KILO-KILONG DAMO, NASABAT SA BACOLOD

NAKAKUMPISKA ANG BACOLOD City Police Office Anti-Illegal Drugs Special Operations Group (CAIDSTOG) ng apat na bloke ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana na tumitimbang ng 12 kilo na may halaga na P300,000 sa South Ceres Terminal.

Ayon kay CAIDSTOG team leader, Senior Insp. Joemarie Occeño, na isang concerned citizen ang nagbigay ng tip sa kanila na may “package” na nakatakdang ideliber sa isang alyas “Gamay” ng Barangay 36, mula sa isang alyas “Butch”.

Sinabi pa ni Occeño,na hindi dumating si “Gamay” sa terminal ng bus at iniwan na lamang ang nasabing kontrabando nang mapansin ang mga pulis sa paligid, na batay sa impormasyon ang nasabing Marijuana ay galing sa Baguio City.

Sa pahayag ni BCPO officer-in-charge Senior Supt. Ricardo de la Paz, ipinadala ang Marijuana mula Baguio na ipinadaan sa Port of Batangas at dinala sa Katiklan sa Aklan, patungong Iloilo City bago dinala sa Bacolod.

Ang pagkakamupiska sa nasabing kontrabando ay nagpapatunay na seryoso ang kampanya ng pulisya upang mabawasan ang supply ng iligal na droga sa Bacolod City.

(SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.