Kilalang aktor, ginawang basurahan ang kamay ng isang tv crew!

NAKAKALOKA NAMAN ITONG kilalang aktor na dumalo sa nakaraang Star Awards For Movies, kung saan ginawa nitong basurahan ang palad ng TV crew na si Ace Hernandez ng The Buzz.

Gulat na gulat si Ace sa ginawa ni aktor nang kausapin niya ito sa isang sulok ng Resorts World.

“Siyempre hindi ko alam ang magiging reaction ko. Kaya nu’ng kinuha niya ang kamay ko at ilagay niya du’n ‘yung chewing gum, naloka na lang ako, pero deadma,” sabi ni Ace sa Pinoy Paparazzi. Hindi nga raw niya alam kung mababastusan, matutuwa o magagalit siya kay aktor.

Si aktor na medyo naging magaspang ang ugali noong gabing iyon, kung saan ang nginunguyang bubble gum ay inilagay sa palad ng taong nag-iinterview sa kanya ay may initial na W. ‘Yun na.

Kung hindi pa ninyo kilala, itanong n’yo na lang kay Ace ng The Buzz! Tsuk!

(By Morly Alinio)

loading...

4 thoughts on “Kilalang aktor, ginawang basurahan ang kamay ng isang tv crew!

Leave a Reply

Your email address will not be published.