Kilos-Protesta sa SONA, Pinaghahandaan na

IDINAOS KAHAPON sa Quirino Grandstand ang taunang National Capital Region Police Office (NCRPO) Civil Disturbance Management (CDM) Competition.

Sinabi ni NCRPO Director Leonardo Espina, layon nito na matukoy ang kaalaman ng CDM units sa umiiral na police operational procedures sa pagharap sa mga rally tulad ng inaasahang malawakang kilos-protesta kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno  ‘Noynoy’ Aquino III sa muling pagbubukas ng Kongreso sa Hulyo 22.

Ayon pa kay Espina, layunin din nito na palakasin ang lebel ng kahandaan ng mga awtoridad at i-paalam sa mga ito ang tamang paraan sa pagharap sa mga raliyista at pagpapatupad ng batas alinsunod na rin sa kanilang Bill of Rights.

Samantala, kalahok sa nasabing kumpetisyon ang lahat ng district public safety battalion mula sa limang police districts kabilang ang Regional Public Safety Battalion ng NCRPO.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Comments are closed.