Killer ni Mayor Abad, Nalambat

MAKARAAN ANG halos apat na buwan, arestado na ang itinuturong gunman ni Caranglan,Nueva Ecija Mayor Restituto Abad sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jonathan Carpio, 31, na natagpuan sa safehouse nito sa panulukan ng Florentino at Nitang Sts. noong Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa Intelligence Group ng Philippine National Police (PNP), matagal nilang isinailalim sa surveillance si Carpio at nang matiyak na ito ang gunman ni Abad ay humiling na sila sa korte na mabigyan ng Warrant of Arrest.

Ang pagkakaaresto kay Carpio ay alinsunod sa sa direktiba ni PNP Chief, Dir. Gen. Nicanor Bartolome na magsagawa ng manhunt operation laban dito na ngayo’y nahaharap sa kasong Murder at Frustrated Murder.

Si Carpio ay nadakip na may bitbit pang kalibre .45 baril at mga larawan ng mga taong sunod nitong papatayin kasama na ang mga impormasyon kung saan nakatira ang mga ito.

Matatandang noong February 4 ay pinagbabaril si Abad habang sakay ng kanyang sasakayan sa Barangay Saranay, Guimba, Nueva Ecija.

Na-confine ang alkalde sa St. Luke’s Hospital ngunit makalipas ang limang araw, binawian ito ng buhay habang sugatan din sa pamamaril ang driver at bodyguard nitong si Pfc. Satty Duclayan. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.