Kilalang aktres, ‘di pinansin ng mga tao sa mall show!

BLIND ITEM: Nakakatawang nakakalungkot ang sinapit ng isang kilalang aktres nang minsang magkaroon siya ng mall show.

Mismong ang aktres na rin ang nanlumo sa naging reaksiyon ng mga tao roon, “Bakit hindi nila ako kilala?”

Bagama’t wala sa lebel ng superstar ang istado ng aktres ay malayung-malayo naman siya sa pagiging starlet. Dekada nobenta noong sumikat siya sa bakuran ng isang kilalang film company na aktibo pa rin ngayon sa paggawa ng mga pelikula.

Dahil sa kanyang mall experience, hindi tuloy naiwasang isipin ng aktres na bibihira kasi siyang mapanood sa istasyong nilipatan niya, hence limot na rin siya ng publiko.

Da who ang aktres na ito na meron ding kapatid na nasa showbiz? Isyogo na lang natin siya sa neymsung na Angeli del Barrio.

By Ronnie Carrasco

loading...

8 thoughts on “Kilalang aktres, ‘di pinansin ng mga tao sa mall show!

Leave a Reply

Your email address will not be published.