Kilalang Kriminal, Nagpapanggap na Pulis

KASALUKUYANG DUMISTANSIYA ang Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) sa isyung isang PNP ID ang ginamit ng kilalang kriminal sa Camarines Sur na si Juanito “Totoy” Ona upang patuloy na makalaya.

Ayon kay C/Insp. Honesto Garon, tagapagsalita ng CNPPO, ayaw pa nilang magkomento sa naturang isyu lalo pa’t wala pa silang hawak na impormasyon hinggil dito.

Nabatid na isang PNP ID na pag-aari ng isang SPO4 Juan Benitez Castillo ang ginagamit ng suspek para malayang makapagtransaksyon sa natu-rang lalawigan.

Nakapangalan umano sa nabanggit na opisyal ang ID su-balit mukha ni Ona ang makikita.

Samantala, sinam-pahan na ng kasong illegal possession of firearms ang naturang suspek sa Provincial Prosecutors Office. Ito’y matapos mahulihan ng kalibre 45 na baril at 9mm pistola habang nagsusugal sa Barangay Bagasbas, Daet.                                                                                                                                     Aminado naman ang opisyal na nahirapan sila sa pagtukoy sa suspek lalo’t hindi ito gaanong kilala sa kanilang lugar at mas ginagawa ang operasyon sa lungsod ng Naga. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.