Kilalang aktres, nang-agaw ng asawa?!

BLIND ITEM: ISA sa mga pinakamalaking pasabog na dapat n’yong abangan sa Startalk TX ngayong Sabado ay ang tungkol sa isang aktres na pinaparatangang nang-agaw ng asawa, leaving the wife and the children distraught.

Sa pamamagitan ng phone patch interview, nagpakilalang Crix ang babaeng inagawan ng asawa, taga-Bacolod, dalawa ang anak (ngunit isa roon ay namatay due to premature birth) sa mister na nagngangalang Charles. Ayon kay Crix, nagsimula ang kuwento noong February 2010, nag-taping ang aktres para sa QTV show ni Drew Arellano na Balik-Bayan sa Bacolod. Nagsilbing taga-drive daw ng aktres si Charles, may-ari ng rent-a-car business.

Buwan ng Abril noong bumalik ng Bacolod ang aktres, kung saan doon idinaos ang kanilang family reunion. Muli silang nagkita ni Charles, at tila sa pagkakataong ‘yon na unti-unting may namumuo na sa kanilang dalawa. Inimbitahan pa nga raw ng aktres si Crix over lunch upang personal itong makilala. Laking tuwa naman daw ni Crix sa pagpapakita ng kabaitan ng aktres, pero wala siyang kamalay-malay na nais lang palang kilatisin ng aktres kung ano ang hitsura ng kanyang ‘karibal’.

Du’n na raw nagsimula ang panlalamig ni Charles sa asawa, na noong una’y todo-tanggi pa raw kung meron itong ibang babaeng kinahuhumalingan. Tiyempong may nabasa raw si Crix sa palitan ng text messages ni Charles at ng aktres. “Babe” ang kanilang term of endearment. Nang masukol, nangako naman daw si Charles na puputulin na raw niya ang pakikipag-ugnayan sa aktres na diborsiyada na sa kanyang napangasawa (a non-showbiz guy from the military service in the US).

But Charles didn’t fulfill his promise. Nag-impake siya ng kanyang mga gamit at nilayasan ang kanyang mag-iina noong May 12. Ayon sa balitang nakarating kay Crix, naninirahan daw si Charles sa Ortigas, malapit sa tahanan ng aktres. Sumige pa rin si Charles sa kanyang desisyong iwanan ang kanyang pamilya sa kabila ng banta ni Crix na kung gagawin niya ito’y ituturing niya itong patay.

Bagama’t hindi papangalanan ng inyong lingkod ang aktres sa kuwentong ito, the following clues will provide the answer to her identity. Sinikap din ng Startalk TX na hingan ng panig ang aktres na ngayo’y bahagi ng isang teledrama.

Mula sa angkan ng mga artista ang aktres, mula sa kanyang mga magulang, mga tiyuhin at mga pinsan. Para lalo n’yong mahulaan, I’ll zero in on her equally popular cousins, all bearing the same last name. Cousin # 1 is married to an actor na tumakbo sa kanyang lalawigan somewhere in the Visayas pero hindi pinalad. Cousin # 2 is happily married to a doctor from the South. Cousin # 3 is a place in Switzerland.

LALO PANG PINATINDI ng TV5 ang primetime block nito mula ala-sais hanggang alas-siyete ng gabi dahil nagsimula na nga nitong Lunes ang tatlong bagong Koreanovelas na swak sa panlasa ng romantikong Pinoy.

Mabilis na kinagiliwan ang mga panooring ito tulad ng Hero, Easy Fortune at Happy Life, idagdag pa ang replay ng My Wife is a Superwoman. Likas na yata talaga sa atin ang marahuyo sa mga banyagang telenovela, serving as a breather from life’s adversities… life’s adversities daw, o!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

15 thoughts on “Kilalang aktres, nang-agaw ng asawa?!

  1. kung makapagsalita kayo kay sheryl cruz ganun nalang eh yung kris na saksakan ng landi, DALAWA PANG MAY ASAWA ANG PINATULAN, wala kayong masabi. pinagtatanggol pa ninyo. MGA IPOKRITA.

  2. Blind item is given- Si Sheryl Cruz na anak ni Rosemarie Sonora na kapatid ni Susan Roces. Bakit hindi i-blind item ang pinsan nila na si Grace na adopted daughter ni Susan Roces at kahawig na kahawig ni Rosemarie Sonora at Sheryl Cruz?

  3. Kadiri ka, Sheryl Cruz!!!

    Bugbugin ka din sana niyang naagaw mong lalaking me asawa. Di ka na lang humanap ng binata!!! Pweee ka.

  4. OMG!!! Tama nga ang hula ko sa mga hula ng nag-comment! Kaloka!!! Hahaha…

    1) Cesar Montano, natalo sa eleksyon. Husband ni SUNSHINE CRUZ.

    2) Yong Larrazabal, Opthalmologist husband ni DONNA CRUZ.

    3) Geneva, a beautiful city in Switzerland. GENEVA CRUZ.

    Sheryl Cruz ang agawera?!!!

  5. Sheryl Cruz. Sonora clan is from Bacolod. The unfortunate politician’s wife is Sunshine Cruz, the dentist’s wife is Donna, how about Geneva? Is KC Montero from Switzerland? I thought he’s as american.

  6. cousin no. 1 : sunshine cruz asawa ni cesar montano na natalo

    cousin no. 2: i forgot her name pera larazabal yata ang name ng doctor

    cousin no. 3: geneva cruz

    BI : sheryl cruz na may asawa dating police

Leave a Reply

Your email address will not be published.