Kilalang male singer, ‘di tinatao ang mga show sa isang bar!

KILALA N’YO BA kung sino itong kilalang male singer na nagso-show diyan sa isang bar lang sa may area ng Quezon City?

Nalolokah nga kasi ang lahat kapag nalalaman nilang ang nanonood lang ay hindi pa yata aabot sa sampung katao. Kalokah! Dahil nga masasabi naman siyang sikat at nakilala sa kanyang estilo ng pagkanta, pero mukhang hindi yata maganda ‘yung madalas na magkaroon siya ng gig ay sobrang flop.

Nakakaawa naman ang mga producer o may-ari ng bar kung madalas nga siyang mag-show, pero hindi naman kumikita. Lugi palagi ang kanyang show.

Naku, kapag hindi naayos ng singer ang kanyang mga show ay sigurado kaming hindi na magtatagal ang career at masasabing siya nga ay isang laos.

Sayang, mahusay pa naman siyang singer at talagang masasabing talented. Pero anong silbi ng mahusay ka ngang singer kung wala ka namang audience? Kalokah nga!

Gusto n’yo ba ng initial? Naku, kapag pinagsama ang initial ng name at surname niya ay magiging pangalan ng isang lalaki. ‘Yun na!

(By Fernan de Guzman)

loading...

14 thoughts on “Kilalang male singer, ‘di tinatao ang mga show sa isang bar!

  1. panong c JR? ang clue ipagsama ang imitian ng name at surname. eh walang surname c JR. heheh mAGBASA MUNA KASA NG MAAYOS.

  2. si JR yan….kasi diba lalaki daw……si Jed Madela di na nag so show sa mga bars…..kasi sosi na si ateh…di na sya pang bar…..

  3. biknay tama ka kailangan pa ni jed madela ng 100 years kasi si nora 100 years old na din eh panahon pa ni magellan kumakanta na si nora aunor

  4. Hooooooy! WAG nyo akong ikumpara kay NORA AUNOR!! iyan ang litanya nya sa Canada. kasi nag paistar at sinabihan siya ng produ na ano ka si NORA???? hoy bakla talagang NEVER kang macocompare kay nora!!! kailangang mabuhay ka ng 1000 years para mahabol mo achievements nya!!!

  5. BAKIT NAKAKA PASOK ANG “CLASSIFIED ADDS” DITO? AKALA KO BA ANSWERS AND OPINIONS ON BLIND ITEMS ANDITO SA CORNER NA TO E BAKIT MAY MGA ” EARN AN EXTRA CHUBA CHUBA DITO?? NAKAKAWALANG GANA TULOY MAG COMMENT!!!!

  6. si baklang Jed Madela to fo sure. clue: pag pinagsama ang intial ng first name at last name nagging name ng isang lalaki. =JM for jed madel korak!

  7. Pingback: Kilalang male singer, ‘di tinatao ang mga show sa isang bar! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.