Kilalang personality, deadma na sa kanyang anak?!

TRUE KAYANG DEADMA na ang isang kilalang personality sa kanyang anak?
One time, nag-abroad ang personality. Siyempre, tuwang-tuwa naman ang kanyang dating dyowa dahil ang akala niya ay bibisitahin sila nito. Pero hindi ito ang nangyari. Ni tawag ay hindi raw tumawag ang celebrity kaya naman nagpasya na
lamang daw ang ina na putulin ang lahat ng uri ng komunikasyon dito.
One time naman daw, nagpabili ang anak ng personality ng isang mamahaling laruan na kayang-kaya namang bilihin ng celebrity. Nabalitaan kasi ng anak na darating ang ama sa kanyang bansang sinilangan.
Alam n’yo ba ang ginawa ng magaling na celebrity? Ayun, tinawagan ang kanyang dating karelasyon na ina ng bata at sinabing ibili na lamang niya ng laruan ang kanilang anak at babayaran na lang niya ito. sabihin na lamang daw na pinadala ito ng kanyang anak.
Heto na ang siste. Nang sinisingil na ang personality ay deadma na ito at hindi na sinasagot ang tawag ng ina ng bata. Nagkuripot siya!
True ba ini?

(By Alex Brosas)

loading...

8 thoughts on “Kilalang personality, deadma na sa kanyang anak?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.