Kim at Gerald, muling magtatambal

MAGANDA ANG PASOK ng taon kay Gerald Anderson. Umpisa pa lang ng 2011 pero ang dami nang naka-line-up na magagandang projects para sa kanya tulad ng remake ng Rod Santiago’s classic na Buhawi Jack, a movie with Popstar Princess Sarah Geronimo and a guesting stint on Your Song Presents Kim.

Si Gerald ang tinagurian ngayong Action Drama Prince. Patuloy niya kasing pinatutunayan that he is a versatile actor na puwede mapa-action man o drama. Nagkuwento siya sa The Buzz when he guested on the KCX segment tungkol sa kanyang role sa Buhawi Jack na nagsimula nang ipalabas sa ABS-CBN. “Wala siyang powers pero maabilidad siya. Magaling siya sa arnis which is a Philippine sport.”

Dapat abangan ng viewers ang action stunts ni Gerald na matagal niyang pinaghandaan. He trained very hard in arnis kaya naman may mga paltos siya sa kamay. “Before ako nag-start ng taping, tapos iyong movie namin ni Sarah, everyday ako nagti-train for almost five months na,” kuwento ni Gerald.

Kumusta naman sila ng bago niyang kapareha na si Jewel Mische? “’Yung dedication niya talaga is really high. Sobra siyang excited. Siyempre ganado akong magtrabaho dahil alam kong iyong mga kasama ko ganoon din.”

Excited din si Gerald sa new movie nila ni Sarah (Geronimo). Ang role niya raw sa pelikula ay iba sa mga ginagawa niya sa telebisyon. What does he expect working with Sarah? “Sobra akong excited. Hindi ko alam what to expect. Siyempre si Sarah naman iyon. It’s my first time to work with her at sa movie pa. May kaba. It’s a big break actually for me.”

He has two new leading ladies pero hindi naman dapat malungkot ang mga Kimeralds dahil magkakaroon naman sila ng reunion ni Kim on the small screen. He guested on Your Song Presents Kim na malapit nang ipalabas. This allayed the fans’ fear na hindi na sila magtatambal sa telebisyon o pelikula. “Like I said, imposible talagang mangyari iyon. It’s just a break siguro. Ito iyong opportunity namin to expand and grow so imposible na hindi kami magkakasama ulit.”

Tinanong ni KC Concepcion si Gerald how he would describe himself right now. “Happy, inspired by work and excited,” ang sagot niya.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

10 thoughts on “Kim at Gerald, muling magtatambal

  1. sana ibang namang loveteam..bakit d kaya ibalik si echo at si kristine:)
    hindi kasi nkakasawang panourin movie nila..:)

  2. SINO KAYA yung Gay Benefactor ni Gerald Anderson, tsinismis kasi ni Cristy Fermin kanina sa JUICY?

  3. if true nagng lilipat si NADINESAMONTE sa abscbn,,bagay sila ni GERALD din,,,si KIM if treu din ang isyu na lilipat si JC DEVERA sa dos,,bagay sila din,,o kaya kim at JOSEPH BITANGCOL naman,,iba iba dapat,,,bet ko din ipareha kay ge si ANGELENE AGUILAR,,o PIA ROMERO,,bagay diba,,

  4. next,,BEA ALONSO-JON AVILA

    BEA ALONSO-RAFAEL ROSEL
    JESY MENDIOLA-IVAN DORSCHER,,

    KRISTIN HERMOSA-EDWARD MENDEZ,..

    just work lang naman,at least iba iba ang pares diba,,,kaya nga sabi ko,,just ork decently at proffesionaly,,naman,,

  5. eww,,grrr,,yuck!!wala na bang iba,,sa dami ng stars now,,bakit laging sila,,kakasawa na,,,moving on na po,,,,let them work sa iba,,,let them be work wid others,,,,para may growth naman,,inaayawan na sila ng tao,,,mga higschool na utak biya ang mga fans nila kase,,wahahha,,,gaya nila na immatured,,,wahhaahh,..ulit ulit nalang,,kakasawa na ito,,,diba,,,i guess,,KIM CHUI is wid MATEO GUDECELI soon sa BINONDO GIRL wid ROXANE GUINOO AT COGIE DOMINGO,,si ge,,ito ngang BUHAWI JACK,,at yung movie nila ni SARA GERONIMO,,soon,na sana naman,,chalenging roles na hindi pasweet lovestorys na hango sa kanta ang titulo,,ewww,,,ganyan ang starcinema,.,e/very mababaw na movie,at common,,yuck,,

  6. Pingback: Tweets that mention Kim at Gerald, muling magtatambal | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.