Kilalanin si Djanin Cruz!

Isa sa mga baguhang nakasali sa cast ng Grazilda ay si Djanin Cruz. Siya ang gumanap sa papel na Anatalia, ang isa sa mga wicked stepsisters na nagpapahirap kay Cinderella (Gwen Zamora). Lumalabas na rin siya noon sa iba’t ibang TV shows ng Siyete, pero ito ang kauna-unahang pagkakataong nabigyan siya ng isang regular show. Sino nga ba si Djanin Cruz?

Si Djanin Cruz ang bunsong anak nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti. Kapatid niya ang dating childstar na si TJ Cruz at ang ex-PBB housemate turned Kapuso na si Bodie Cruz. Sa totoo lang, hindi na bago sa showbiz limelight ang dalaga. Una itong nakilala ng mga tao noong ongoing pa ang Pinoy Big Brother Season II. Siya kasi ang pinaka-visible sa pagpapakita ng suporta sa kanyang Kuya Bodie.

Palagi mang naiispatan sa mga showbiz events, hindi pumasok sa showbiz ang dalaga. Mas pinili niyang tapusin ang kanyang pag-aaral. Grumaduweyt siya sa La Salle sa kursong Business Management. Ilang beses na rin siyang kinumbinseng pumasok sa showbiz noon pero ngayon lang nagdesisyon si Djanin na tuluyan na itong pasukin.

Lumabas ito bilang kaibigan ni Carla Abellana sa The Last Prince. Lumabas rin siya sa Diva at Party Pilipinas. Ang pagganap bilang Anatalia ang masasabing biggest break niya sa Kapuso network. Kasama rin niya sa Grazilda si Bodie Cruz, pero hindi sila nagkaka-eksena.

Mara-mi ang nagsasa-bing malaki ang potensiyal ni Djanin na tumagal sa showbiz dahil sa kanyang looks. Puwede siya sa bida o kontrabida roles. Tumagal naman kaya sa showbiz ang dalaga ni Pip? ‘Yan ang kailangan nating subaybayan!

Visit http://www.pinoyfansclub.com or email us at pinoyfansclub@gmail.com.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

11 thoughts on “Kilalanin si Djanin Cruz!

  1. I think she is pretty, baka pag mag diet sya, mas maganda sya tingnan. I met Pip and his wife Lyn when I used to live in Phoenix, Arizona. They were with Pinky de Leon then at a Filipino Store/Restaurant at Bell Road in Phoenix and I happened to go there to buy pancit noddle and nandoon sila. After meeting Pip there, i instantly like him na kasi very down to earth sya, mabait sa mga pilipino doon na nagpa autograph at nagpapicture. Very patient sya at very smiling all the time pa at nung nagsi uwian na ang ibang pinoy, nakipag bonding pa rin si Pip sa ibang mga lalaking pilipino doon sa labas ng Store/Restaurant na parang magkabarkada lang silang lahat. At ang asawa nyang si Lynn, very simple, walang make up at very down to earth din at, she knew where to place herself when Pip was approached with lots of fans. Lynn was just sitting in the corner smiling. I did not even know she was Pip’s wife until someone told me. She was very patient. At si Pinky de Leon, wala ring make up at ang puti nya at kinis ng mukha. Parang mabait din.

  2. nakuha niya ang baba ni Pip. May hawig nga siya kay Angel Anghit, Lately ganyan na rin ang katawan ni Tomboy na Angel

  3. katipo nya ng katawan sina iza calzado (medyo hawig din sila ng face), angelica panganiban at andi eigenmann…..tabain at malapad ang katawan so dapat mag-diet and exercise! look at iza, angelica and andi now pumayat na rin nman sila at sexy na rin kahit paano…..if all else fails, lipo and photoshop (ask angelica:)) to the rescue na lang:) I’m sure pag pumayat at sumeksi sya magkakaron na sya ng star quality and can give all the other youngstars a run for their money na ksi maganda nman ang face nya, in fairness ha.

  4. Sobra kayo kung makapamintas, ikumpara naman sa mga pagmumukha niyo abay isanlibong kiliometro sigurado ang distansiya niyo! Utak alimango talaga kayo!

  5. OO NGA AT ARTISTA ANG TATAY PERO HINDI IBIG SABIHIN PATI MGA ANAK ARTISTAHIN DIN. SORRY PERO WALANG STAR FACTOR ANG MGA ANAK NI TIRSO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.