Killer ng Mandaluyong ‘Little Mayor’ Tukoy Na

NAGSASAGAWA NA NANG manhunt operation ang pulisya para madakip ang killer ng political adviser ni Mandaluyong mayor Benhur Abalos na si Jun Torres matapos na matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan nito.

Sinabi ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt Francisco Manalo, nakilala ang suspek dahil na rin sa impormasyon ng ibinigay sa kanila ng dalawang testigo sa krimen.

Kaugnay nito ay nagsasawa ngayon ng ‘manhunt operation’ ang “Task Force Torres” na binubuo ng apat na ‘crack team’ para sa agarang ikadarakip ng salarin.

Tumanggi naman si Manalo na ibigay ang pagkakakilanlan ng suspek at ang detalye ng isinasagawang ‘follow-up operation’  upang hindi ‘masunog’ ang kanilang mga lakad.

Naniniwala si Manalo na hindi magtatagal ay madarakip nila ang gunman sa “little mayor” ng Mandaluyong na si Torres.

Ayon naman kay Mayor Abalos, hanggang ngayon ay wala pa siyang nahahanap na kapalit si Torres bilang kanyang political adviser.

Magugunitang si Torres  ay malapitang binaril ng dalawang beses sa ulo ng isa sa dalawang suspek na naka-motorsiklo habang sakay ng kanyang Toyota Fortuner sa Barangka Drive, Barangka Village, Mandaluyong City  noong Pebrero 4 ng gabi.

Naisugod pa ang biktima sa Mandaluyong City General Hospital ngunit inilipat din sa University of  Sto. Tomas Hospital sa Maynila, pero nalagutan din ng hininga.

Una na rin nagpahayag ng paniniwala si Mayor Abalos na posibleng motibong political ang naganap na pagpatay sa kanyang matalik na kaibigan, kababata at kumpare kaya nag-alok ito ng isang milyong pabuya para sa ikadarakip ng salarin.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.