Kilala Mo Na Ba Si Junior?

GT5sNAKITA MO na ba ang Junior na para sa ‘yo?

Kung hindi pa, ipakikilala namin sa ‘yo ang Junior na talaga namang swak for every Juan: Ang DTC GT5S, o mas kilala sa tawag na DTC Junior.

Ang DTC Junior ay ang pinakabagong smartphone na handog ng DTC Mobile na kilala ngayon bilang isa sa mga nangunguna pagdating sa paggawa ng mura at de-kaledad na gadgets. Nagsimula ang kompanya sa paggawa ng classic bar phones at TV phones noong 2011, at ngayon ay mayroon na rin silang phablets at Android smartphones. Inaasahang sa taong ito ay maglalabas na rin sila ng kanilang kauna-unahang tablet.

Ayon sa DTC, ang Junior ay para sa techie na Pinoy na wais sa budget. Sa halagang P1,998, talaga naman sulit nga para kay Juan itong si Junior. Hindi ka mahuhuli pagdating sa features nito.

Una, mayroon siyang WiFi para makapag-Internet, Facebook, at Skype ka ‘pag may time. Adik ka ba sa Candy Crush? Kayang-kaya rin ‘yan ng 1GHz single core processor at 256 MB na internal memory ni Junior.  Hindi ka naman kukulangin sa 3.5-inch na screen na ubod ng linaw at responsive. At kung may iba ka pang gustong apps, eh napakadali lang mag-download sa Google Playstore gamit ang Android 2.3 Gingerbread OS nito.

Para sa walang kahirap-hirap na bidyo at selfie, mayroong 1.3 megapixel na camera sa harap (karaniwan ay 0.3mp lang ang sa iba), at mas malinaw na 2 megapixel camera naman sa likod. Kahit hanggang 32 GB na selfies ay kayang-kaya ng DTC Junior sa micro SD card.

Kung music naman ang hanap mo, mayroong standard FM radio at MP3 support. Dual SIM na, may libreng screen protector pa! At dahil gawa ito ng DTC, sigurado ka sa tibay nito.

Sa DTC Junior, hindi ka na hahanap pa ng ibang Junior. Kung sulit na smartphone ang hanap mo, takbo na ngayon sa pinakamalapit na DTC kiosk o retailer sa lugar ninyo!

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa DTC at kanilang mga produkto at serbisyo, magtungo lang sa kanilang website sa http://www.dtcmobile.com.ph/.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.