Kilos-protesta vs Napoles sa Senado

SINABAYAN NG kilos-protesta ng mga militante sa labas ng Senado ang pagharap ni Janet Lim- Napoles sa pagdinig sa session hall.

Bago pa dumating ang tinaguriang reyna ng pork barrel fund scam mula sa piitan nito sa Fort Sto. Domingo sa Laguna, nakabantay na ang mga kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Bayan sa gate ng Senado.

Nang dumating ang isang convoy dakong alas-9:30 kahapon ng umaga, tinangka itong kuyugin ng mga militante pero nabigo ang mga ito dahil sa dami ng mga pulis na nakabantay.

Alas-10:00, umarangkada na ang pagdinig sa sesyon hall at nagkita sina Napoles at mga whistleblower.

Katabi pa ng ng kontrobersyal na negosyante si Justice Secretary Leila de Lima na nagsulong ng plunder case sa Ombudsman.

Agaw-eksena naman si Mae Paner aka Juana Change na naka-wheelchair, nakasuot ng vest na may “Napulis” at may hawak na pera. May barrel pa ito sa ulo na may nakasulat na “Pork Barrel Queen”.

Samantala, maraming bitbit na placard ang ibang militante na humihiling sa tuluyang pagbuwag sa pork barrel.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.