Kilabot na Holdaper-Isnatser, Timbog

BIGONG MATANGAY ng isang isnatser-holdaper ang mga nakulimbat nito sa isang pampasaherong bus na kanyang hinoldap sa JFT Bus terminal sa Brgy. Bagong Buhay ll, San Jose del Monte City kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones hepe ng San Jose del Monte Police Station kay PNP Provincial Director P/Sr, Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Ryan Carlo Feliciano Y Bayani, 21 anyos, binata, at residente ng Block-1, Brgy. Gumaoc East sa nabanggit na lungsod.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P02 Alejo Roslin at PO2 Nasser, dakong ala-1:25 ng madaling -araw nang makatanggap sila ng impormasyon na may nagaganap na holdapan sa nabanggit na bus terminal.

Nabatid na agad na bumunot ng baril ang suspek na akmang babarilin ang mga rumespondeng pulis, subalit naunahan ito ng putok ni PO2 Roslin, kung saan tinamaan sa kanang binti, at kaliwang bahagi ng puwet si Feliciano.

Samantala, positibong itinuro ng mga pasahero sa bus terminal ang suspek na siyang responsable sa panghoholdap sa kanila.

Agad namang dinala sa San Jose del Monte District Hospital ang suspek,habang nabawi naman ang  mga nakulimbat ng suspek sa mga pasahero, at nakumpiska rin ang isang improvised hand gun at isang iron knuckle.

Kaugnay nito, iniha-handa na ang kaukulang kaso laban sa suspek na kasalukuyang ginagamot sa hospital.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.