Kiko Estrada, pinapantasya sina Agot Isidro at Angel Aquino

Kiko-EstradaPANGARAP DAW maging isang mahusay na director ng young star na si Kiko Estrada katulad ng kanyang idolong si Steven Spielberg. At if magiging director daw siya someday, ang kanyang mga showbiz crush na sina Agot Isidro at Angel Aquino ang gusto niyang maidirek kung siya mismo ang bida.

Tsika nga nito, “Someday gusto ko ring maging director, gusto ko ring magsulat (scriptwriter), ang ganda kasi, parang feeling ko masaya, creatively. Gusto ko ‘yung mala-Steven Spielberg, ang galing kasi niyang mag-direk, nakabibilib.

“Kaya if magiging direktor ako, gusto ko katulad niya, siya ‘yung magiging ispirasyon ko ‘pag pinasok ko na ang pagdi- direk. Kaya nga gusto kong mag-aral magsulat at mag-direk. Siguro ‘pag nagkaroon na ako ng oras at buo na ‘yung desisyon ko na ‘yun na talaga ang gusto kong gawin, mag-aaral talaga ako.”

At if ever na magiging director ka, sino ang gusto mong i-direk?

“Sarili ko. Hahaha! Mas maganda kasing subukan ko muna sa sarili ko ‘yung klase ng pag-arte ko. Hahaha! Pero gusto ko, kasama ko sina Angel at Agot. Kasi crush ko sila nu’ng bata pa ako, simula noon hangang ngayon ‘yun pa rin ang hitsura nila hindi nagbago, mas lalo pang gumanda at flawless. Lahat nga ng mga project nila pinapanood ko, super fan at crush na crush ko sila.

“Si Agot pinapanood ko sa Carmela at si Angel sa Honesto ko siya pinanood kaya lang tapos na. ‘Pag napapanood ko nga sila sinasabi ko sa sarili ko na ang gaganda naman ng mga babaeng ito, nakaka-in love,” pagtatapos ni Kiko.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.