman ang mangyayari? Kapag friends pa lang kayo, gusto ng mga tao na mag-ibigan kayo. Kapag naman nag-ibigan, hinihintay na mag-break kayo. Kapag nag-reconcile, gusto nang magpakasal sila.

At kapag kasal na, magpa-pamilya na. Mawawalan o mababawasan ang ningning ng pagkabituin nila.

Nakahanda na ba si Gerald, lalo na si Kim?

Siyempre, hindi. Kaya, magsaya na tayo sa pahayag ni Gerald na mag-M.U. na sila.

Ganu’n din sa nakakikiliting pag-amin ni Kim na “Sige, sumasarap na nga ang mga halik ni Gerald!” sa pelikulang Paano Na Kaya? kung ikukumpara sa halik nilang ginawa sa I’ve Fallen For You movie nila noon. Siyempre, ang sarap ng halik na iyon ay mas masarap kapag hindi sila nakaharap sa camera. Nagpapakatotoo lang silang aminin na ang mga halik na iyon ay sini-share nila kahit nasa likod na sila ng camera. Hindi na sila mga bata at may lisensiya na silang namnamin ang sarap na dulot ng pag-ibig.

Knowing Kim, hanggang doon lang ang sine-share nilang ito. Ganu’n din ang halos araw-araw na pagkikita at pagsasama nila. Sa shooting, tapings, mall shows, personal appearances at iba pang activities sa showbiz. Nagkahiwalay lang yata sila noong Pasko at Bagong Taon. For the first time ay dinalaw kasi ni Gerald ang iba pa niyang relatives sa U.S of A. Pero, pagdating naman niya (after only a week) ay sila na naman ni Kim ang laging magkasama. Sobra nga ang pagka-miss nila sa isa’t isa.

Idagdag pa natin ang mga pahayag ng director nilang si Ruel Bayani. Hay, naku, hindi ito nagpapigil na ikuwento ang nangyayari sa harap at likod ng camera.

“Sobra-sobra ang kanilang halikan,” elaborate niya. “Tatlong eksena lang itong mapapanood sa buong pelikula. Pero, in between takes, siyempre ipapaulit-ulit iyon sa kanila. Na ginagawa naman nila, with feelings, ha?!”

Inamin din ni Direk na kahit sa likod ng camera ay may mga katulad ng eksena rin ang kanyang mga bida.”Kailangan pa bang pakiligin ko kayo, eh, kilig nga pati co-stars nilang sina Melissa Ricks, Robi Domingo at maging si Rio Locsin.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

17 thoughts on “Kim Chiu at Gerald Anderson, sobra-sobra ang halikan! – Chit Ramos

  1. I’m a super duper kimerald fan, pero ok lng nman sa’kin kung ipair cla sa iba..tingin q bgay din cna Gerald at Jasmine Curtis..=)

  2. `hayy naku dame talgang insecure sa mundo kung ayw nyo nang kimerald di wag nyo na tong buksan mga pinagsasabi nyo parang wala kaung pinag aralan ……bakit kagandahan ba kau o kapogian send nyo nga picture nyo bka naman wala kaung palag ahh……KIMERALD KIMERALD KIMERALD KIMERALD KIMERALD !!!!!!!!…..

  3. wag na kasi bigyan ng cheap publicity itong dalawa. manonood pa rin ako ng paano na kaya ok? hindi ko kailangan ng PR para manuod nun kasi manuod talaga ko sa wednesday mismo! excited!

  4. Siguro itong mga ito patay na patay kay Gerald or gusto nila si Gerald for their idol. Sorry na lang guys!!!!!Hantayin nyo na lang pag wala nabuwag na ang loveteam nila or kung hiwalay na sila. Sumigaw kayo sa tuwa!!!!! ha!ha!

  5. oo halata gimik lang 2,,,bakit naiisyuhan si gerald na may dindate na iba? tutal madali mauto ang kimerald dahil gamitan in the making ang dalawang ito.

  6. OA…. WG IPILIT KE GERALD ANG D NYA TLAGA GUSTO.. JAS 4 D SAKE N LNG NG LOVETEAM NLA KYA SUMUSUNOD YN… OBVIOUS NMN NOH…

    • Npka inggitera m0 tlga,,atls kht payat c kimmy eh npka ganda pa dn,at di hamak na mas mgnda sau…hahaha3

      Wg ka kcng in0m ng in0m ng ampalaya plus,kya ang pait2 na ng dila m0…bwahaha3

      G0 g0 kimmy,super duper excited n kami sa m0vie ni0,at we will make sure na mg2ng mega b0x 0ffce hit 2,,sympre wth prayers yan…c0ngratz in advance pti na rn sa n0.1 s0ap ni0 na KTM…Ü

      • olol ka tlga,bkt ka ba nakikialam sa comment ku ha?? For sure FLOP movie yan,kayu lang mga kimeraldsucks manunuod duh ang korni ng story napaka common!ewwwwwww mga oto oto!

    • kimerald sucks? Bkt kya hnd m0 nlng saksakin sarili m0,,bwahahahaha3

      Inggit ka lng dhl npka eff0rtless ng kimerald mgpakilig npaka natural,hnd k2ld ng iba jan 0 kht ng mga id0l m0 na s0brang pilit kya nakakasuka at nakakaumay nah mga starlet m0ng id0l,tukaan ng tukaan,kumbaga natural na sa knla un,hnd kna ccgaw ng kiz dhl plg na nilang gngwa,at pg nagkikiz cla hnd ka kikiligin dhl nakakasuka clng tngnan…bwahahaha,,eh ang kimerald grbeh kht wlng kiz ung ngtitinginan lng,titigan lng ni ge c kimmy eh grbeh na ung kilig,0 ung mga ngiti nila sa isat isa eh super duper kilig 2 d b0nes,,npka wh0les0me tlga..kya nga r0le m0del eh,,db nga mdls cla nagkaka award sa anak tv seal na m0st admired actress/act0r ang kimerald,,eh ung mga starlet m0ng id0l eh hayun pur0 halikan hnd na mgndng ehempl0,,kht ngs2yaw lng halikan pdn eh ni hnd nga knlig mga audience…yakkkkkeeee. . . . . .

      G0 g0 kimerald n0.1
      Super excited na kmi sa m0vie,npka ganda tlga ng st0ry lal0 na mga lines,tp0z nakakakilig pa at ang acting nla grbeh sa galing… C0ngratz in advance… G0dbless… Ü

Leave a Reply

Your email address will not be published.