Kidnapping Case ni Go, Tinuldukan na ng NBI

TINAPOS NA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa kaso ng kidnapping laban kay Rolito Go.

Matapos ito ng pagsasampa ng kasong kidnapping at serious illegal detention at robbery with violence against or intimidation of persons laban sa 10 miyembro ng kidnap-for-ransom group, batay kay DOJ Sec. Leila De Lima.

Kabilang sa mga kinasuhan ng DOJ ang mga sinasabing kidnappers na sina Emilio Ortiz, hinihinalang mastermind; Lawrence Yurong; isang alyas Bong; Fernando Fransisco; Armando Mondero; Jerry Duenas; isang alyas Reggie; isang Kumander Rico; isang minimum security prison trustee ng New Bilibid Prison at ang cook ni Go sa NBP.

Dalawa pa lamang sa mga itinuturong suspek na sina Mondero at Duenas ang nasa kustodiya ng NBI.

(PARAZZI REPORTORILA TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.