Kilos-Protesta ng PISTON, Kasado na

KASADO NA ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang isang malawakang kilos-protesta ngayong araw.

Sinabi ni Piston President Goerge San Mateo na ang kanilang pagkilos ay tatampukan ng protest caravan na lalahukan ng mga driver at operators ng jeep at  UV Express dala ang kanilang mga pampasaherong sasakyan bago sila tutungo sa tanggapan ng DOTC sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City para magsagawa ng protesta doon at saka tutungo sa tanggapan ng Big Three Oil Companies.

Aniya, alas-8 hanggang alas-9 ng umaga ngayong araw ng Lunes ay magtitipun-tipon muna sila sa harap ng gusali ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City Elliptical Circle.

Ayon kay San Mateo, sa nasabing araw ay kasabay nilang magsasagawa ng kilos-protesta  ang mga member chapter at kaalyado ng PISTON sa Baguio City, Laguna, Albay, Bacolod City, Iloilo City at Cagayan De Oro City at iba pang probinsiya sa bansa.

Binigyang-diin nito na layon ng kanilang protesta na kalampagin ang adminis¬trasyong Aquino, gayundin ang tanggapan ng malala-king kumpanya ng langis kaugnay sa tatlong taong pahirap na nararanasan ng mga driver dahil sa overpricing ng oil products, profiteering at price-manipulation na ginagawa  umano ng Big Three Oil Companies at ng gobyerno partikular ng Department of Energy.

Kinondena rin ang aniya’y palagiang pagtaas ng halaga ng petroleum products at kapag nagbaba naman ng halaga nito ay aabutin lamang ng 30 sentimos hanggang 50 sentimos na malaki pa rin ang kita ng mga kumpanya ng langis.

Samantala, hindi na raw umano makatuwiran ang ganitong gawain ng mga kumpanya ng langis dahil si-lang maliliit sa hanay ng manggagawa ang higit na naaapektuhan ng mga pasakit  at hindi ito nararamdaman ng mga mayayaman sa lipunan gaya ng mga mambabatas at mga nakaupo sa pamahalaan kaya walang ginagawa sa kani-lang mga hinaing.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.