Kilabot na Holdaper, Swak sa Selda

SWAK SA selda ang isa sa dalawang kilabot ng holdaper na pawang responsable sa mga serye ng snatching at panghoholdap sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area makaraang makapambiktima ang mga ito ng isang estudyante sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang naarestong suspek ay nakilalang si Eleazar Umbas, 31, anak ni Tonsuya Barangay Chairman Paul Umbas, ng # 79 Letre Road, Tonsuya, Malabon habang pinaghahanap naman ang kasama nito na isang alyas “Christian”.

Base sa ulat ni SPO2 Eduardo Ronquillo, isa sa mga pulis na nakaaresto sa suspek, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang holdap sa kahabaan ng Letre Road.

Nabatid na kasalukyang nag-aabang ang biktimang si Angel Santos, 17, ng # 1196 V. Cruz St., Tangos, Navotas ng masasakyan dyip nang lapitan ito ng mga suspek na armado ng baril at patalim sabay ng pagdedeklara ng holdap.

Sapilitang kinuha ng dalawang holdaper ang COBI cellphone na nagkakahalaga ng P5,000 at hindi nabatid na halaga ng pera at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Kaagad namang nagsadya ang biktima sa tanggapan ng Station Investigation and Detecttive Management Branch (SIDMB) ng Caloocan City Police at nagharap ng  reklamo.

Mabilis namang nagresponde si SPO2 Ronquillo at ilang kasamahan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Umbas habang ang kasama nitong holdaper ay nagawang makatakas.

Nakuha kay Umbas ang isang kutsilyo at cellphone habang ang hindi nabatid na halaga ng pera ng biktima ay hindi na naibalik.0

Napag-alamang hindi mahuli-huli ang nasabing suspek na malakas ang impluwensiya dahil ang kanyang ama ay isang sikat na barangay chairman sa kanilang lugar.

(ROMAN MAGPOC) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.